CHAPTER 13

87 2 1
                                    

Chapter 13

MY BODY froze after I heard what he said. I tried to talk but no words came out. We finished eating and he's now looking at me, waiting for my answer.

"Uhm... May pupuntahan ka pa ba?" I asked him. Trying to divert our conversation into a different topic.

He said that he won't spend his time with me if I'm not that special to him. So does it means...

"Do you want to go out?" He asked and not answering my question.

"Ha?"

"I want to tell you something," he added.


Oh My God.


Hindi na ako nakapagsalita pero tumango nalang din ako sa kanya. Nauna siyang tumayo at uminom ng tubig bago bumalik sa couch. Samantalang ako, still trying to process what he just said. Did he really said that I'm special to him? Tapos may sasabihin daw siya?



Parang biglang nag-error ang utak ko.Napakurap-kurap ako at tumayo deretso sa banyo. Pinagpapawisan ako kaya nanghilamos ako at nag-tooth brush at huminga ng malalim.


Bakit ba kasi pabigla-bigla siya sa mga sinasabi niya? Palaging surprising eh!

Bumalik ako sa living room at hinarap siya. Nagkatinginan lang kami pero hindi parin ako makapagsalita! Bigla akong naging pipi! Iniwasan ko nalang ang mga mata niya at inayos ang mga gamit sa center table at ibinalik sa kwarto. I also did my make-up again. Pagkatapos, bumaba na ako at nag-paalam kay manang na aalis.


"Sige mag-ingat kayo," sabi niya.


Pinuntahan ko si Nicholai sa couch at nakita ko siyang nakatingin sa cellphone niya. Lumapit ako at tumikhim para maramdaman niya ang presenysa ko.


"Ehem..." Tumingin siya sa akin at tumayo. I can sense that's he's avoiding my eyes dahil hindi siya tumitingin sa akin ng deretso. It was very awkward for both of us to only stood here tapos walang may gusto magsimulang nang usapan.



"L-let's go?" Nauutal niyang saad. Tumango lang ulit ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng sasakyan at pinaupo sa shotgun seat. Pumasok din siya at sinimula ng paandarin ito.


*****


TAHIMIK lang kami buong byahe. Medyo malayo rin pala ang pupuntahan namin dahil isang oras na ang nakakalipas nasa byahe parin kami. May tiwala naman ako sa kanya na hindi niya ako ipapahamak.


"We're here," he said when we finally reached our destination. Sumilip ako sa paligid at nakita ko na dinala niya ako sa isang baywalk.


"Bakit dito?" Tanong ko ng bumaba kami ng sasakyan. May mga tao pero hindi naman ganoon karami. May nagtitinda ng street foods, cotton candy, laruan at kung ano-ano pa. The waters are clear and the sky were beautiful. Malinis ang paligid at malakas din ang simoy ng hangin.


Tinignan niya ako bago sumilip sa suot niyang relo at ibinalik ang tingin sa akin. "Just wait and see."


Dahil naging paborito na rin ni Nicholai ang pagkain ng street foods kaya bumili kami. We bought  kikiam, fishball, tempura and softdrinks. Pagkatapos maluto ay umupo kami sa isang bench na nakaharap sa baybayin at kumain.


"5:30 na. Wala pa ba yung hinihintay natin?" Tanong ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako ng napakatagal at ibinaling muli ang tingin sa kalangitan.


"Watch the sun comes down and you'll see how beautiful it is," sabi niya.


Kagaya ng sinabi niya, tumingin ako sa papalubog na araw. As time goes by, I noticed that the colors of the sunset are changing. From yellow to orange to red. Hindi rin gaano ka lakas ang alon sa baybayin. The view is so peaceful and relaxing.


Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now