CHAPTER 31

71 3 0
                                    

Chapter 31

"Okay na ba lahat ng gamit niyo?" Tanong ni Illa. Luluwas kami ngayon ni Blaire nang Maynila dahil birthday ni mommy. Plano naming bisitahin siya for the first time after four years. Sina mama naman ay maiiwan dahil walang mag-aasikaso ng bakeshop. Tanging ako at si Blaire lang ang aalis at doon kami matutulog sa condo ni Jaena.

"Okay na. Magpapaalam nalang ako kay mama at aalis na tayo," sabi ko.

Nagpaalam ako kay mama tsaka kami umalis. Si Illa ang nagmamaneho ng sasakyan samantalang kami ni Blaire ay nasa likod. Buong byahe ay maingay ang bata.

"Mommy! Where are we going? Are we visiting tita-mommy's house?" Tanong ng bata habang kumakain ng tinapay.

"Yes baby. We're going to stay there. We will also visit your lola," I told her.

"Lola po?"

"Yes baby. My mommy. We're going to visit her."

She smiled and clapped her hands. "Yey! We're going to meet lola!"

Mahigit isang oras ang tinagal ng byahe. Huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na building. Dito yung condo unit ni Nicholai dati!

"Illa, bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ko.

Kumunot ang noo ng kaibigan ko. "Ha? Eh, nandito yung unit ni Jaena," sagot niya.

Ibig sabihin nasa iisang condominium building ang kaibigan ko at si Nicholai?

"Diba dito rin nakatira si Nico?" Tanong ko.

Umawang ang labi niya. "Ay! Oo nga pala! Nakalimutan naming sabihin sa'yo. Pero don't worry! Magkalayo naman yung floors ng unit nila kaya malabong magkita sila ni baby," sagot niya.

Tinignan ko si Blaire na mahimbing na natutulog sa balikat ko. Karga-karga ko siya ngayon. Naisip ko rin bigla ang sinabi ni Nicholai noong hinatid niya ako. Doon ako sa bakeshop bumaba dahil baka makita niya si Blaire sa bahay. He said that he still cares for me. Paano nalang kapag malaman niya na may anak na siya? May magbabago ba?

"Feel free at home!" Sabi ni Illa pagpasok namin sa condo ni Jaena. Nasa trabaho pa kasi ang kaibigan ko kaya si Illa na muna ang nag-aasikaso samin dito.

Simple lang ang condo unit ni Jaena. May kaunting artworks sa pader at mga pictures namin at nang pamilya niya sa divider. Malinis din ang kusina at may tatlo siyang kwarto. Isa ay para sa kanya, isa bilang opisina niya at guest room naman ang isa.

"Ang ganda ng unit ni Jaena no? Sobrang linis...."

"Syempre naman, pinsan ko pa. Daig pa niya si mama at tita sa paglilinis. Ayaw talaga ng pinsan ko sa makalat."

Doon kami nanatili sa guest room. Inilapag ko na muna si Blaire sa malambot na kama bago lumabas upang uminom ng tubig. Sakto at naroon din si Illa kaya nagkwentuhan pa kami ng matagal.

"Nag-chat sakin si Jaena. Nag-aaya siyang uminom. Ang himala!" sabi niya.

Kahit ako ay nagulat din. "Bakit naman?"

She shrugged her shoulders. "Simula noong dumating siya mula doon sa business trip ay palagi nalang siyang nagda-drama," sagot niya.

"Kailan ba 'yan? Walang magbabantay sa anak ko. Baka hindi ako makasama."

"Mamayang gabi raw. Sumama kana! Ako nalang ang maiiwan dito at magbabantay kay Blaire," sabi niya.

"Sus! Blaire will definitely look for me later. Baka iiyak pa siya kapag umalis ako."

"Don't worry! Ako ang bahala! Hindi siya iiyak, I promise!" pangungumbinsi pa niya.

At wala na rin akong nagawa dahil kinagabihan ay dumating na si Jaena at pinilit akong samahan siya. Syempre, nagpaalam muna ako sa anak ko at pumayag din siya. Si Illa ang magbabantay sa kanya.

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now