CHAPTER 27

73 4 1
                                    

Chapter 27


"Mommy!"

Nagulat ako ng marinig ang matinis na boses ng anak ko. Tumakbo siya sa akin at niyakap ako. We were inside my bakeshop. Tinutulungan ako ni Sarah dito. Hindi naging lugi ang negosyo kong ito dahil mabenta ang tinapay lalo na ang pandesal tuwing umaga. I also accept cake orders for any occasions.

Nagtatahi pa naman ako. May mga damit din akong binebenta dito pero mas marami ang kita ko sa baking kaya dito ako nag-focus. We were not rich now as before so I needed to be more practical. Kailangan kong mag-doble kayod para sa amin ng anak ko.

But I was still hoping that someday...I could come back in fashion designing again.

"Aba'y nagpupumilit talaga siyang sumama sa akin dito  kaya sinama ko nalang. May ipapakita raw siya sa'yo," saad ni Mama Elsa.

Lumuhod ako para magkapantay kaming dalawa. "Really? What is it anak?" I asked while wiping some chocolate stains on her lips.

"Teacher gave me three stars, mommy!" She showed me her stamps that her teacher put on her palm.

Three years old pa lamang si Blaire pero pinasit-in ko na siya sa isang daycare center na malapit sa bahay namin.

Matalino ang anak ko. One year old palang siya noon ng ma-memorize na niya ang letters in the alphabet. Tinuturuan ko na rin siyang magbasa para kahit papaano ay hindi siya mahirapan kapag pinasok ko na siya sa pre-school.

"Wow! Very good, baby!" bati ko sa kanya at hinalik-halikan siya sa pisngi.

"Mommy! Mabaho po ako! Sumama lang po ako kay nanay kasi sabi niya pupuntahan niya kayo,"

Tumawa ako at kiniliti pa siya ng todo. "Aba! Hindi ka naman mabaho anak. Amoy baby powder ka nga," sabi ko at inamoy ang kili-kili niya.

"Naku! Ang mag-ina na 'to. Ilang oras lang nagkahiwalay miss na miss na kaagad ang isa't isa," natatawang saad ni mama.

"Of course, nanay! I always miss my mommy!" Sabi niya at niyakap ako. "Kaya please, mommy! Let's go home na po. Ipapakita ko po sa inyo ang mga drawings ko!"

"But baby, may costumers pa si mommy. Can you wait for me? Promise pagkatapos nito uuwi kaagad tayo. Okay?"

She pouted. "Sige po. I'll just wait here with nanay."

Tumayo ako at binuhat siya. Three years old pa lang ang anak ko pero ang bigat-bigat na niya! Paano ba kasi, kain lang ng kain sa bahay.

"Mommy can I eat my favorite?" sabi niya. Tinutukoy niya ang strawberry cheesecake na ginawa ko sa kanya kahapon.

"Anak, kumain ka na ng chocolates. Baka masira ang teeth mo."

She pouted again. "Mommy, please..."

I sighed. Ano ba naman ang magagawa ko. Anak ko yan, eh. "Okay, but promise me you'll drink a lots of water after you eat ha? Understand?"

She clapped her hands and smiled widely. "Yes mommy!"

Binigay ko siya kay Mama Elsa at umalis para kunin ang gusto niya. Mabuti nalang at madaling naubos ang mga binebenta ko ngayon kaya maaga rin akong makakauwi.

"Hay naku, Cassie. Tignan mo ang anak mo, napaka-cute!" Sabi ni mama ng lumapit siya sa akin upang kunin ang pagkain ni Blaire.

Tumawa ako nang bahagya. "Oo nga po. Halatang nagmana rin sa ama."

Paano naman kasi, I was the one who carried her for nine months, who gave birth to her, tapos magiging kamukha lang ng tatay niya? So unfair!

"Mahihirapan ka talagang itago ang anak mo kapag nagkataon. Kamukha nga ni Nicholai eh," sabi ni mama.

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now