Author's POV
Dahan-dahan minulat ni Nerese ang kanyang mga mata at agad din naman napapikit dahil sa liwanag na tumatama sa bukas niyang bintana. Nakabukas pala ito at naaninag na niya ang magandang sikat ng araw.
Iminulat niya ulit ang kanyang mga mata at ng maka adjust na sa liwanag, kinuha nito ang kanyang cellphone sa bedside table at tiningnan ang oras. Napabalikwas ito ng bangon ng mapagtanto nito na late na pala siya sa trabaho.
She's Nerese Tejares 24 years old nagta-trabaho siya sa isang sikat na Resto, MWF ang schedule nito para mag cashier at TTHS naman ay service crew. Tuwing Sunday naman ay day off nito. Simpleng babae lang si Nerese, OFW ang kanyang mga magulang at apat naman silang magkakapatid. Bunso si Nerese sa kanilang apat ang dalawa niyang kapatid ay may sarili ng pamilya at ang tanging kasama nalang niya sa bahay ay ang kanyang ate na si Novy, wala pa itong pamilya at focus lang ito sa trabaho.
May mga best friend din ito at yung dalawa niyang kaibigan na si Marnel at Henna ay kasama niya sa trabaho service crew naman sila, si Jecel naman ay call center ang trabaho, si Rhone ay cook sa isang resto at si Reeca naman ay waiter sa isang bar. Hindi man sila magkakadugo ngunit solid ang kanilang pagkakaibigan at parang magkakapatid na ang turingan nilang anim
Nerese POV
Wahhhhhhh!!!! Lagot ako nito! Bakit ba naman kasi late na ako nagising eh!. Si ate Novy kasi ehhhh!! Pinilit ba naman akong mag movie marathon kami kaya madaling araw na rin kami nakatulog, palibhasa day off niya at ayun! Mahimbing parin ang tulog hanggang ngayon.
Dali-dali akong pumasok at dun ako dumiretso sa staff room, nilagay ko kaagad ang mga gamit ko at nag ayos na ng aking sarili, cashier pa naman ako ngayon.
Hayst.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala pa gaanong customer, nandito na ako sa harap para kumuha ng mga order ng customers.
"Oy late ka ah" Sabi ni Renalyn kasamahan ko sa trabaho. Dalawa kami ngayon ang cashier sa kabila ako at siya sa kabila din, maliit lang naman ang pagitan naming dalawa.
"Nag movie marathon kasi kami ni Ate kaya late na ako nagising" Sabi ko sa kanya. Sakto naman at may lumapit na saking customer. "Hi Ma'am good morning May I take your order?" Ngiting-ngiti ako habang sinasabi ko yun, agad na itong nag order at tumungo na rin sa table nila.
Ilang oras akong ganon lang ang ginagawa, maya-maya pa nakaramdam na ako ng gutom, sakto din na tapos na si Renalyn mag lunch.
Yes! Makakapag lunch na rin sa wakas!.
Nandito na ako sa staff room at naabutan ko na kumakain ang ibang kasamahan ko sa trabaho.
"Bes! Dito ka sa tabi ko" Litanya ni Marnel, agad akong umupo sa tabi nito. Si Henna naman ay mamaya pa ang break time.
"Nako Bes, buti nalang di ka napansin ni Manager kanina na late ka, paniguradong pagagalitan kana naman non". Sabi nito.
Neil Velasquez/ Manager namin at EX ng bff ko na si Reeca tama nga ang pagkakabasa niyo EX siya ng kaibigan ko. Naghiwalay sila dahil binalikan ni Reeca yung Ex niya na si Ric, minahal niya naman daw si Neil kaya lang mas mahal niya talaga si Ric. Nong nalaman namin yun walang humpay na sermon ang natanggap niya samin pero ano pa nga bang magagawa namin diba? Desisyon niya yun eh. Lovelife niya yun. Kaya lang kasi mali talagang makipag relasyon sa iba habang mahal mo pa yung ex mo. Maling-mali talaga.
Kaming mga kaibigan ni Reeca ang madalas niyang sungitan. Mga 2 months pa lang namin siyang manager pero ni minsan ata di yun ngumingiti samin. Mainit siguro ang dugo non samin dahil kaibigan kami ng babaeng niloko lang siya.
Tsk! Kasalanan ba namin yun? Eh damay ba naman kami? Ewan ko sa kanya tsk.
"Oo nga eh, buti nalang talaga. Ang suplado pa naman non".
"Baka naman may isa sa inyo na type niya. At nagpapansin lang sa inyo. Ayyyiehhh" Sabi naman ni Wendey, katrabaho ko din. Hindi nila alam na yung ex ni sir eh kaibigan namin.
"Hahaha imposible sa itsura kung to? Tsk!" Sagot ko.
"Imposible talaga bes. Mainit lang siguro talaga ang ulo non samin" Sabi pa ni Marnel.
Natawa na lamang kami, nag sialisan naman na ang iba dahil babalik na sa trabaho. At ganon din si Marnel Ako nalang ngayon ang naiwan dito.
Nang biglang......
"Ahmmmm" Napatingin ako sa may pinto.
Ayan na siyaaaa...
Yung manager namin. Lagot na!.
"S-sir"
"Akala mo ba di ko napansin na late ka kanina Miss Tejares" Cold nitong litanya sakin.
"S-sorry sir. Hindi na po mauulit"
"Be punctual Miss Tejares hindi pwede sa trabaho ang pa late late lang !" Napatungo ako at napapikit ng mariin medyo tumaas din kasi ang boses nito.
"Back to work!" Sigaw pa nito sakin. Kaya taranta akong niligpit ang pinagkainan ko at napabuntong hininga.
Nakakainis na manager! Argh! Kung di ko lang talaga mahal ang trabaho ko nakoooo pektus ka talaga sakin..
Kung galit ka sa kaibigan ko wag mo akong idamay!
Kainis!.
Gwapo ka pa naman sana...
YOU ARE READING
Fallin' Unexpectedly
Teen FictionThe best love story is when you fall In love with the most unexpected person at the most unexpected time.