Chapter 13

1 0 0
                                    

Nerese POV

Nong nakaraan pa parang iba na yung feeling na nararamdaman ko para kay Neil. Lalo na nong nagsimba kaming dalawa, nakasanayan ko naman na kasama siyang mag simba pero bakit that time parang iba na eh, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang may mga paro-paro sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Kagaya ngayon papalapit na ito ngayon sa direksyon ko at hindi ko maiwasan na di tumitig sa kanya.

Sa mga mata niya sa labi niyang nakangiti.. 

sh*t! 

Ano bang nangyayari sakin!!!

"Good morning Nere" Di ko na namalayan nasa harapan ko na pala ito, napakurap pa ako ng maraming beses at parang biglang nailang sa kanya, at natataranta pero di ko yun pinahalata sa kanya. "Okay ka lang ba?" May bahid ng pag-aalala ang boses nito.

"H-ha? O-oo naman. Hmm good morning din!" Wag ka ngang mautal self!

"Sigurado ka ba?" Tanong pa nito.

"Oo naman. A-ako pa ba hehe" Sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

"Ah... sige dun lang ako ha" Ngumiti ito sakin. Tumango lamang ako, ng makalayo na siya kinalabit agad ako ni Marnel.

"Oy namumula ka, okay ka lang ba?" Tanong naman ng kaibigan.

"H-ha?" Gulat nitong litanya.

"Sabi ko namumula ka. Okay ka lang ba?" Pag-uulit pa nito.

"O-oo okay lang ako" Umiwas ito ng tingin sa kaibigan.

"Sigurado ka ha. " Sabi nito at tumango na din ako. Pumunta ako agad sa banyo at napahilamos. Tinignan ko ng maigi ang mukha ko sa salamin.

Umayos ka nga Nere!. Ano bang nangyayari sa'yo ha?! Alam kung kinikilig ka simula nong nag pick up lines kayo pero yun lang naman yun eh! Kinikilig ka lang pero wag mong sabihin na... nahuhulog kana sa kanya?

Nahuhulog na nga ba ako sa kanya?

Unexpectedly?

No! This can't be!. Diba ikaw pa yung nagsabi na bawal! Nerese naman masyadong komplikado. Ex yun ng best friend mo eh!

Bumuntong hininga muna ako at inayos ang sarili ko tsaka lumabas sa cr.

---

Neil's POV

Ang bilis lang ng oras sarado na kami ngayon. Pansin ko din na kanina pa parang wala sa sarili si Nerese lalo na kapag kausap niya ako, nauutal siya at sa tuwing lalapit ako kitang-kita sa kilos niya na natataranta at parang hindi makatingin sakin ng maayos, ngunit binalewala ko nalang muna yun at hayaan siyang siya mismo ang magsabi sakin kung anong nangyayari sa kanya.

Nakita ko sa di kalayuan na nagpaalam na sa kanya ang mga kaibigan at nagbantay na ito ng masasakyan. Pinaandar ko kaagad ang aking motor at nagtungo sa kanya.

"Ner!" Sabi ko at bumusina.

"Ay palaka! Ano ba yan!" Sabi nito. Natawa naman ako.

"Hatid na kita" Litanya ko.

"W-wag na Neil. K-kaya ko naman na" Nauutal na naman siya.

"Diba nakasanayan na rin naman natin na hinahatid kita" Sabi ko pa.

"Wag na... n-nakakahiya na" Di ito makatingin sakin ng maayos.

"Nere" Seryoso kung litanya. Bumuntong hininga ito at tumango na lang. Agad akong napangiti.

Umangkas na ito sakin pero yung kamay niya di ko maramdaman na nakahawak sakin.

"Humawak ka kaya, baka mahulog ka diyan" May sinabi ito pero di ko maintindihan.

"Ano?"

"I-ito na nga oh, ha-hawak na sayo" Sabi niya at humawak na nga sa damit ko pero agad kung hinila yung kamay niya at niyakap ito sa bewang ko.

"Yan, ganyan ang paghawak. Steady lang kamay mo diyan ah"

---

Nerese POV

Parang nakayakap na ako ngayon sa kanya at ito na naman ang tibok ng puso ko, sobrang bilis! Dyusko gusto ko ng bumaba ayuko naaaa.

Buti nalang at nakarating na kami sa bahay. Agad akong bumaba.

"S-salamat Neil" Sabi ko.

"You're welcome Nere. Sige na pasok kana" 

Ngumiti ako sa kanya " mag-iingat ka"

"Sige. Salamat" Sabi nito. Kumaway muna siya sakin at agad ng umalis.

Di ko na napigilan yung sarili ko... p*cha! Kinikilig akooooo!!! Halaaa grabe na talaga yung tibok ng puso ko ma ha-heart attack ata ako eh. Di ko na napigilan magtitili papasok ng bahay hindi ko naman namalayan nasa sala pala si ate. Napatingin ito sakin ng pumasok ako.

"Oh bunso, anong nangyari sa'yo?"

"H-ha? Wala po ate" Di ko parin mapigilan yung kilig. Sh*t! Ano ba to. Kumalma ka nga self!.

"Yung totoo" Nang iintriga ang tingin nito sakin.

"M-magbibihis lang po ako" Sabay takbo ko papuntang kwarto. Narinig ko pang tinatawag niya ako ngunit di ko na lang siya pinansin. Ni lock ko ang kwarto ko at napasandal sa pinto at parang tanga na nakangiti sa kawalan. Totoo ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya? Pero bawal to eh. Bawal na bawal!

---

Kumakain kami ngayon ni ate, nakatungo lang ako habang tahimik na kumakain ngunit ramdam ko naman ang tingin sakin ni ate. Hanggang sa nagulat na lang ako ng binagsak niya ang kutsara at tinidor. Agad akong napatingin sa kanya ngunit agad din na umiwas.

"Sabihin mo nga sakin ang totoo Nerese Tejares. Nahuhulog ka na ba kay Neil?" Napalunok ako at pilit na iniiwas ang tingin ni ate.

"Sinasabi ko na nga ba!" Galit nitong litanya.

"A-ate hindi ko naman-"

"For Christ sake Nerese! Ex yun ng BEST FRIEND MO!"

"A-alam ko naman ate eh... h-hindi ko lang po talaga.. m-mapigilan".

Napabuntong hininga ito. "Alam na ba niya? Did you confess?"

"Hindi po" Mahina kung salita.

"Bunso naman, sobrang komplikado ng sitwasyon niyong dalawa. Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nila yan. Yung kaibigan mo alam na ba niya?"

"H-hindi din ate. Wala naman po akong balak na sabihin sa kanila. Itatago ko nalang po ito. Hanggang sa mawala na 'tong nararamdaman ko para sa kanya".

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now