Chapter 6

2 0 0
                                    

Neil's POV

Linggo na ngayon at kakatapos ko lang maligo. Magkasama kaming magsisimba ni Nerese yun kasi ang usapan namin kahapon. Habang nagbibihis nagpasya muna akong eh text siya. May number ako ng lahat ng mga staff syempre including na siya dun. Pero ito yung first time na eh te-text ko siya.

To: Nerese

Good Morning. Saan kana?

Maya-maya pa tumunog ang cp ko senyales na may text.

From: Nerese

Nandito pa sa bahay. Good morning din.

To: Nerese

Sunduin kita.

Hindi na ako naghintay pa ng reply niya at dali-daling nag-ayos ng aking sarili. Tiningnan ko ang aking sarili sa malaki kung salamin na kita ang buong katawan ko.

Nakasuot ako ng blue longsleeves at maong na black  with matching white tennis shoes. Inayos ko pa ng kaonti ang aking buhok at tuluyan ng umalis ng bahay.

Nerese POV

Hala! Seryoso ba to si Neil? Ako? Susunduin niya? Pwede naman akong mag commute eh.

Nakailang reply na ako sa kanya na wag na niya akong sunduin pero wala akong natanggap na reply galing sa kanya. Lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko si ate Steph sa sala habang nag-aayos din. Call Center agent si ate at kadalasan pang umaga ang duty niya at minsan sa gabi naman.

"Magsisimba ka?" Tanong nito.

"Yhup" Simpleng tugon ko.

"Ahh.. sa susunod nalang ako sasama sayo ha, umaga duty ko ngayon eh".

"It's okay ate, may kasama naman ako"

"Sino?" Kunot noo nitong litanya. Magsasalita pa sana ako ng may bumusina na sa baba.

"Alis na ako te, kitakits later. Ingat sa trabaho" Sabi ko at nakipagbeso na sa kanya.

"Hoy, teka lang sinong kasama mo ha?" Litanya pa nito at talagang sinundan niya pa ako palabas ng bahay. Sakto din na bumaba si Neil sa motor nito.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, medyo nahiya naman ako sa tingin nito. Tumingin ito sakin at ngumiti.

"Good Morning" Sabi nito. Tumingin siya sakin at kay ate Steph.

"At Sino ka?" Mataray na litanya ni ate.

"I'm Neil Velasquez" Nalihad nito ang kanyang kamay sa ate ko. Si ate naman ay walang nagawa kundi makipag shakehands sa kanya.

"Manager namin/ kaibigan ko na rin" Sabi ko. Napatingin si ate sakin. Yung tingin na  kailangan- mong-mag explain-mamaya-look.

"Diba, ex ka ng kaibigan niya?" Alanganin namang ngumiti si Neil.

"Ate.."

"Bueno, pansin ko na parehas kayo ng suot. Magkaibigan nga lang ba talaga kayo? Oh baka naman... may date kayo? Magsisimba ba talaga?"

"A-ate naman!" Nasabi ko na na lamang.

"Baka naman hindi kayo magsisimba. Tingnan niyo nga yang mga suot niyo terno pa talaga ano to? Couple outfit?" Sabi nito habang tinitignan kami pareho. Ngayon ko nga lang napansin ang suot namin dalawa at tama si ate magkapareho kami ng suot. Naka blue off shoulder ako at tenernohan ng black maong at naka sneakers ng white. Terno nga kami ng outfit!

"Ate steph, It's not what you think

"Neil, If may balak kang ligawan itong si bunso siguradohin mo lang na seryoso ka ha, baka sa huli mahulog kayo sa isat-isa.".

"Ate Steph!!" Naiinis ko ng litanya.

"Tara na nga Neil" Hinila ko na ito at nagbeso pa ulit kay ate at nagpaalam na sa kanya. Ganon din si Neil. Sumakay na ako sa motor niya at binigyan niya naman ako ng helmet.

---
Habang nasa byahe hindi namin maiwasan na di mag-usap.

"Katakot naman yung ate mo" Panimula nito.

"Pasensiya na ha, ganon lang talaga yun, hindi kasi sanay na may ibang sumusundo sakin maliban kina Marnel".

"It's okay. Panganay niyo ba yun?"

"Nope, pangatlo namin, at ako ang bunso. May sarili ng pamilya yung dalawa kung kapatid.

"Ahh... protective niya ah"

"Nakoo sobra!!"

"Nga pala, what a coincidence terno pa tayo ng suot. Kaya siguro di ko masisi yung kapatid mo na inakalang mag da-date tayo" Sabi nito.

"Oo nga eh" Nasabi ko na lamang. Nahihiya ako eh ano ba!

"Pano... pano kung try kaya nating mag date" Hinampas ko naman siya sa balikat. Mahina lang naman.

"Joke lang! Ito naman pigilan mo din kasing kiligin haha"

"Bweset ka last mo na yun!" Sabay irap ko kahit hindi naman niya makikita.
----

As usual maraming tao ngayon sa simbahan buti nalang at nakaupo parin kami sa may unahan. Nakikinig lang kami sa pari habang nagmemesa.

Hanggang sa...

"Magbigayan tayo ng peace sa isa't-isa. Peace be with you"

Ngumiti ako sa mga ibang mga tao.

At ng tumingin ako kay Neil, nakatingin na pala ito sakin.

"Peace be with you" Sabay naming litanya at ngumiti sa isa't-isa.

---

Natapos ang misa na sobrang gaan ng pakiramdam ko. May ngiti din ako sa labi at hindi ko maitago yun. Napansin naman yun ni Neil.

"Bakit ka nakangiti?"

"Masaya lang ako" Simpleng tugon ko. Tumango na lamang siya sakin at ngumiti din.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now