Chapter 22

1 0 0
                                    

Flashback 

Neil's POV

"P-pwede ba kitang makausap?" Blangko ang tingin akong lumingon sa kanya. 

"May dapat ba tayong pag-usapan?" Pormal kung litanya.

"T-tungkol sa mga nangyari.. hmmm Neil, I'm sorry. Alam ko na past na yun pero gusto ko parin humingi ng tawad sa'yo. Sorry sa nagawa ko alam ko na hindi mo deserve yun"

Sa totoo lang, wala na akong ibang nararamdaman kay Reeca sa tuwing nakikita ko siya, at wala na akong expectation pa na mag so-sorry pa siya sakin sa ginawa niya. Pero ngayon, iba yung ginhawa na nararamdaman ko dahil narinig ko mismo sa taong nanakit sakin ang salitang sorry, at yun ang matagal ko ng  gustong marinig galing sa kanya.

"Ikaw na rin ang nagsabi past na natin yun, at ang past binabaon na sa limot at hindi na pwedeng balikan pa. But I'm glad to hear na nag sorry ka. Pinapatawad na kita"

Tumulo ang luha niya sa sinabi ko. "Thank you so much Neil". Bumuntong hininga ito at nagsalita ulit. "I'm happy for the both of you Neil, masaya ako dahil natagpuan niyo na ang isa't-isa"

"Siguro nga masasabi ko na blessing in disguise yung ginawa mo, dahil kung hindi mo yun ginawa hindi ko makikita yung babaeng magmamahal sakin ng totoo at tanggap ang buong pagkatao ko. Kaya Salamat din sa'yo" I sincerely smiled at her.

"You really deserve her and she deserve you too, kahit papano pala may maganda ring pinatungohan yung ginawa ko but still mali parin yun. I'm glad na sa kaibigan ko ikaw napunta at sobrang swerte niya sa'yo" Ngumiti ito at nagsalita ulit. "Please take care of her at wag mo sana siyang sasaktan, mahal na mahal ko yung best friend ko and she deserves all the happiness and love in the world"

"Kahit hindi mo sabihin yan, hinding-hindi ko siya sasaktan. At tama ka siya yung tipo ng babaeng deserving maging masaya at mahalin, lalo na ang itrato ng tama. Wag kang mag-alala akong bahala sa Best friend mo"

"Thank you"

"So I guess, this is our closure. Hindi man tayo maging magkaibigan talaga pero asahan mo pakikisamahan kita ng maayos dahil best friend ka ng taong mahal ko"

"Naiintindihan kita Neil at sapat na sakin yun" Tipid akong ngumiti sa kanya at sa hindi inaasahan, bigla ako nitong niyakap.

End of flashback

Author's POV 

Napaupo si Nerese sa kama na para bang hindi makapaniwala sa mga nalaman.

"Mahal na mahal kita at hindi ko magagawang saktan ka o ipagpalit sa iba. Hindi matutumbasan ng kahit na sino man ang lahat ng ginawa mo para sakin mahal. Commited na ako sa'yo"

"A-akala ko kasi..." Hinawakan ni Neil ang kamay nito. 

"Wala ka bang tiwala sakin?"

Napatingin ito ng tuluyan sa nobyo na maluha-luha na rin. "M-mahal hindi sa ganon yun, syempre may tiwala ako sa'yo. Na-naunahan lang ako ng emosyon ko. Sorry" Napayuko na lamang ito.

"Tumingin ka sakin" Ngunit nakayuko parin ito habang humihikbi kaya si Neil na mismo ang nag-angat ng kanyang ulo at nagkatitigan silang dalawa.

"Naiintindihan kita mahal. Sorry kung nasaktan ka sa nakita mo mahal, ngunit yung yakap na yun? Wala lang yun mahal at parte lang ng closure naming dalawa, at wala ng ibang ibig sabihin yun okay? Mahal na mahal kita Nerese at ni minsan hindi sumagi sa isip ko na lukohin ka  dahil kuntento na ako sa'yo mahal"

"S-sorry mahal, sorry talaga sa mga sinabi ko hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng emosyon ko mahal... S-sorry" Humihikbi nitong litanya.

"Ssssshhh it's okay"Niyakap niya si Nerese

"I love you so much" Sabi ni Neil.

"I love you too mahal ko" Napangiti si Neil at hinalikan agad ng binata si Nerese sa noo.

Author's POV

Kinagabihan nagpasya ang magkakaibigan na mag bonfire sa dalampasigan, nandoon na rin ang iba at nagsisimula ng magkwentohan, uminom at kumain. 

Lumabas ng kwarto si Nerese ay siya ring paglabas ng kwarto ni Reeca. Nagkatinginan ang dalawa at parehong ngumiti sa isat-isa.

"Can we talk?" Panimula ni Reeca.

"Oo naman"

-----

"Soory" Sabay nilang litanya, nagkatinginan pa silang dalawa at napangiti na lamang. Si Nerese ang unang nagsalita.

"Sorry dahil ginawan ko agad ng ibang meaning yung nakita ko. Agad kasing pumasok sa isip ko lahat ng mga What if's. Sorry bes, nasaktan kaagad ako. I'm really sorry" Tumulo na ng tuluyan ang luha ng dalaga.

"Bes naman, wag ka ngang umiyak, naiiyak na din ako eh" Naluluha na rin nitong salita.

"Sorry bes.. sorry" Litanya ni Nerese.

"Ako dapat ang mag sorry sa'yo. Sorry bes, in the first place sinabi ko na muna sa'yo na may balak akong kausapin si Neil. Hindi ko na rin dapat siya niyakap, hindi kasi ako nag-iisip eh. Pero bes para  mas malinawan ka ang pag yakap ko sa kanya ay parte lang ng closure naming dalawa. At wala na akong ibang nararamdaman pa sa kanya. Wala na talaga"

Nagyakapan silang dalawa.

"Sorry bes ha, sorry talaga" Litanya ni Reeca. 

________

"Oh, bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Marnel. Nagtungo si Reeca sa pwesto nila Jecel at si Nerese naman ay sa tabi ni Neil. 

"May pinag-usapan lang" Nagkatinginan silang dalawa ni Nerese at ngumit sa isat-isa.

"Okay na kayo?" Bulong ni Neil sa dalaga.

Tinignan siya ng dalaga at matamis na ngumiti.

"Opo mahal"

"Good" At inakbayan siya ni Neil, inihilig ng dalaga ang ulo nito sa balikat ng binata. 

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now