Chapter 10

1 0 0
                                    

Author's POV

Kinaumagahan, nag text na lamang ito kay Neil na hindi na muna siya papasok naintindihan naman ito ng binata. Gusto din kasi muna nito na magpahinga ang dalaga, ang hindi alam ni Nerese nagpaalam din si Henna at Marnel kay Neil na aabsent muna ito dahil may plano sila para kahit papano ay maging masaya si Nerese.

Nalaman na rin ng ate ni Nerese ang nangyari kaya todo comfort ito sa kapatid. Hindi na sana ito papasok sa trabaho para masamahan ang kapatid sa bahay ngunit si Nerese ay pinilit ang ate niya na pumasok na lang ito sa trabaho dahil kaya niya naman ang sarili niya.

Marnel's POV

Dito sa starbucks ang usapan naming magkakaibigan na magkita-kita. Dahil nga sa umabsent si Nere, umabsent din kami ni Henna sa trabaho at nagplano kaming magkakaibigan para maging masaya ito kahit konti. Alam na rin nila ang nangyari kahapon kay Nerese kami na nag kwento sa kanila. And speaking of my friends, nandito na nga sila.

Nagbeso-beso muna kami at umupo, nag order naman ang mga ito ng kape at makakain.

"So, anong plano?" Tanong ni Henna.

"Yun na nga pupuntahan natin si Nere sa bahay nila balita ko kay ate Novy siya lang daw mag-isa dun"

"Hayst kawawa naman yung kaibigan natin, nasasaktan na naman" Sabi naman ni Rhone, nalungkot naman ang iba.

"Ba't kasi bumalik-balik pa yang ex niya na yan!, hindi na nahiya!" Galit na litanya ni Jecel.

"Wala na tayong magagawa, nangyari na yung nangyari" Buntong hininga na sabi ni Reeca.

"Ang kailangan nalang natin gawin ngayon ay maging masaya siya at kalimutan ang mga nangyari. Para saan pa at naging best friend niya tayong lahat". Sabi naman ni Marnel.

"So tayo na? Lets make her happy!" Masayang sabi ni Henna.

Tinapos muna namin ang aming kinakain, nag take out na rin kami ng paborito ni Nerese. Bumili rin kami ng chocolate cake, Nachos, iced coffee. Nagdala naman ako ng mga movies ni Vice Ganda dahil yun ang paborito nitong artista. At tsaka nagdala rin kami ng lulutuin  para mamaya sa lunch at dinner.

___________

Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay ni Nerese. Hindi naman naka lock ang gate kaya agad kaming nakapasok. Dahan-dahan kaming pumasok sa bahay, at dahan-dahang binuksan ni Jecel ang pinto at hindi rin ito naka lock and as expected nasa kwarto parin si Nerese. Pinilit namin na wag magkaroon ng ingay at dahan-dahan na nagtungo sa kwarto nito. Nagtinginan kami at nag ngitian. Unang kumatok ay ako, sunod si Reeca, Henna, Jecel at Rhone.

Nerese POV

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok, hindi lang isang beses kundi limang beses. Sino naman kaya to? Magnanakaw? Kung magnanakaw kakatok pa muna bago magnakaw? Ano kaya yun?

Kung si ate Novy naman, kanina pa yun nakaalis ah at tsaka di naman yung kumakatok sa kwarto ko unless na eh lock ko, eh di naman naka lock kwarto ko ah.

Tsk!

Tamad na tamad akong bumangon, at hindi na nag abalang tumingin pa sa salamin. Bahala na kung mugto man yung mga mata ko, wala namang makakakita.

Tamad akong naglakad patungong pinto at binuksan ito ng biglang...

"SURPRISE!!!!!!"

Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin ang mga kaibigan ko. Si Marnel, Henna, Reeca, Jecel at Rhone. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. At nong yakapin nila ako, dun na nagsibagsakan ang luha ko.

"Mga bessssss!!" Sabi ko habang umiiyak, ganon na rin sila. Sa makalipas na ilang buwan ngayon palang ulit kami nakompletong anim. Nag group hug kami habang nag iiyakan.

"Nakakainis naman kayo eh! Akala ko magnanakaw kayo lang pala!" Sabi ko pa.

"Gaga ka, may magnanakaw bang kakatok" Sabi ni Rhone.

"Meron kaya!" Sabi ko pa.

"Sa ganda naming to magnanakaw?" Litanya si Jecel.

"Kayo talaga! Pinaiyak niyo ko!" Sabi ko pa. Nagtawanan naman sila at pati ako natawa na rin sa kanila. 

Ganito kami.. parang mga baliw haha.

---

Nandito kami ngayon sa kusina tinutulongan namin si Rhone na magluto ng aming lunch. Masaya kaming nag kukwentohan, tawang-tawa nako sa kabaliwan nila at sobrang thankful ako dahil may mga kaibigan akong ganito.

---

Kay bilis lang ng oras at nandito naman kami ngayon sa sala. Nanonood ng movie ni Vice Ganda na Girl, boy, bakla, tomboy. Katatapos lang din namin kumain ng lunch at nilantakan naman namin ang cake na dinala nila, at ang iced coffee.

---

Nagpasya naman na muna kaming magpahinga at magkwentohan dito sa kwarto ko. Nakahiga ako katabi si Recca at Marnel, napapagitnaan nila akong dalawa at ang tatlo naman ay nakaupo lang sa kama.

"Kamusta kana?" Panimula ni Rhone.

"Ito kahit papano naging okay na, dahil yun sa inyo" Ngumiti ako sa kanila. "Siguro, kahit wala na akong love na nararamdaman sa kanya, naiwan parin kasi yung sakit, kaya siguro ako nagkakaganito".

"Mahirap man; pero you should moved on bes, para di kana nasasaktan ng dahil sa kanya" Sabat ni Jecel.

"I will bes, gusto ko na kalimutan yung lahat ng sakit. At maging masaya ulit"

"That's the spirit girl! Kaya mo yan nandito lang kami" Sabi pa ni Marnel.

Ngumiti ako sa kanila "Salamat sa inyo"

"Ikaw pa ba" Sabi ni Henna.

"Best friend tayo kaya dapat damayan ka namin" Sabi naman ni Reeca. Namuo na naman ang mga luha ko.

"Hep! Wala ng iiyak. Iurong mo yang luha mo" Sabi ni Marnel kaya natawa nalang ako at ganon din sila.

Napatingin ako kay Reeca.

"Bes, may sasabihin sana ako sayo" Napatingin naman sila sakin at kay Reeca alam naman ni Henna at Marnel ang sasabihin ko sa kanya.

"Ano yun bes?"

"Your Ex, Neil Velasquez. He's now my friend bes. Okay lang ba yun sa'yo?" Nagulat sila, maliban kay Henna at Marnel.

Ngumiti naman si Reeca at nagsalita. "Oo naman, okay lang sakin bes. Ano ka ba naman, ex ko na yun at past na kaya okay lang sakin".

Napangiti naman ako.

"Friends nga lang ba talaga? Baka isang araw ma fall kana sa kanya" Sabi pa ni Reeca.

"Ha? Di bes ah, di mangyayari yun. Magkaibigan lang talaga"

"Asuss, okay lang din kahit ma fall ka sa kanya. Alam ko kung paano siya mag alaga. Pero sinayang ko yun. Basta bes, support kita sa happiness mo" Napangiti ako sa kanya "Salamat bes" Sabi ko pa.

Nag group hug na naman kami at walang sawang nag kwentohan.

---

Masaya ako dahil nakapag bonding kaming magkakaibigan, masaya ako dahil dinamayan nila ako sa oras ng kalungkotan. Thankful ako dahil sila ang bestfriends ko.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now