Nerese POV
"May gagawin ka ba pa Nere?" He asked. Napaisip naman ako agad.
"Wala naman na. Bakit?"
"Gala kaya tayo?"
"Saan naman?"
"Kahit saan lang, ano G ka ba?"
"Haha sige2 G na G" Sabi ko sa kanya.
Nagpasya kaming maglakad2 sa plaza di naman masyadong mainit dahil may mga naglalakihang mga puno na pwedeng silungan.
"Tara, upo tayo don oh" Sabi niya. Tumango naman ako at sinabayan na siya sa paglalakad.
"Di pa naman lunch, kain kaya tayo, kahit snacks lang muna" Suggest nito. Tamang-tama din dahil may nakita ako sa di kalayuan na nagtitinda ng mga street foods.
"Tara dun tayo!" Sabi ko at hinila siya.
"Favorite mo yung street foods?" Tanong nito.
"Oo naman noh! Tagal ko na rin hindi nakakain niyan eh". Sabi ko.
"Parehas pala tayo" Sabi niya.
"Yes naman... meant to be ganern? Hahaha libre mo ah" Sabi ko. Natawa na lang siya at di na nagreklamo pa. Tuwang-tuwa naman ako at nag order na. Niluto na ni manang ang inorder namin na fishball, kikiam, tempura at samalamig.
After maluto ng mga pagkain. Pumunta na kami sa may bench na uupuan namin sana kanina, dala-dala namin ang mga pagkain.
Pagkaupo agad kung nilantakan ang mga pagkain.
"Oy, hinay-hinay lang haha gutom na gutom?" Sabay tawa nito.
"Masarap eh, tsaka namiss ko to noh" Sabi ko.
"Halata nga, eh halos ubusan mo na ako eh" Natawa ako at ganon din siya.
"Edi bumili ka ulit hahaha"
"Ayunnnn papabili lang pala ulit haha"
Nag jo-joke lang naman ako eh di ko naman alam na seseryosohin niya.
Nagpaalam siya saglit na may bibilhin lang daw akala ko mineral water yun pala nakita ko itong pumunta sa nagtitinda ng street foods.
Pagbalik nito, may dala-dala siyang pagkain ulit.
"Oy joke lang naman yung sinabi ko"
"Ay joke lang pala yun, sayang naman nito. Sige itatapon ko nalang" Nanlaki naman ang mata ko.
Amp. Sayang yun!
"Teka lang naman, nag jo-joke nga ako pero di ko sinabing di ko kakainin. Akin na nga yan!, nagsasayang ka ng pagkain eh" At kinuha ko na sa kanya. Tawang-tawa naman ito.
"Hahaha joke din yun noh" Sabi niya.
"Sira ka talaga!" Sabi ko.
Pinisil naman nito ang ilong ko. "Aray! Pag ang ilong kung to tumangos. Who you ka sakin " Tinawanan lang naman ako nito.
Tsk. Sira talaga.
----Nandito naman kami ngayon sa play ground naka upo sa bench sa ilalim ng puno. Tinatanaw ang mga bata na naglalaro.
"Kamusta ka? I mean... yung puso mo kamusta na?" Tanong ko. Napabuntong hininga muna siya bago magsalita.
"Hindi parin ata okay eh" Mahina nitong tugon.
"Sobrang mahal mo talaga yung kaibigan ko noh? Ang swerte naman niya"
"Ma swerte sana siya. Pero sinayang niya lang naman yung love ko para sa kanya. Alam mo bang sobrang hirap niyang kalimutan" May bahid ng lungkot ang bawat salitang binibigkas nito.
"Until now, siya parin talaga?"
"O-oo, kahit na sobrang sakit... Ewan ko ba. Umabot na rin sa point na parang gusto ko siyang gantihan sa ginawa niya sakin. Gustong-gusto ko Nere" Tumingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nito.
"Sa tingin mo ba kapag ginantihan mo siya mababawasan yung sakit na nararamdaman mo?"
"Siguro, hindi ko alam"
"Neil, alam kung masakit yung ginawa ni Reeca sayo pero hindi mo kailangan gumanti. Minahal mo siya at ganon rin naman siya sayo. Maaatim ba ng konsensiya mo na umiyak din siya. Na masaktan din siya. Hindi tamang gumanti Neil. Walang magandang patutungohan ang pagganti."
"Pero pano naman yung nararamdaman ko?"
"Ang mas mabuti mong gawin ay ang tanggapin yung katotohanan na masaya na siya sa piling ng iba. Tanggapin mo yung katotohanan na hindi kayo ang para sa isa't-isa at mas may better pang tao para sayo".
"Siguro nga Nere, pasensiya na ha.. kalalaki kung tao nagda-drama ako haha"
"Ano ka ba okay lang. Basta palagi mong tandaan na nandito lang ako. Okay?" I smile at him. And he smiled back.
"Alam mo kung anong magandang gawin para kahit papano mawala saglit yang lungkot mo" Kunot noo itong tumingin sakin.
"Edi maghabulan!!!.... Taya ka!!" Sabay tayo ko at tumakbo. Buti nalang naka sneakers ako hindi mahirap tumakbo.
Curious itong nakatingin sakin.
"Ano? Tutunganga kana lang ba diyan? Dali na!!!" Sigaw ko sa kanya. Natawa naman ito at nagsimulang habulin ako. Napapatingin naman ang mga bata saming dalawa.
Paikot-ikot lang kami dito sa play ground
"Ang bagal mo namang tumakbo! Bilisan mo hahahaaha, habulin mo na akooooo"
"Pag ikaw nahabol ko yari ka talaga sakin" Panakot nito sabay habol parin sakin.
"Sinong tinakot mo!" Tawa ako ng tawa habang tumatakbo parin. Kalaunan nakisali narin samin ang mga bata at kasama na namin silang maghabulan. Kitang-kita ko naman sa mga mata nito ang saya kahit paano pala napasaya ko na siya.
Lihim akong napangiti
YOU ARE READING
Fallin' Unexpectedly
Teen FictionThe best love story is when you fall In love with the most unexpected person at the most unexpected time.