Chapter 16

1 0 0
                                    

Author's POV

Pagkatapos ng mga nangyari unti-unti ng bumabalik ang dating samahan nila Nerese at Neil, although kakaiba na ngayon dahil may feelings na sila sa isa't-isa, nadagdagan din ang sweetness ng dalawa.

"Good morning" Napalingon si Nerese sa nagsalita, si Neil pala. Ngiting-ngiti ito sa kanya.

"Good Morning din Neil" Sabi nito sabay ngiti din sa binata.

"Diba sabi ko sa'yo susunduin na kita palagi"

"Neil, di mo naman kailangang gawin yun. Kaya ko naman mag commute"

"Pero Nere, gusto kong masiguro na safe ka palagi"

"Mag-iingat naman ako para sa'yo" Namula naman ang binata sa sinabi ni Nerese.

"Haha oyy kinikilig... pigilan mo yan haha" Napatakip sa mukha si Neil at pinipigilan ang ngiti.

---

Nerese POV

"Okay na kayo?" Tanong ni Marnel. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

Magkasama kaming naglunch at tatlo lang kami dito sa staff room.

"Akala ko ba iiwasan mo na siya?" Tanong naman ni Henna.

"Actually....." Parehong napatingin sakin ang dalawa. Nahiya naman ako bigla at biglang namula.

Shocks!

Kinikilig ako!!!.

"Ano bang nangyari. Oy! Bakit ka namumula?" Takang-taka na sabi Henna.

"Magkwento ka na nga! Pabitin pa eh" Litanya ni Marnel.

"Naalala mo Bes nong nagmamadali kang umuwi kasi may lakad ka, yung naiwan ako para magbantay ng masasakyan" Panimula ko. Napatango naman si Marnel si Henna naman ay nakikinig lang.

"Yun yung time na pilit niya akong kinausap kung ano bang problema kung bakit ko siya iniiwasan"

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita ulit.

"And then nasabi ko nalang bigla sa kanya na... nahuhulog na ako sa kanya, na... mahal ko na siya" Kitang kita sa mukha ng dalawa ang pagkagulat.

"Tapos umamin din siya sakin"

"Teka! Teka! Umamin din siya sayo? So it means...."

Tumango ako bilang kompirmasyon sa kung ano man ang iniisip niya.

Nagkatinginan silang dalawa ni Henna at biglang....

"Kyahhhhhh!!!!! Oh my god!!!" Sabay nilang tili with matching hampasan pa. Napasapo naman ako sa aking noo.

"So kayo na?" Walang prenong sabi ni Marnel.

"Hindi pa..." Kumunot ang noo ng dalawa.

"Diba may feelings na kayo sa isat-isa? Oh eh bakit hindi pa maging kayo?" Tanong naman ni Henna.

"Hindi ganon kadali yun."

"Dahil ba kay Reeca?"

Bumuntong hininga ako, na gets naman agad nilang dalawa.

"Kailan mo sasabihin sa kanya?" Tanong ni Marnel.

"H-hindi ko pa alam. Hindi pa namin napapag usapan ni Neil yan".

"Mahal ka ni Reeca bes, at paniguradong susuport siya sa'yo, sa happiness mo" Sabi ni Henna.

"Pano kung hindi?"

"Ayan kana naman eh.. think positive lang dapat!" Segunda naman ni Marnel.

"Basta kahit ano man ang mangyari. Nandito lang kami para sayo ha. Basta happy ka happy na din kami" Napangiti si Nerese sa sinabi ni Marnel at niyakap nito ang dalawa.

----

"Salamat sa paghatid" Litanya ko.

"Sus wala yun ikaw pa ba, malakas ka sakin eh" Sabi nito sabay ngiti. Tipid din akong napangiti sa kanya.

"May problema ba?" Nag-aalala nitong tanong.

"Naiisip ko lang si .... Reeca" Sabi ko. Kumunot naman ang noo niya. Alam ko na ayaw niya pang pag usapan muna ang kaibigan ko pero I have no choice.

"What if... sabihin ko na kaya sa kanya?" Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Pero unti-unting napangiti.

"Ikaw ang bahala" Sabi nito.

"Talaga? Okay lang sayo?"

"Oo naman, bakit naman hindi?, kung yun ang paraan para maging maayos na ang lahat. Why not diba?" Napangiti ako sa sinabi nito.

"Pero pano kung... magalit siya?"

"Kung mangyari man yun. Wala naman na siyang magagawa. Mahirap pigilan ang dalawang taong nagmamahalan".

Mas lalo akong napangiti. Walang ano-ano pa ay niyakap ko siya.

"Basta kung ano man ang mangyari. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita".

"Noted Nerese. Mahal na mahal din kita"


And suddenly my tears fell with so much happiness.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now