Chapter 18

1 0 0
                                    

Nerese POV

"I knew it" Taka akong napatingin sa kanya.

"H-ha?"

Tumingin ito sakin at ngumiti.

"Sabi ko na nga ba at ma fa-fall ka sa kanya eh, ayaw mo lang talagang umamin. Nahahalata ko na yan una pa lang" Napa-awang ang bibig ko sa sinabi nito.

"P-paano?"

"Nahalata ko basi sa mga shared post mo sa fb, at tsaka hindi naman malabong hindi ka ma fall sa kanya eh. Mabait na tao si Neil, sobrang caring na tao at... iba kung mag-alaga. Yun nga lang sinayang ko yun. But I'm very much happy dahil natagpuan niya yung babaeng kagaya mo".

Maluha-luha parin ako at ngumiti sa kanya, I suddenly hugged her.

"Thank you bes, sorry talaga"

"Ano ka ba naman, past ko na siya at di mo na kailangan mag sorry pa. Teka, alam na ba niya yung feelings mo?"

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti.

"Oo bes, alam na niya" At kinuwento ko sa kanya ang lahat simula nong iniwasan ko si Neil at nong magkaaminan kaming dalawa.

"Halata sa'yong masaya ka"Litanya nito.

"Oo naman bes, sobra"

"Pero bes, so-sorry ha, pero pano kung ginagamit ka lang niya para makaganti sakin?" Napatigil ako sa sinabi nito.

Teka... di ko naisip yun ah.

No.... Imposible!

Bumuntong hininga ako at sinsero siyang nginitian. "Kung sakaling ganun nga, hindi parin ako nagsisisi na minahal ko siya. At minsan na akong naging masaya dahil sa kanya. Wag kang mag-alala bes, alam ko na hindi magagawa ni Neil yun. Sa ilang buwan na magkasama kami, buo na ang tiwala ko sa kanya"

"Ang swerte ni Neil sa'yo bes"

"Ma swerte din naman ako sa kanya"

"Basta ha, palagi mong tatandaan" Hinawakan nito ang kamay ko at nagsalita ulit. "Nandito lang kami para sa'yo. Susuportahan ka namin sa kasiyahan mo"

"O-oo bes, salamat"Maluha-luha kung litanya.

______

Ilang oras ang nakalipas at panay na ang aming kwentohan. Tawanan, kulitan ang namayani sa loob ng kanyang apartment. Nagluto din kaming dalawa ng dinner namin at itinext ko na rin si ate na dito na ako matutulog sa apartment ni Reeca.

Masaya ako sa mga pinag-usapan naming dalawa, marami rin kaming ginawa, naglaro kami ng mga games, at nanood ng movies hanggang sa di na namin namalayan ang oras at nakatulog na kaming dalawa.

____

"Good morning"Bati ko sa mga katrabaho ko, monday ngayon and as usual back to work na naman ako. Sobrang naging magaan yung pakiramdam ko nong nagbonding kami ng kaibigan ko.

"Good morning Nerese" Napalingon ako sa nagsalita at biglang napangiti. Bigla ko itong niyakap at kahit na nagtataka ay niyakap niya rin ako pabalik.

"Ang saya mo ata ngayon?" Tanong nito. Hinarap ko ito ng naka ngiti.

"Nasabi ko na kay Reeca"

"Anong sabi niya? Nagalit ba siya sa'yo?"Nag-aalala nitong litanya.

"Hindi siya nagalit in fact she supported me. At masaya siya para sakin"Siya naman ang yumakap sakin.

"I think okay na ang lahat"Litanya nito at agad kumalas sa pagkakayakap sakin. Tiningnan niya ako sa mga mata at nagsalita ulit. 

"Pwede ba kitang ligawan?"

Pakiramdam ko namula ako sa tinanong nito sakin at agad akong napangiti.


"Oo naman, Pwedeng pwede" 

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now