Chapter 11

1 0 0
                                    

Author's POV

1 month have passed tuluyan ng kinalimutan ni Nerese yung nangyari at sa mga araw na nakalipas mas napalapit si Neil at Nerese sa isa't-isa. Nahahalata na rin yun ng lahat kaya madalas silang tuksohing dalawa. Kagaya ngayon na magkasama na naman silang kumakain ng lunch kasama din ang ibang staff na naka lunch break din.

"Ang sweet naman ng loveteam natin" Sabi ni Gab. Nilagyan kasi ni Neil ng karagdagang ulam ang baon ni Nerese.

"Ayyiehh subuan mo na din Neil" Sabat naman ni Renalyn.

"Mga siraulo talaga kayo, tigilan niyo nga kami" Natatawang litanya ni Nerese, at ganon din si Neil.

"Asuss bet na bet mo din naman eh" Sabay ngiting nang-aasar na sabi ni Marnel.

"Haha tama na yan guys, kayo talaga. Magkaibigan lang kami ni Nerese. Diba Nere?"

"O-oo naman. Itong mga to kasi masyadong ma issue" litanya ng dalaga.

"Malay mo ma fall kayo sa isa't-isa. Hindi imposibleng mangyari yun" Sabi naman ni Henna.

"Hindi mangyayari yun. Magkaibigan lang kaming dalawa" Sabat ni Nerese.

Nerese POV

Naging mas close kami ni Neil after nong nangyari at tinotoo talaga nito ang sinabi niyang nandyan siya parati para sakin. Kaya hindi maiwasan ng mga staff na tuksohin kami dahil sa closeness namin. Natatawa na nga lang kaming dalawa ni Neil at paminsan-minsan sinasakyan ang mga trip nila pero saming dalawa? Magkaibigan lang talaga kami.

---

Kasama ko ngayon si Marnel, nauna naman ng umuwi si Henna at ganon din ang iba. Si Neil naman ay nandun pa at kasama ang ibang staff. Nakatayo kami ngayon ni Marnel dito sa  tabi at naghihintay ng jeep na masasakyan kaya lang punuan talaga ang dumadaan.

"Iba na yung closeness niyo ni Neil ah" Panimula nito.

"Close as friends". Sabi ko.

"Pano kung mahulog ka sa kanya? O di kaya siya mahulog sa'yo?" Napatingin ako sa kanya at agad din namang umiwas.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"H-hindi naman mangyayari yun bes"

"Hindi imposible bes at malay mo one day may magkaaminan na sa inyo" Sabi pa nito.

"Pinipigilan ko naman yung sarili ko bes, ex siya ni Reeca. Hindi ata tama yun na mahulog ako sa ex niya".

"Pero pano nga kung mahulog ka sa kanya?"

"Kung sakali man... itatago ko nalang. Ayukong masira yung friendship na sinimulan naming dalawa".

"Ikaw bahala bes, basta nandito lang ako ha, kami nila Reeca"

"Oo bes. Salamat"

----

Nandito na ako ngayon sa bahay, wala naman si ate Novy dahil pang gabi na naman ang duty nito. Maya-maya pa habang nanonood ako sa tv may nag pop up na message sa messenger ko at galing yun kay Neil.

Neil Velasquez: Hi Nere!

Nerese Tejares: Yow! Neil

Neil Velasquez: Anong ginagawa mo? Kumain kana?

Nerese Tejares: Heto naka-upo lang at nanonood. Tapos na ako ikaw ba?

Neil Velasquez: Nakahiga lang, tapos na rin ako.

Nerese Tejares: So? May eh chi-chika ka ba diyan? Hehe topic na bilis!.

Neil Velasquez: Sige isip ako. Wait lang.

Hindi naman nagtagal at nag message ulit ito.

Neil Velasquez: Why do people cheat?

Napabuntong hininga ako. At nag tipa ng ma eh-rereply.

Nerese Tejares: It's their choice Neil.

Neil Velasquez: But what if, paulit-ulit na nagcheat. Choice pa ba yun sa'yo?

Nerese Tejares: For me, I think Oo. Kasi kung mahal mo yung tao pero nag nag cheat ka parin. Choice nila yun.

Neil Velasquez: Siguro ako, para sakin hobby na nila yun.

Nerese Tejares: Pano mo naman nasabi yan?

Neil Velasquez: Dahil kahit ilang ulit mo pa silang patawarin. Kung hobby na nila mag cheat wala ka ng magagawa.

Nerese Tejares: Ngunit may mga cheater din naman na nagbabago diba?

Neil Velasquez: Meron naman pero yung iba hindi talaga. But for me one day kapag na in love ulit ako. I will changed for her to stay.

Nerese Tejares: Pero para sakin Neil hindi mo naman kailangan baguhin yung sarili mo para mag stay lang siya. Because if that person truly lovrs you tanggap niya lahat ng imperfections at flaws mo. You don't need to change just to make that person stay.

Neil Velasquez: Kaya pala. Kaya pala nasaktan ako ng sobra sa past ko. Nagbago kasi ako. Binago ko yung mindset ko for her. Pero pain lang yung inabot ko.

Nerese Tejares: Kaya nga wag mong baguhin yung sarili mo. Be yourself Neil. If ever na may mabago man. Just change for the better.

Neil Velasquez: Yes Nere, I will.

---

Madami pa kaming napagkwentohang dalawa. At mas lalo ko pa siyang nakilala. Nang makaramdam na ako ng antok nagpaalam na ako sa kanya na matutulog na ako, siya naman ay mamaya pa matutulog.

Napangiti na lang ako bago pumikit at tuluyan ng natulog.

Ewan ko ba, kapag siya yung kausap ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now