Chapter 4

3 0 0
                                    

Author's POV

Pagkapasok nila sa bar sumalubong agad sa kanila ang maingay na lugar, nagsisimula na din maging wild ang mga tao. Pumunta na sila sa isang table. Agad na nag order si Neil, at first nahihiya pa ang tatlo but in the end naging masaya ang mga ito. Unlike kay Nerese na parang di pa masyadong komportable dahil kasama nito ang kanilang manager, at ang mas malala pa EX ito ng kaibigan niya. Pero bakit si Marnel at Henna naging komportable agad sa kanya?

Napansin naman ni Neil na parang naiilang si Nerese kaya tinabihan niya ito, nagsimula naman ang tatlong uminom at pumunta na ng dance floor naiwan naman silang dalawa.

"Are you okay?" Tanong nito sa dalaga.

"Yes sir- I mean Neil" Hindi ito makatingin sa kanya.

"Naiilang ka ba sakin? Because if you do aalis na lang ako" Na guilty naman si Nerese.

"I'm sorry Neil. It's just that hindi lang ako sanay na mabait ka sakin/ samin nila Marnel. Naninibago lang talaga ako sayo. Pasensiya na"

"It' okay Nerese naiintindihan kita. Actually ako dapat ang humingi ng tawad sa attitude ko sa inyong tatlo. It's just that every time na nakikita ko kayo naaalala ko yung ... ka-kaibigan niyo. Alam mo naman siguro yun diba? Yung... sa aming dalawa?"

"Oo naman aware na aware kami. Pero sana mapatawad mo yung kaibigan ko. Hindi niya naman sinasadya yun eh.. minahal ka rin naman niya"

"Wag na muna natin siyang pag-usapan" Pilit ang ngiti nito at uminom.

"S-sige" Sabi na lamang nito.

"Nga pala bakit niyo naman naisipan na mag bar ngayon?" Pag iiba na nito ng topic.

"Gusto daw muna nilang magsaya. Ayaw ko sanang sumama eh kaya lang masyadong mapilit yung tatlo" Magsasalita sana si Neil ng biglang tumunog ang cp ni Nerese naka vibrate din ito kaya alam niyang may tumatawag. Napasapo naman siya sa kanyang noo ng marealize nito na ang ate Novy niya ang tumatawag. Nakaligtaan nitong magpaalam.

"Excuse lang ha" Sabi nito at lumayo ng bahagya kay Neil.

"Hello ate?"

"BUNSO!!! Where are you? Anong oras na ha, kanina kapa dapat umuwi ah".

"Sorry ate, nakalimutan ko na magpaalam sayo. Nandito kami sa bar. Kasama ko sila Marnel at yung M-manager namin".

"Wait, what? Yung EX ni Reeca?" Alam narin ni Novy ang tungkol sa kaibigan niya at sa manager niya.

"Yes ate. Basta later nalang te maya-maya pa uuwi din po kami".

"Okay sige, ingat kayo ha... HOY! ikaw bunso ha MAG-IINGAT ka".

"Opo ate... bye" Bumalik agad ito sa kanyang pwesto kanina.


"Sino yun?"

"Ate ko.... Nakalimutan kung magpaalam eh". Tumango na lamang ang huli. Saglit lang silang nag kwentohan at ng makabalik ang tatlo galing dance floor nagpasya na silang umuwi.

Magkakasama sana sila ni Marnel na sumakay sa taxi kaya lang wala ng space dahil may nakaupo na sa tabi ng driver kaya naman nag alok nalang si Neil na ihahatid niya nalang ang dalaga.

Wala naman ng magawa ang dalaga at sumakay nalang sa motor ni Neil.

"Kumapit ka ah" Sabi ng binata.

"Ha-ha?"

"Sabi ko kumapit ka, baka kapag di ka kumapit sakin baka mahulog ka diyan"

"Ah...s-sige" Ayaw pa sana nitong kumapit sa balikat ni Neil kaya lang baka nga mahulog siya kaya wala na siyang magawa.

---

"Nakakahiya naman Neil ikaw pa talaga nag hatid sakin".

"Okay lang.. Pambawi ko na rin to sa pagiging masungit ko sayo. Pasensiya na talaga. I assure you na hindi na mauulit".

"Sige Neil. Salamat talaga"

"Your welcome. So next time naman?" Tanong nito sabay ngiti.

"Sure, next time ulit. Ingat ka".

Tatalikod na sana si Nerese ng magsalita si Neil.

"Ah... Nerese"

"Hmm?".

"P-pwede ba tayong.... maging magkaibigan?"

Nagulat ito sa tinanong ng binata. Napaisip siya dahil EX ito ng kaibigan niya. Baka..... masira ang friendship nila dahil sa binata.

Ngunit

Naisip din niya na walang masama dahil MAGKAIBIGAN lang naman ang inaalok ng huli at wala namang masama don.

Ngumiti si Nerese at nilahad ang kamay.


"Friends" Napangiti si Neil at nilahad din ang kamay nito sabay shakehands ng dalawa.



"Friends" Sabi ng binata. "Sige na una na ako. Pumasok kana"  Ngumiti siya sa dalaga at ganon din si Nerese sa kanya.


Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now