Chapter 15

1 0 0
                                    

Nerese POV

Isang linggo... isang linggo ko na siyang pilit na iniiwasan at hindi na ako nag re-reply sa kanya. Tumatawag siya through video call pero pinapatay ko lang at sinasabing matutulog na ako. Akala ko nga mababawasan yung nararamdaman ko para sa kanya, nagkamali pala ako. Mas lalo ko siyang minamahal mula sa malayo.

Hangga't maaari ayukong sabihin kay Reeca ang totoo nahihiya ako sa bestfriend ko, nagmahal nga ako sa ex  pa niya. At hangga't makakaya ko, ayukong umamin kay Neil. Ayoko.

Neil's POV

Isang linggo na ang nakalipas at ganon parin si Nerese sakin. Kahit anong sabi ko sa sarili ko na okay lang hindi ko parin maiwasang masaktan. Oo, nasasaktan ako sa pag-iwas nito sakin dahil alam ko na rin sa sarili ko na, na fall na ako sa kanya ng di ko manlang namamalayan.

Ilang ulit ko siyang gustong kausapin pero denidedma niya lang ako, natry ko na rin na tanungin ang mga kaibigan niya maliban syempre kay ex, pero di nila masabi sakin. Gulong-gulo na ako, ngunit kahit ganon aalamin ko parin ang dahilan niya kung bakit niya ako iniiwasan.

Author's POV

Lunch break na nila at kasalukuyang kumakain sila Nerese kasama ang mga katrabaho nito. Masaya silang nagku-kwentohan ng biglang pumasok si Neil at Rod, agad na natahimik si Nerese at pinagpatuloy ang pagkain. Isa-isang nagsi-alisan ang mga kasama nila at ngayon ay tatlo nalang sila ni Rod ang naiwan. Tahimik lang silang tatlo at si Rod naman ay panay lang ang pasulyap-sulyap sa dalawa, si Neil naman ay patingin-tingin lang kay Nerese.

"Ah... maiwan ko na siguro kayong dalawa" Litanya ni Rod. Agad na napatingin si Nerese sa kanya at nagsalita.

"Wag na tapos naman na akong kumain" Sabi nito kahit na ang totoo ay nais na lang niya matapos ang awkwardness nila.

"Hindi mo uubusin yan?' Sabi ni Neil na itinuro pa ang pagkain ni Nerese na may kanin pa at ulam.

"Busog na ako" Walang gana nitong litanya at tsaka tumayo. Nakamasid parin si Rod sa dalawa, tumayo din naman si Neil at agad hinawakan ang kamay ni Nerese na siyang paalis na sana. 

Pagdikit ng kamay nilang dalawa para bang may kakaibang kuryente na naramdaman si Nerese, at mas lalong bumilis ang tibok ng puso nito. Napatingin si Nerese sa kamay niyang hawak ni Neil at ganon din ang binata kaya agad nitong inalis ang kamay niya.

"S-sorry" litanya ng binata. Tumango ang dalaga at tuluyan ng naglakad palabas ng staff room, narinig niya pang tinawag siya ni Neil ngunit hindi na niya ito nilingon pa.

Napahilamos sa mukha si Neil na parang hindi na alam kung anong gagawin.

"Alam mo brad sa tingin ko talaga may problema" Litanya ni Rod.

"Hindi ko maintindihan Rod. Wala naman akong natatandaan na may nasabi o nagawa akong masama sa kanya. Okay naman kami diba? Tapos biglang naging ganito?" Naiinis na nitong litanya.

"Ganyan talaga ang mga babae brad kung magsasawa kang alamin ang totoo eh talagang di mo malalaman ang dahilan ng pag-iwas niya. Sa palagay ko kasi talaga may dahilan siya eh".

"Pero pano ko malalaman eh iniiwasan nga niya ako. Ni ayaw akong kausapin!"

"Natanong mo na ba ang mga kaibigan niya?"

"Oo, pero wala silang sinasabi sakin. Bahala na, kung mag away man kami mamaya dahil sa pamimilit ko sa kanyang kausapin ako, wala na akong pakealam basta malaman ko lang galing mismo sa kanya ang dahilan ng pag-iwas niya".

Nerese POV

"Oy bes sigurado ka bang okay ka lang dito?" Tanong ni Marnel, wala naman si Henna dahil day off nito ngayon.

"Oo naman, magbabantay lang naman ng jeep" Litanya ko. Nagmamadali kasi ito dahil may pupuntahan pa raw sila ng family niya.

"Sigurado ka ha, basta text muko kaagad"

"Sure bes. Sige na ingat ka" Nagbeso kaming dalawa.

"Ingat ka din" At tuluyan na nga itong umalis. Nag ce-cellphone nalang ako habang naghihintay ng jeep ng biglang...

"Nerese" Napalingon ako sa nagsalita and then I saw Neil. Aalis na sana ako ng habulin ako nito at hinawakan sa palapulsuhan ko.

"Please talk to me" Sabi nito.

"Bitiwan mu'ko" Kalmado kung litanya. Agad naman niya itong binitawan. Akmang aalis na sana ako ng magsalita ito.

"Ano bang nagawa kung kasalanan sa'yo? May problema ba Nerese? Kasi kung oo sabihin mo naman sakin oh, gulong-gulo na kasi ako. Akala ko ba magkaibigan tayo, pero bakit umabot sa puntong iniiwasan mo na ako!". Gumaralgal ang boses nito, napapikit ako at napatungo, pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. 

Wag ngayon please... hindi pa ako handa.

"Kausapin muko! Tingnan muko sa mga mata Nerese! Ano bang problema?!" Humarap ako sa kanya, at di ko na napigilan ang sarili kung magsalita.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! At ang naramdaman ko para sayo!. Ex ka ng bestfriend ko kaya mali 'tong nararamdaman ko para sa'yo!. P*tek Mahal kita Neil! Nahulog ako sa'yo ng di ko namamalayan. Mahal kita!  pero alam ko namang sobrang komplikado ng sitwasyon nating dalawa, kaya kahit mahirap kahit masakit man sakin, pilit kitang iniiwasan at hanggat maaari ayukong malaman mo na mahal kita, kasi ayukong mag expect. Ayukong umasang mamahalin mo rin ako. Alam mo ba Neil, hiyang-hiya ako sa bestfriend ko dahil sabi ko pa naman sa kanya na hindi ako mahuhulog sa'yo pero p*ta! Hulog na hulog na ako sa'yo, at kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, kusa itong tumitibok para sa'yo".

"Sa tingin mo ba, ikaw lang yung nagpipigil ng nararamdaman? Sa tingin mo ba, ikaw lang yung nahihirapan? Sa tingin mo ba, ikaw lang yung na fall?. Nerese na fall na rin ako sa'yo at kahit anong pigil ko sa feelings ko para sa'yo kusa kang hinahanap-hanap nito. Kahit alam ko sa sarili ko na nahulog na ako ng tuluyan sa'yo ni minsan hindi sumagi sa isip ko na layuan ka, o iwasan ka. Kasi ikaw lang yung nagbibigay sigla sakin eh, ikaw yung happiness ko at hindi ko makakayanang pati ikaw mawala sakin. Takot rin akong sabihin sa'yo ang nararamdaman ko kasi ayuko ring mag expect mula sa'yo, pero ngayon aaminin ko na rin sa'yo. Mahal kita Nerese pero alam nating pareho na masyadong komplikado yung sitwasyon nating dalawa".

Para bang hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ko akalain na mahuhulog din pala ito sakin, hindi ko lubos akalain na pareho pala kami ng nararamdaman.

Kusang tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi at ganon din siya.

"Hindi sapat na mahal natin yung isa't-isa para maging tayong dalawa. Ang komplikado Neil, sobra"

"Pero alam ko Nere, na dadating yung araw na magiging okay ang lahat. At ito lang masasabi ko sa'yo. Kapag naging okay na ang lahat at hindi na komplikado".

Naglakad ito palapit sakin at pinahiran ang luha sa pisngi ko.

Nagkatinginan kaming dalawa... at nagsalita ito.

"Liligawan kita..."

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now