Chapter 3

3 0 0
                                    

Nerese POV

Buti na lamang at nakarating ako on time sa trabaho. Actually hindi naman talaga ako na la-late eh, minsan kasi sadyang makulit si Ate Novy at inaaya ako nitong mag movie marathon. Oh di kaya pumunta ng club. Kahit anong tanggi ko sa ate kung yun masyado talaga siyang mapilit kaya minsan di na talaga ako nakikipag talo sa kanya di naman ako manalo-nalo eh. Pero okay narin naman yun atleast nakakapag bonding kaming dalawa kahit na medyo busy kami sa trabaho.

Kunti pa lang ngayon ang customers at kasalukuyan akong naglilinis ng mesa. Nang puntahan ako ni JM katrabaho ko at beki friend namin dito sa trabaho.

"Girl!" Sabi nito sabay kapit sa braso ko.

"Oh? Problema mo?" Pinagtaasan ko ito ng kilay.

"May irereto ako sayo mamaya, Ano G ka ba?" Ayan na naman po siyaaaa.

"Naku JM tigil-tigilan mo nga ako sa mga pa reto2x mo na yan. Huling nireto mo sakin hindi ko talaga nagustohan ang manyakis kaya non!".

"Serry nemen te, di ko naman alam yun. But this time magugustohan mo talaga kyahhhh" Sabay tili nito. Agad ko naman siyang hinampas dahil nakaagaw na kami ng atensiyon sa ibang customers.

"Bunganga mo girl! Makatili naman to" Sabay tawa ko sa kanya.

"Pumayag kana kasi! Promise last na 'to" Napailing na lamang ako sa kakulitan nitong kaibigan ko.

"Pag-iisipan ko" Sabi ko.

"Pero Nerese sige-" Naputol ang sasabihin nito ng may tumikhim sa likod namin. Oh-oh si sir Neil! Patay!.

"Mamaya na kayo mag-usap. Trabaho muna" Kalmado nitong litanya at umalis kaagad.

"Mamaya ha" Pahabol pa ni JM. Medyo na weirdohan naman ako sa inasta ni Sir. Hindi naman sa gusto ko na pagalitan niya kami o di kaya ako, ang akin lang medyo... bumait siya sakin NGAYON. Oh guni2x ko lang yun? Hayst ewan.

Author's POV

Gabi na naman at kanya-kanya ng labas ang ibang staff. Magkasama naman si JM, Nerese, Marnel, at Henna na palabas na ng resto. Nag kukwentohan sila habang naglalakad sa daan at ang pinag-uusapan nila ay ang irereto kuno ni JM kay Nerese ngunit si Nerese ay tumatanggi na. Napatigil sila sa paglalakad ng may bumusina sa kanila.

"Ay palaka! Ano ba yan!" Tawang tawa naman ang tatlo sa kanya. Napatingin sila sa motor na bumusina sa kanila at huminto ito sa kanilang gilid, hinubad nito ang helmet at nagulat ang apat kung sino ito.

"S-sir Neil?" Panimula ni Marnel

"Ba-bakit po sir?" Tanong naman ni Nerese

"Bakit kayo naglalakad, uuwi na ba kayo?" He asked.

"Ha-ha? Hindi pa po si-sir" Sabi ni JM.

"Eh saan kayo pupunta?" Litanya pa nito.

"Sa bar po" Sabi ni Marnel.

"Bar? Baka ma late kayo niyan bukas ha"

"S-saglit lang naman kami sir" Sabi ni Nerese.

"Wag niyo akong tawagin na sir. Neil nalang hindi naman nagkakalayo mga edad natin. Any way can I join you guys? Pwede ba?" Nagkatinginan ang apat at parang di alam ang isasagot.

"Sige po sir I mean Neil sure na sure" litanya ni JM. Napatingin sa kanya ang tatlo at para bang gustong batukan ang kaibigan.

Nagtawag naman ng taxi si Neil at sumakay dun ang apat siya na rin ang nag bayad ng pamasahe ng mga ito. Nagkasundo din sila kung saan sila pupuntang bar, gusto sana nila Marnel dun sa pinag ta-trabahuan ni Reeca pero dahil sa kasama nila si Neil sa ibang bar na lamang sila pumunta. At mas lalong nagsaya ang tatlo dahil treat daw ito ni Neil. Pero si Nerese ay na weirdohan lang sa inaasta ngayon ng binata.

"Anyari kay sir Neil? Tanong ni Nerese.

"In fairness kay sir bumabait na ata. Lalo na sa inyong tatlo" Sabi ni JM.

Kasalukuyan kaming naka sakay sa taxi nasa unahan naman namin si Sir Neil.

"Okay na rin yun bes, malay mo may na realize" Sabat ni Marnel.

"Anong ma re-realize ni Sir?" Intrigang tanong ni JM.

"Na... hindi siya fair samin. Mabait siya sa inyo tapos... tapos samin masungit siya parang ganon" Sabi naman ni Henna.

Nagkatinginan naman silang tatlong magkaibigan.

Ilang minuto ang nakalipas huminto si Neil sa Jace bar, ganon din ang taxi na sinasakyan nila.

Hindi maiwasan ni Nerese na tignan si Neil na hinubad ang kanyang helmet.

Oo na ga-gwapohan siya sa binata... ngunit hanggang dun nalang dapat yun..

Napabuntong hininga na lamang siya at umiwas ng tingin sa binata. At napakapit nalang sa braso ni Marnel.





Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now