Chapter 5

3 0 0
                                    

Nerese POV

Kinaumagahan, maaga akong nagising buti nalang at hindi ako na late. Maganda yung gising ko ngayong umaga, ewan ko ba hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi ngumiti.

"Good Morning Nerese" Bati ni Neil. In fairness ha, di niya na ako sinusungitan. Very good ka diyan Neil.

"Good Morning Neil" Napatingin naman ang ibang staff dahil hindi ako nag SIR sa kanya.

"Oh guys, alam ko ang mga tingin na yan ah. Siya kaya nagsabi na NEIL nalang itawag sa kanya at wala ng SIR. Diba?" Baling ko sa kanya. Natawa naman ito.

"Yes guys. Halos magkasing edad lang tayong lahat dito, kaya wag niyo akong eh sir" Sabi nito. Ngumiti siya sakin at ganon din ako sa kanya. Umalis naman ito at siniko  ako ni Gab.

"Himala ah, anong meron?" Tanong nito.

"Humingi na siya ng tawad samin, dahil sa pagiging masungit nito, at sabi din nito hindi na niya uulitin".

"Nag-usap kayo?" Tanong nito.

"Kasama namin siya kagabi nila Marnel. Pumunta kaming bar".

"Di manlang kayo nagyaya? Ang daya ah"

Natawa ako sa inasta nito. "May next time pa naman". Sabi ko.

"Yayain niyo ko ah!"

"Oo na, balik kana sa trabaho mo"

After that, nagsimula ng dumami ang customers kaya naman naging busy na kaming lahat.

Ilang oras ang lumipas break ko naman ngayon at kakain na ako lunch. Nagtungo ako dito sa staff room at as usual naabutan ko sila Marnel ngunit patapos na ang mga ito. Nagpaalam naman na sila agad kaya ako nalang ang mag-isa dito.

Tahimik lang akong kumakain ng biglang...

"Pwede maki-join?" Napa-angat ako ng tingin at ang nakangiting Neil ang bumungad sakin.

"Sure" Umupo kaagad ito sa upuan na nasa harapan ko. Pansin ko na may dala itong pagkain.

"Share tayo di ko naman mauubos to eh". Sabi nito.

"H-ha? Di na okay lang. Madami din akong pagkain eh hehe".

"Sige ikaw bahala" Sabay ngiti nito sakin. Actually naninibago pa talaga ako kay Neil pero okay na rin ito atleast di na siya masungit sakin.

"Buti at hindi kayo na late" Sabi nito.

"Takot nalang namin sayo haha" Tumawa din ito.

"Ah...May gagawin ka ba sa day off mo?" Napatingin ako sa kanya.

"Ah... magsisimba lang ako.. after non wala naman na bakit?"

"Sinong kasama mong mag simba?"

"Minsan yung ate ko, pero kadalasan ako lang"

"This Sunday ba kasama mo yung ate mo?"

"Hindi eh may trabaho kasi siya".

"Hmm.. If you want sabay nalang tayo". Nagulat ako sa sinabi nito.

"H-ha?"

"Every sunday din naman ako nagsisimba.... at day off ko din yun tsaka mag isa lang din ako. Sakto din na ikaw lang mag-isa".

"S-sige Neil. Sure" Sabi ko. Napangiti naman ako at ganon din siya. 

Bigla naman may nag fake/ o mas sabihin nating nang-aasar na pag-ubo. Napatingin ako sa gumawa non si Rod pala. Rod na rin ang tawag namin sa kanya at wala ng sir yun din kasi ang gusto nito.

"Maistorbo ko muna kayong dalawa ha, tapos kana ba Ner? Kailangan kana kasi dun ni Renalyn eh".

"Sige Rod" Tumayo naman na ako at iniligpit ang pinagkainan ko.


Neil's POV

Umupo si Rod sa harap ko at ngumiti ng nang-aasar.

"What?" Maotoridad kung litanya.

"Naistorbo ko ba kayo? Pasensiya na ha" Sabay tawa nito.

"Ewan ko sayo" Walang kagana-gana kung sabi sa kanya.

"Brad, tandaan mo... kaibigan siya ng EX mo. Baka nakakalimutan mo".

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kung tanong sa kanya.

"Sinasabi ko lang naman na wag mo sana siyang gawing rebound o panakip butas."

"Ano bang pinagsasabi mo? Do you think gagawin ko yun sa kanya. Di naman ako kagaya ng BEST FRIEND niya na ginawa akong panakip butas". 

Tsk. Yan tuloy naalala ko na naman.

Bad trip!

"Oh chill lang, nag remind lang naman ako sayo. Pag ikaw talaga nahulog kay Nerese nakoooo malaking gulo yan".

"Magkaibigan lang kami... Hanggang dun nalang yun.".

Niligpit ko na agad ang pinagkainan ko at tumayo. Narinig ko pang tinatawag niya ako ngunit ko na lang siya pinansin.

Kitang kita ko mula dito hanggang sa kinaroroonan ni Nerese. Nakangiti ito  ng malapad sa mga customers.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako...

Napailing na lamang ako at nag obserba na sa ibang staff.




Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now