Chapter 8

2 0 0
                                    

Nerese POV

Ilang buwan pa ang lumipas at patuloy parin ang closeness namin ni Neil. Palaging kasamang mag lunch at kung wala si ate siya naman ang kasamang mag simba. Naging open na rin kami sa isat isa at lahat ng mga gumugulo sa isip namin ay sinasabi namin sa isat isa para naman maging magaan ang aming pakiramdam. Tuwing gabi hindi naman namin naiwasang mag chat at siya lagi ang nag i-initiate ng topic. Mas lalo din kaming napalapit na dalawa.

Sabado ngayon at bukas day off ko na naman kaya ganado akong pumasok ngayon sa trabaho. Service crew naman ako ngayon at marami-marami din ang aming customers.

Sa tuwing magtatagpo naman ang tingin namin ni Neil ngumingiti nalang kami sa isat isa.

Natapos ko ng linisin ang table sa may bandang entrance at ng lalakad na sana ako para pumunta sa kusina napatingin ako sa lalaking pumasok at laking gulat ko na ang pumasok na lalaking ito ay si Ryan. My Damn! ex boyfriend. Anong ginagawa ng taong yan dito? Hindi ko na sana siya papansinin ng dumako na ang tingin niya sakin.

"Nerese" Agad itong lumapit sakin at akmang hahawakan ako ngunit iniwas ko ang kamay ko at naglakad papuntang staff room pero sunod lang ito ng sunod sakin.

"Nerese please, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi pa nito. Lumapit naman si Gab samin.

"Sir, bawal ka po dito" Litanya nito kay Ryan.

"Kakausapin ko lang si Nerese"

"Pero sir-"

"S-sige na Gab.. ako ng bahala sa kanya" Mahinahon kung litanya. Nakatalikod parin ako sa kanya. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto.

"N-nerese... babe" Ramdam kung naglakad ito palapit sakin kaya agad akong nagsalita.

"Wag na wag kang malapit- lapit sakin" Pagpipigil ko ng galit, at tuluyan na rin na humarap sa kanya. Namutawi parin sa puso ko ang galit sa kanya.

"B-babe...I-"

"P*tang*na Ryan! wag na wag mu'kong matawag tawag na ganyan!. Tapos na tayo diba? Tapos na tayo simula nong ginawa mo yun!. Ano bang ginagawa mo dito ha?"

"I'm sorry... Nerese nagsisisi ako sa ginawa ko sa'yo. At sa makalipas na ilang buwan na realize ko na mahal parin kita"

Mapait akong natawa sa sinabi niya. Unti-unti ng namuo sa mga mata ko ang luha.

"Patawarin mo sana ako sa nagawa ko sa'yo. Hindi ko sinasadya Nerese, nadala lang ako. Please maniwala ka. Mahal na mahal parin kita". Kasabay ng pagyuko niya nagsibagsakan na rin ang luha niya at ganon din ako.

"Anim na buwan... 6 f*cking months Ryan! Pagkatapos mong makipag s*x sa iba sasabihin mo sakin na mahal mo parin ako?! Pagkatapos mong itapon na lang yung relasyon natin at piliin yung malanding babaeng yun!!! Heto ka ngayon at babalik sakin? Papaniwalin mo na naman ako Ryan!. Kotang kota ka na!"

"Rese hindi ko sinasadya. Ngayon lang din ako naglakas ng loob na mag sorry sayo dahil nahihiya na ako sayo."

"Nahiya ka pa pala. After all the pain that you've cause me may lakas kapa talaga ng loob sakin sabihin yan. Ryan, okay na sana ako ngayon eh. Masaya na ako eh. Tapos gugulohin mo na naman ako ulit? Pwede bang wag ka nalang magpakita sakin. Please..."

Naglakad ako at nilagpasan ko siya pero bago ko pa mabuksan ang pinto agad niya itong ni Lock at hinawakan ako sa braso at pinaharap sa kaniya, na siya namang ikinagulat ko.

"Nerese please, give me another chance please" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi pero hindi yun nababago ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Bitiwan mu'ko Ryan" Kalmado kung litanya.

"N-no, hindi kita bibitawan. Akin ka lang Nerese, akin ka lang" Pinilit niya akong yakapin pero nagpupumiglas lang ako sa kanya. 

"Shit! Bitiwan mu'ko!! Ano ba!"

"Mahal na mahal kita Nerese!" Pilit parin ako nitong yakapin at sinusubukang halikan, nagulo na rin ang suot ko at ang buhok ko.


"Neil..... help..." 





Neil's POV

Nang sabihin sakin ni Marnel ang nangyari, dali-dali akong pumunta ng staff room at may ilang staff na nandoon.

"Sh*t! Kunin niyo ang susi bilis!" Sabi ko. Agad naman nilang kinuha. Taranta akong binubuksan yung pinto at ng buksan ko na ito, tumambad si Nerese na umiiyak at pilit niyang iniiwas ang mukha at katawan niya sa lalaki.

"Hoy!!" Sigaw ko. Agad akong nagtungo sa kanila at sinuntok ang lalaki. Susuntukin ko pa sana ulit ito ng madako ang tingin ko kay Nerese na umiiyak at gulo-gulo na rin ang buhok at damit.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Ang lakas rin ng kabog ng puso ko sa sobrang pag-aalala sa kanya. Wala na akong pakealam sa ginawa pa nila sa lalaking yun basta ang importante sakin ngayon si Nerese.






I just felt that I should protect her. She doesn't deserve this.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now