Chapter 20

1 0 0
                                    

1 year later



Nerese POV

Isang taon na ang nakalipas nong sinagot ko si Neil at kagaya din ng ibang relasyon, hindi perfect ang relasyon naming dalawa. May tampuhan, away, at minsan hindi pagkakaintindihan, madalas din akong nag o-overthink sa relasyon namin at sa tuwing sasabihin ko sa kanya ang mga na o-overthink ko kinaklaro agad nito sakin. Yung mga small fights naming dalawa hindi na namin pinapaabot pa ng umaga at agad din naman naming pinag-uusapan. 

Si Neil yung tipo ng tao na ma pride pero di ka kayang tiisin, at siya rin yung tipo ng tao na kapag mainit ang ulo o galit mahirap talaga suyuin pero never ka niyang mumurahin o pagsasalitaan ng masasakit na salita, at sobra din siya kung magtampo. Kahit na ganun ang ugali niya pipiliin ko parin siya sa araw-araw.

____

Nasa isang private resort kami nila Neil, kasama namin ang aking mga kaibigan. Si Rhone na kasama ang jow nitong si Rod, si Jecel, Marnel, Reeca at Henna.

Hindi na rin naman gaano ka awkward sa pagitan nilang dalawa dahil ilang beses na rin naman kaming nagbo-bonding at tsaka okay na rin naman ang lahat at ramdam ko rin ang distansiya sa dalawa. 

2 nights and 3 days kami dito at apat na kwarto ang kinuha namin. Isa para samin ni Neil, isa para sa kanila ni Rhone at Rod, isa para sa kanila ni Jecel at Henna at ang isa ay para sa kanila ni Marnel at Reeca.

Kasalukuyan kaming naglalatag ng pagkain dito sa kubo, dalawa lang kami dito ni Neil at ang mga kaibigan ko naman ay may mga kanya-kanyang ginagawa, nagpasya na rin kami na mamaya na muna kami maliligo.

Habang inaayos ang mga pagkain pansin ko na may nakatingin sakin at ng mag angat ako ng tingin nagtama ang mga mata namin ni Neil.

Ngumiti siya at nagsalita.

"I love you" Pakiramdam ko namula ako dahil sa sinabi nito.

"I love you too mahal ko" And he kissed me, smack lang naman.

"You're blushing mahal, hahaha" Panunukso nito.

"Ikaw kasi eh! 'yan tuloy" Sabay hampas ko sa kanya sa braso. Tinawanan lang naman ako nito at niyakap. 

Ilang minuto ang nakalipas, nagpaalam ito na pupunta na muna siya sa kwarto namin kaya naiwan akong mag-isa dito. Maya-maya pa ay pumunta na ang apat dito sa kubo samantalang sila Rhone at Rod ay kasalukuyan pang naghaharutan sa dagat.

"Bes! ligo na tayo!" Sabi ni Marnel

"Mamaya na kami bes, kayo nalang muna" Litanya ko.

"Asusss, yan tayo eh!porket kasama yung jowa! kaloka"Natawa naman kami sa kanya.

"Nasan na ba yung cellphone ko?" Sabi bigla ni Reeca.

"Haler! Naiwan mo kaya sa kwarto"Sabi ni Marnel

"Ay oo nga pala, teka, kukunin ko lang may tatawagan din pala ako, nawala na sa isip ko" 

"Yan! kung ano-ano kasi ang iniisip eh!" Sabi naman ni Jecel. Natawa na lamang kami sa kanya, dali-dali itong naglakad patungo sa kwarto nila.

Author's POV

Papasok na sana ito sa kwarto nila ng bumukas ang kaharap nilang kwarto which is kwarto nila Neil at Nerese. Nagkatinginan ang dalawa pero agad rin na umiwas si Neil, at ng akmang aalis na ang binata biglang nagsalita si Reeca.

"N-Neil.." Napahinto ito ngunit nanatili itong nakatalikod sa dalaga.

"P-pwede ba kitang... maka-usap?"

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now