Chapter 2

3 0 0
                                    

Neil's POV

Chinicheck ko naman ang ginagawa ng mga staff ngunit hindi ko maiwasan ang sarili ko na hindi tumingin sa direksyon ni Nerese. Hindi ko naman sinasadya na sungitan siya o yung mga kaibigan niya. Sa tuwing makikita ko kasi sila naalala ko si Reeca.. Alam ko naman na mali at wala silang kasalanan sa ginawa sa akin ng kaibigan nila pero kasi hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko eh. Siguro dapat na akong maging mabait sa kanila unfair din kasi sa side nila. Mabait ako sa mga staff pero sa kanila lang talaga ako masungit.

Nagulat naman ako ng may tumapik sa balikat ko, isa sa mga kaibigan ko si Rod. 

"Alam mo kung nakakatunaw ang tingin malamang kanina pa tunaw si Nerese" Sabi nito. Napaiwas naman ako ng tingin kay Nerese at naglakad-lakad nakasunod naman ito sakin.

"Pasensiya na brad, naistorbo ko ata ang pagtitig mo sa kanya" Sabay ngiti nito ng nang-aasar sakin.

"Pwede ba Rod, bumalik ka nga sa trabaho mo" Masungit kung litanya sa kanya.

"Wag mo kasing sungitan yung tao hindi porket kaibigan siya ng ex mo eh ganyan ka na sa kanya sa kanila ni Marnel. Hindi tama yun brad. Move on2x din". Napairap nalang ako.

"Oh baka naman may gusto ka kay Nerese." Agad akong napatingin sa kanya ng nakakunot noo. Buti na lamang at nasa malayo kami sa mga staff kaya walang nakarinig sa sinabi niya.

Teka? Ano namang pakealam ko kung may makarinig man?

Hindi ko naman siya gusto ah! Tsk!. Kaibigan niya yung EX KO. 

Yung EX ko na pinagmukha akong tanga! Yung ex ko na akala ko eh mahal ako yun pala mahal pa yung ex niya at nagkabalikan sila.

Sh*t! Ito na naman..  nararamdaman ko na naman yung sakit ng ginawa niya.

Kailan ko ba makakalimutan yung babaeng yun???

Napailing ako at nagsalita "I don't know what your talking about Rod, just go back to your work". Maotoridad kong litanya.

"Hahaha Oo na BOSS" Sabi nito at umalis. Napabuntong hininga na lamang ako at napailing.

Ako nga pala si Neil Velasquez 26 years old. Dalawang buwan pa lamang akong manager dito at itong trabaho na 'to ang nakakapagpasaya sakin. At kahit saglit nakakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa ng ex ko.

Any way, kay bilis lang ng oras at malapit na pala kaming magsara. Kanya-kanya ng linis ang mga staff at syempre ako naman ay tumutulong din sa kanila. Maya-maya pa unti-unti na silang nagpa-paalam sakin. Tumungo na rin ako sa kanila ni Nerese at Renalyn, binilang na nila lahat ng kita at nag encode na si Nerese sa Computer at sinulat naman ni Renalyn sa notebook . Agad inabot ni Renalyn sakin ang notebook at agad ko itong pinirmahan. After non napasulyap ako kay Nerese na nagtungo na sa mga kasama para tumulong sa paglilinis.

"Ah sir mauna na po ako" Sabi ni Gab. Tumango naman ako sa kanya at napasulyap kay Nerese.

Bakit ka ba sulyap ng sulyap sa kanya Neil! Tumigil ka nga.

Nakita ko itong pumasok sa staff room at maya-maya pa ay lumabas ito ng nakabihis na at dala na ang bag. Nakangiti siyang nagpaalam sa kanyang mga katrabaho at kasama na niya si Marnel at Henna. Bumaling ang tingin ng tatlo sakin ngunit nagtagpo ang mga mata namin ni Nerese.

"Uuwi na po kami sir" Sabay na litanya ni Marnel at Henna. Tumango ako sa dalawa.

"Uuwi na rin po ako sir" Sabi niya. Tumango din ako sa kanya. Hindi pa man ito nakakalayo ng tawagin ko siya.

"Nerese!" Napalingon siya at ramdam ko rin ang mata ng mga staff na nakatingin samin.

"Wag ka ng ma la-late bukas. Naiintindihan mo?"

"Y-yes sir. Sorry po di na mauulit". Tumango ulit ako sa kanya at umalis na rin sila agad.


Nerese POV

Dumating na rin ako sa bahay namin at naabutan ko naman si Ate Novy na kumakain habang nanonood sa TV.

"Good evening ate" Sabay beso ko sa kanya at umupo sa tabi nito.

"Good evening bunso,Oh tamang-tama kakain na, niluto ko yung paborito mong adobo" Sabay subo nito.

"Ate Novy naman 24 na ako eh tapos bunso parin yung tawag mo sakin" Sabay pout ko.

"Wala akong pakealam sa edad mo. Bunso ka naman talaga namin ah. At kahit mag asawa ka pa bunso parin itatawag ko sayo. Magbihis kana dun at ng makakain kana" Litanya nito. 

Napairap na lamang ako sa kawalan at nagpunta na nga sa kwarto.




Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now