Chapter 14

1 0 0
                                    

Neil's POV

Dati sa tuwing babangon ako sa umaga sobrang bigat ng pakiramdam ko, madalas din akong nag-o-overthink tuwing gabi. Ngunit simula nong makilala ko si Nerese, at naging magkaibigan kami para bang unti-unti na akong nagiging maayos. At aaminin ko napapasaya niya ako, napapangiti, napapatawa. Siya lang yung taong nakakaintindi sa nararamdaman ko, hindi ko maramdaman na nag-iisa ako, pinaramdam niya sakin na kamahal-mahal din naman ako, tinuruan niya akong mahalin ang sarili ko. She made me realize that I don't need to begged someone to stay at syempre ganon din naman ako sa kanya, palagi kung pinaparamdam sa kanya na worth it din siya at kamahal-mahal, dinadamayan ko siya palagi kapag may pinoproblema siya.

Alam ko sa sarili ko na posible akong mahulog sa kanya pero hangga't maaari pinipigilan kung ma fall na ng tuluyan sa kanya sapagkat sobrang komplikado ng sitwasyon naming dalawa.

"Good Morning Neil" Bati ng ilang staff sakin.

"Good Morning din" Sabay ngiti ko sa kanila.

Agad hinanap ng mga mata ko si Nerese pero di ko siya makita. Teka, absent ba siya?

"Nandon sa staff room" Napalingon ako sa nagsalita si Rod pala.

"Ah.. hehe sige salamat" Sabi ko nalang. Tinapik niya ako sa balikat at tsaka tumango. Pupunta sana ako sa staff room ng bumukas na 'yon at lumabas si Nerese na naka work attire na. At ito na naman ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Ewan pero siya lang ang nakakapagparamdam sakin ng ganito.

Naglakad ako patungo sa kanya at ng mapansin niya ako agad siya nag-iwas ng tingin.

"Good Morning Nere" Litanya ko sabay ngiti.

"Good Morning" Tipid itong ngumiti at nag-iiwas parin ng tingin sakin.

"Kamusta naman ang gising mo?" Masigla kung salita.

"A-ayos naman. Sige Neil dun lang ako" Sabi nito at kaagad ng umalis. Napakunot ako ng noo sa inasta nito sakin. Nagkibit balikat lang ako at baka masama lang ang gising niya kaya siya nagkakaganyan.

---

Nagdaan pa ang ilang oras at ramdam ko na ang pag-iwas sakin ni Nerese. Everytime na lalapitan ko siya mag-iiba naman ito ng direksyon. Sa tuwing kakausapin ko siya kung hindi nauutal panay naman ang iwas ng tingin sakin. Kaninang lunch tatabi na sana ako sa kanya ng agad itong tumayo at sinabing tapos na siyang kumain eh halata naman sa baon nitong hindi masyadong nagalaw.

Nakatayo ako ngayon dito sa malayo at nakatingin lang kay Nerese na ngiting-ngiti sa mga customers. May biglang tumapik naman sa balikat ko si Rod pala.

"Matunaw yan" Sabi nito sabay ngisi di ko na lang siya pinansin at patuloy na nakatanaw kay Nerese.

"May problema ka kayong dalawa? Pansin ko ang pag-iwas niya sayo ah. LQ ba?"

"Gago! LQ ka diyan, di naman kami lovers para mag-away"

"Eh anong pa ganap yan? Bakit iniiwasan ka niya?"

"Di ko nga alam eh. Nong nakaraan although weird siya pero pinapansin pa niya ako pero ngayon halatang-halata ang pag-iwas eh".

"Naku brad, alamin mo kung ano bang problema. Hindi pa kayo pero kung magkaganyan kayong dalawa daig niyo pa ang mag syota" 

"Oo na mamaya, after work. I will talk to her".

"Yan ganyan dapat. Sige na babalik na ako sa trabaho".

"Sige. Salamat" Napabuntong hininga ako, at sa hindi inaasahang dahilan tumingin ito sa direksyon ko at nagtama ang paningin naming dalawa, ngumiti ako sa kanya ngunit umiwas lang ito ng tingin at itinuon na ang atensyon sa mga customers. Nawala naman agad ang ngiti ko sa inasta niya.

 Ano bang problema Nerese?

Nerese POV

"Bes ikaw ha, kanina ka pa namin nahahalata" Sabi ni Henna.

"Ha? Na ano?" Kunwaring tanong ko pero alam ko na kung ano ang tinutukoy nito.

"Yung pag-iwas mo kay Neil" Sabat naman ni Marnel.

"H-hindi ko naman siya iniiwasa ah"

"Asuss kami pa yung pagsisinungalingan mo. Kilalang-kilala kana namin" Napayuko ako.

"May problema ba kayo"

"Kawawa naman yung tao. Kinakausap ka ng maayos, nilalapitan ka pero ikaw naman 'tong si dedma. Ano bang nangyayari sa'yo?" Litanya ni Marnel.

Napabuntong hininga ako at tumitig sa dalawa. Habang may luhang namumuo sa mga mata ko.

"Hala! Wag mong sabihing" Gulat na sabi ni Marnel. Natahimik naman si Henna.

Napatango ako at unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko. Niyakap naman nila akong dalawa.

"H-hindi ko naman sinasadya bes, alam kung mali at sobrang komplikado eh pero di ko talaga namalayan na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya unexpectedly". Maluha-luha kung litanya. Bumitaw sila sa pagkakayakap sakin at masinsinan akong tiningnan.

"Sasabihin mo ba sa kanya?" Litanya ni Henna.

"No, ayuko. Hangga't maaari ayukong umamin" Sabi ko.

"Nerese" Agad kung pinahiran ang luha ko at napatingin sa nagsalita. Si Neil.

"B-bakit?"

"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi nito. Alam kung nahalata niya na rin ang pag-iwas ko. Tumingin ako sa dalawa na parang nanghihingi ng tulong at na gets naman nila yun.

"Ah Neil, siguro sa susunod nalang kayo mag-usap" Sabi ni Marnel.

"Ha? Bakit?" Taka nitong tanong at bumaling ang tingin sakin.

"M-may pupuntahan pa kasi kami. Bonding ng barkada" Sabi ko.

"Ah... ganon ba. Sige ingat kayo" Ngumiti ito ng tipid at ganon din ako. Agad ko naman hinila ang dalawa. Napasulyap ako saglit sa kanya, nakatingin parin ito sakin. Agad akong napabuntong hininga at umiling.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now