Chapter 19

1 0 0
                                    

Author's POV

Simula ng araw na yun nagsimula na ngang manligaw si Neil sa dalaga. Halos araw-araw silang magkasama at hatid sundo din nito si Nerese. Kilig na kilig din naman ang mga kasamahan ng mga ito sa trabaho. 

Nerese POV

Isang buwan na ang nakalipas magmula nong manligaw sakin si Neil at sa makalipas ng isang buwan na yun ay wala itong ibang pinaramamdam sakin kundi ang senseridad, kilig, at lalo na ang pagmamahal. 

Linggo-linggo siya na ang kasama kung magsimba, alam na rin naman ni ate Novy at ng mga kaibigan ko na nililigawan niya ako at wala silang ibang hinangad kundi ang kasiyahan ko. Gustong-gusto ko na rin sagutin si Neil at naghahanap lang ako ng magandang timing para sagutin ito. 

Nandito kami ngayon sa dalampasigan nagpapalipas ng gabi, tahimik lang kami at nakatingin sa dagat, dinadama ang simoy ng hangin. Ilang minuto ang nakalipas nagsalita ako.

"Neil, may sinabi pala sakin si Reeca" Tumingin ako sa kanya at sa hindi inaasahan nakatingin na rin pala ito sakin, ngunit ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.

"Anong sabi niya?"

"Baka daw, ginagamit mo lang ako para gumanti sa kanya"

"Ano?"

"Baka lang naman daw. Pero alam ko naman na hindi mo yun magagawa diba? Malaki ang tiwala ko sa'yo" Tiningnan ko siya at nginitian.

"Nerese, Makinig ka ha"Kitang-kita sa kanyang mga mata ang senseridad.

"Hindi kita niligawan para makaganti sa kanya, hindi kitaniligawan para kalimutan siya at maging rebound lang kita o di kaya ay panakip butas. Niligawan kita dahil mahal kita, hindi ako katulad niya na kailangan pang gumamit ng ibang tao para makalimutan ang ex niya ngunit sa huli babalikan lang pala niya"

Halata sa tono nito ang galit na nararamdaman niya sa kaibigan ko. Napabuntong hininga ako at agad na nagsalita.

"Alam ko, Alam kung di mo kayang gawin yun. Kagaya nga ng sinabi ko malaki ang tiwala ko sa'yo"

"Salamat sa tiwala Nerese, Hinding-hindi ko sasayangin ang pagmamahal mo at ang tiwala mo para sakin" Ngumiti kami sa isa't-isa.

At pareho na naman na nakatingin sa kawalan, habang ang ulo ko ay nakadantay sa balikat niya.

"Galit ka parin sa kanya noh?"

"Hindi naman madaling mawala yun"

"Pero naka move on kana sa kanya diba?"

"Oo naman, pero kasi yung ginawa niya hindi basta-basta mabubura"

"Naniniwala ako na kahit yun yung ginawa niya sa'yo, minahal ka parin naman niya at nagsisisi na siya"

"Ni hindi nga ako nakatanggap ng sorry galing sa kanya, tsk!"

"Sa tingin mo, kung di ka niya niloko m-masaya kaya kayo ngayon?"

"Pwede bang wag na muna natin siyang pag-usapan"

Tumingin ako sa kanya ngunit ang tingin nito ay nasa malayo.

"Sorry"Litanya ko.

"Okay lang.. basta wag na muna natin siyang pag-usapan, bumabalik kaki sakin ang lahat. H-Hindi pa ko ready na pag-usapan siya"

"Naiintindihan ko. Sorry talaga"

Nakangiti itong tumingin sakin.

"Halika nga rito"Niyakap ako nito.

"I love you"

Napangiti ako.

"I love you too"

Halos dalawang oras din kaming nag stay dun at nagpasya na kumain muna bago umuwi. Tawang-tawa naman ako sa kalokohan nito.

_____

"Salamat"Litanya ko

"You're Welcome"

"Salamat sa lahat Neil"

"Ako dapat ang mag pasalamat sa'yo Nerese. Salamat sa pagmamahal at pagtitiwala, at alam ko na worth it yung pag ri-risk ko sa'yo"

Hindi na ako nakapagsalita at niyakap ko nalang siya, tumugon din naman ito sa yakap ko.

"Sige na.. pasok kana. Susunduin kita bukas ha, magsisimba tayo"

"Opo, daily routine na natin yan diba?"

Natawa naman ito "Oo nga, at nakasanayan na talaga"

"Sige na mag-iingat ka ha"

"Oo naman, para satin"

"Dapat lang noh"

"Pumasok kana muna saka ako aalis"

"Oo na po"Litanya ko, pero bago ako pumasok kiniss niya muna ako sa noo. 

Pumasok na rin ako sa bahay at narinig ko ang pag andar ng motor niya at umalis.

Ngiting-ngiti ako habang papasok sa kwarto ko.

______


"Ang ganda mo talaga"Litanya ni Neil, namula naman ako sa sinabi nito. As usual magsisimba kaming dalawa nagyon. And I guess this is the perfect time para sagutin ko na ito.

"Di naman"

"Ayan kana naman eh. Maganda ka okay?" Sabi nito kaya agad akong napangiti.

"Salamat"

"You're always welcome. Tara na"

Tumango ako at sumakay na sa motor nito.

_______

Pagkatapos ng mass nanatili parin kami nakaupong dalawa.

"So... saan tayo ngayon?" He ask. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"B-Bakit?" Kinakabahn nitong litanya.

"Stop ka ng manligaw" I said, Halata ang pagkagulat sa kanya.

"T-teka, bakit?"

"Manliligaw ka pa ba kung boyfriend na kita"

"You m-mean?"

"Yes..." Ngiting-ngiti ako sa kanya. At halata din sa kanya ang kasiyahan bila ako nitong niyakap.

"Thank you... hindi mo 'to pagsisisihan. Mahal na mahal kita Nerese"

"Mahal na mahal din kita"

"Iingatan kita mahal" At hinalikan ako nito sa noo.

Pagkatapos non, lumabas kami ng simbahan at nagtungo sa bilihan ng mga street foods at nagpasyang kumain sa may sea side at magkwentohan.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now