Chapter 23

1 0 0
                                    

3 years later...


AUTHOR'S POV

Sa tatlong tao na nakalipas marami na ang nagbago. Yung mga pangarap ng magkasintahan ay unti-unti na nilang natutupad ng magkasama, nabigyan nila ng maayos na buhay ang kanilang mga pamilya, napauwi na ni Nerese ang kanyang mga magulang at siya na ngayon ang nag tutustos sa kanyang mga magulang. 

Sa loob ng 3 years hindi naging madali ang relasyon ng dalawa, naranasan na rin nila ang Long Distance Relationship dahil sa kanilang mga trabaho. At first, sobrang nanibago silang dalawa sa sitwasyon at madalas na rin silang mag-away dahil sa hindi pagkakaroon ng sapat na oras sa kanilang dalawa.But they still choose to stay in a relationship despite of the arguments, fights that they had. They choose to be still in love.

NERESE POV

Sa makalipas na mahabang taon, mas naging matures kami ni Neil at nag grow pa lalo as a couple. Sa tinagal ng relasyon namin hindi talaga maiwasan ang madalas na away, nagkakapikonan, tampohan, nawala na rin ang spark o di kaya ang kilig but we choose to stay. We fight, we fix and we still choose to love each other everyday.

Marami na rin ang nagsasabi na sobrang solid ng relasyon naming dalawa, dahil magpa hanggang nagyon ay kami parin at hindi bumibitaw sa isat-isa.

Marami na rin ang nagtatanong kung kailan nga ba kami ikakasal, at ang tanging sagot lang namin ay.. "Darating din ang araw na yan"

Napag-uusapan namin ni Neil ang tungkol sa kasal, aming dream wedding etc. ngunit wala pa talagang exact date o araw na masasabi namin na magpapakasal na kami. Ang kasal hindi naman basta-basta minamadali yan eh, ang kasal ay sagrado at palatandaan ito ng totoo niyong pagmamahal sa isat-isa. Ngunit hindi pa talaga namin naiisip na magpakasal. 

Siguro in God's will, darating din kami sa espesyal na araw na yun.

____

Day off ko ngayon at sakto din dahil kapistahan nagyon sa lugar namin. Ngunit imbis na maging masaya ako eh kanina pa ako nakasimangot sapagkat naiinis ako kay Neil. Wala siyang maayos na reply sa mga text ko, at hindi din daw siya makakapunta dito sa bahay dahil may inaasikaso daw ito, kapag tinatanong kung ano, puro basta nalang yung e sasagot sakin. Nakakainis kasi wala naman siyang trabaho ngayon, kaya pano siya magiging busy? tsk!.

Nakakailang tawag na rin ako sa kanya ngunit hindi na nito sinasagot ang mga tawag ko kaya mas lalong nag-iinit yung ulo ko. 

Hayst!

Humanda ka talaga sakin lalaki ka! siguradohin mo lang na importante yang pinaggagawa mo dahil kung hindi hay naku! ewan ko nalang talaga. Lagot ka talag sakin!.


Kay bilis lang ng oras at hindi ko na namalayan na gabi na pala. at ang magaling kung boyfriend hindi na nagpaparamdam. Buong araw din wala ako sa mood at halata din sakin ang pagiging matamlay ko.

Nandito ako sa kwarto nakadapa at nakasubsub ang ulo sa unan kasama ko dito ang mga kaibigan ko na nag-aayos dahil manonood daw sila ng performance sa plaza. 

"Bes! ano? ganyan ka nalang kumilos kana diyan!"

"Punta tayong plaza, dalii!!" Excited na litanya ni Reeca.

Ayuko, wala ako sa mood"

"Asusss nagkakaganyan ka dahil sa jowa mo, hayaan mo na muna yun baka busy lang talaga. Tara na kasiiiii" Pamimilit naman ni Rhone.

"Tinatamad ako"

"Bes naman!" Sabay na sabi ni Henna at Jecel.

Ilang minuto din ang nakalipas ng  mapilit na nga ako ng mga ito, kaya bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo.

________

Nandito kami ngayon sa plaza and as expected ang daming tao dito. Hindi naman kami masyadong malayo sa stage kita din namin mula dito ang mga nag pe-perform ngunit wala talaga akong ganang manood kaya nagbasa nalang ako sa wattpad.

Maya-maya pa narinig ko na nagsalita si Mayor pero hindi ako tumingin sa stage at nakatuon lang ang atensyon sa binabasa ko. Maya-maya pa nagsimulang tumugtog ang pamilyar na kanta.

Dun pa lang ako napa-angat ng tingin ng magsimulang kumanta ang isang pamilyar na boses.

(Song: Crazier Cover by Arthur Miguel)

I'd never gone with the wind, just let it flow
Let it take me where it wants to go
'Til you opened the door
And there's so much more
I'd never seen it before

Yung taong kanina ko pa kinaiinisan, yung taong kanina pa hindi nagpaparamdam. 

Neil....

I was trying to fly, but I couldn't find wings
But you came along and you changed everything

Hindi ko na namalayan, tumutulo na pala ang mga luha sa pisngi ko. Di ko din namalayan na wala na rin ang mga kaibigan ko sa tabi ko, at ngayon nakatuon na sakin ang spotlight at lahat ng mga tao ay nakatingin sakin at walang humapay na nagtitili ang karamihan. 

You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier

Nakita ko si ate Novy na papalapit sakin nakangiti ito ng malapad sa akin. Paglapit nito niyakap niya ako.

"Masaya ako para sa'yo bunso"

"A-ano bang nangyayari ate?" Gulong-gulo kung litanya, ngunit isang matamis na ngiti ang itinugon nito sakin. Hinawakan ako nito sa kamay at nagsimula na kaming maglakad patungo sa stage. Habang papalapit ako sa kanya patuloy parin itong kumakanta at nakatingin lang kami sa mata ng isat-isa.

I watched from a distance as you
Made life your own
Every sky was your own kind of blue
And I wanted to know how that would feel
And you made it so real
You showed me something that I couldn't see
You opened my eyes and you made me believe

You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier, oh-oh

Patuloy lang na nagsibagsakan ang mga luha ko, hindi ko na rin alintana ang mga taong sumisigaw dahil sa kilig.

Baby, you showed me what living is for
I don't wanna hide anymore, oh-oh

Lumapit ito sakin at hinawakan ang mga kamay ko habang kinakanta ang panghuling chorus ng theme song naming dalawa.

You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier


Pagkatapos nitong kumanta agad niya akong inabotan ng bulaklak, at pinahiran niya din ang mga luha ko, nagkatingin kami sa isa't-isa at isa lang ang nasa isip ko.



Mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'to.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now