Chapter 21

1 0 0
                                    

Nerese POV

Naglalakad ako patungo sa kwarto namin ni Neil dahil nagpasya akong eh charge na muna ang cellphone ko. Nakatungo ako habang nagpipindot sa cellphone ko at ng malapit na ako sa kwarto namin nag angat ako ng paningin at para bang tumigil ang mundo ko sa dalawang taong nasa harapan ko.

Si Neil at Reeca...

Magkayakap!

Agad na kumawala ang luha sa mga mata ko at agad itong nangilid sa pisngi ko. 

Shit!

A-anong ibig sabihin nito?

"B-bes" Agad akong napabalik sa wisyo ng magsalita si Reeca, napaatras din si Neil at Reeca sa isa't-isa.

"M-mahal let me explain" He said. Tumalikod ako saglit at pinahiran ang mga luha ko at humarap sa kanila na pilit angmga ngiti.

Ngunit sadyang sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon at kahit anong pilit ko na wag ng magsibagsakan ang mga luha ko, patuloy parin itong kumakawala sa pisngi ko.

"A-aa..ah"Tanging nasambit ko, dahil pakiramdam ko ay any moment babagsak ang katawan ko sa panghihina. Ayukong mag-isip ng kung ano-ano pero shit! kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko sa mga oras na to.

"E-excuse .. me.." Mahina kung salita at nilagpasan silang dalawa. Pumasok ako sa kwarto namin ni Neil at agad na nagtungo sa banyo at ni lock yun. Doon na ako nag breakdown ng tuluyan.

Bakit????

Ano yung nakita ko?

May tinatago ba sila sakin?

Si Reeca na ba ulit yung mahal niya? pero ano ako? kami?

Matatapon na lang ba sa wala ang lahat?

Nerese, please wag kang mag-isip ng ganyan.. mahal ka ni Neil, mahal ka niya...

Minahal nga ba niya ako?

What if ginamit niya lang ako para mapalapit ulit sa kaibigan ko?

What if panakip butas niya lang ako para makalimutan si Reeca at nong nakakasama niya ulit ito eh bumalik yung nararamdaman niya sa best friend ko?

What if.. di niya naman talaga ako minahal?

Napaupo ako sa sahig at humagolgol na ng iyak.

"Mahal! Please, open the door. Please! Pakinggan mo naman ako oh"Rinig ko mula sa labas ang paulit-ulit nitong katok at mga sinabi. "Nerese please.. let me explain. Sasabihin ko sa'yo lahat. Please!"

Bumuntong hininga ako at pinahiran ang mukha ko na basang-basa na ng luha, tumayo ako at binuksan ang banyo, tumambad sakin ang nag-aalalang  tingin nito. At kitang-kita sa kanyang mga mata ang pakiusap na pakinggan ko muna siya. Umiwas ako ng tingin at lumabas ng banyo, aalis na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko at pinaharap sa kanya.

"Please, mahal"Mangiyak-ngiyak niyang salita.

"Siya na ba ulit?... siya na ba ulit ang mahal mo Neil? Ganon na ba talaga kabilis magbago ng nararamdaman mo para sakin? Hindi parin ba sapat lahat ng ginawa ko para sa'yo? Hindi parin ba ako enough para sa'yo?" Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

"Mahal.. nag-"

"Alam mo bang ito na yung kinakatakot ko? Yung, mawala ka sakin, yung bumalik ka ulit sa kaibigan ko. Para sa iba simpleng yakap lang yung nakita ko pero para sakin hindi, at nadudurog yung puso ko sa nakita ko Neil. Best friend ko yun eh, ex mo yun at boyfriend kita!. Yun yung babaeng iniyakan mo at sobra mong minahal bago pa maging tayo.  At ang sakit-sakit sakin na makita kayong magkayakap. Alam ko naman na binigyan mo na ako ng assurance kaya nawala yung pag o-overthink ko dati. But now... Neil bumabalik na naman. at kahit anong pilit ko na alisin yun lahat sa isipan ko hindi ko parin magawa. Natatakot ako... natatakot ako na sabihin mo sakin na siya na ulit ang mahala mo"

Iyak parin ako ng iyak, at ganon na rin siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at nagsalita.

"Mahal, hindi totoo ang mga sinasabi ng isip mo, yung mga what if, what if na iniisip mo. Hinding- hindi ako mawawala sa'yo dahil mahal na mahal kita. Mahal ko, hayaan mo sana akong sabihin sa'yo lahat ng pinag-usapan namin ni Reeca. Please, pakinggan mo lang ako"

Bumuntong hininga ako at walang magawa kundi ang tumango.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now