Chapter 24

3 0 0
                                    

Nerese POV

"Mahal" Nagsitilian na agad ang mga tao  na nanonood samin, halo-halo na rin ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Inabot niya sakin ang bouquet  of red roses.

"Pasensya kana kung di ako nakapag text o kaya naka tawag sa'yo, pinaghandaan ko kasi talaga ang araw na 'to. Ito yung sinasabi ko sa'yo na importanteng ginagawa ko. Sorry mahal" Ang kaninang inis ko sa kanya ay bigla nalang naglaho, ngumiti lang ako sa kanya habang patuloy pa rin na lumuluha. 

Ito na ata ang tears of joy na sinasabi nila.

Lumapit siya sakin at pinahiran ang mga luha ko. Sabay bulong ng "Sana magustohan mo mahal" Bago ito bumaba ng stage hinalikan muna ako nito sa noo.

Agad naman na tumugtog ang tiktok dance na Di ko na mapipigilan. Kita ko na nagsipuntahan sa gitna ang mga kaibigan ko, katrabaho ko at ang family niya at family ko. Nasa gitna din ito at nagsimula na rin silang sumayaw.

Mas lalong naghiyawan ang mga tao sa pag sayaw nila at ako naman ay hindi mapigilan ang mapangiti na lamang habang pinapanood silang sumayaw. 

Hindi ko rin akalain na ang isang Neil Velasquez ay sasayaw sa harap ng maraming tao. 

Ang cute niya!!!

Halong tatlong minuto silang nagsayaw at ng matapos na ang kanta may kinuha sila sa gilid na mga white board at nagtungo si Neil sakin at inalalayan akong bumaba ng stage.

Pinunasan ko ang namumuong pawis nito sa noo, agad naman nitong hinawakan ang kamay ko at inabot sa kanya ni Marnel ang mic.

"Mahal, ang dami na nating pagsubok na nalampasan, through high and lows magkasama parin tayo. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko ikaw lang yung babaeng gusto kung makasama hanggang sa huli. Sobrang mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin kapag mawala ka pa sakin"

Mas lalong tumulo ang mga luha sa mga mata ko, kakaibang saya yung nararamdaman ko ngayon.

Mas nagtilian ang mga tao ng tinaas na ng mga kaibigan ko ang nakasulat sa white board , agad naman na lumuhod si Neil sa harapan ko. Nakatingin lang kami ngayon sa isa't-isa at mas lalong kumabog ang puso ko nong sinabi na nito ang matagl ko ng gustong marinig galing sa kanya.

"Ms. Nerese Tejares... Can you be my Mrs. Velasquez? Will you marry me?"

.

.

.

"Yes!.. yes mahal!" Paulit-ulit kung litanya. Naghiyawan ang mga tao at agad nitong nilagay ang singsing sa daliri ko at nagyakapan kami ng mahigpit. 


Hindi namin alintana ang sigawan ng mga tao, walang pag alinlangan ako nitong hinalikan sa harap ng maraming tao.

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now