Chapter 9

1 0 0
                                    

Neil's POV

Dinala ko dito si Nerese sa Opisina, inayos din nila Marnel at Henna ang itsura nitong nagulo na dahil sa pangyayari kanina at pinainom din namin ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma.

"Sige na Mar at Hen, ako ng bahala kay Nere dito pwede na kayong bumalik sa trabaho".

"Okay Neil, salamat" litanya nilang dalawa.

Nang lumabas na sila nanatili parin siyang tahimik at nakatingin lang sa kawalan, hinayaan ko na lamang ito at umupo na sa swivel chair ko at pasulyap-sulyap lang sa kanya. 

Ilang minuto ang lumipas nagsalita na nga ito.

"He's Ryan, my ex" Panimula nito. Napaayos ako ng upo at mataman siyang tinignan pero ang tingin nito ay nasa malayo parin. Nakinig na lamang ako sa kanya at hindi na muna nagsalita.

"We've been together for almost 2 years, akala ko siya na.. akala ko wala ng makakasira sa aming dalawa. Until that day came. I.. I saw him, may kasamang ibang babae and they're having s*x".

Nagsibagsakan na naman ang luha niya. I didn't know na may masakit din pala siyang past. Samantalang ako, halos lahat nasabi ko na sa kanya, alam niya yung pinagdaanan ko nong niloko ako ng kaibigan siya. Pero siya hindi niya manlang sinabi sakin ang pinagdadaanan niya, nasasaktan rin pala siya.

"Ang dali-dali lang sa kanya na itapon ang lahat ng pinagsamahan namin, yung memories hindi manlang siya nasayangan. Tapos pinili niya yung babae niya, habang ako? Durog na durog dahil sa ginawa niya. Ang tanga ko lang dahil naniwala ako sa lahat ng sinabi niya. After ng mga nangyari, sinabi ko sa sarili ko na I must move on at nakatadhana na rin siguro na mangyari ang lahat ng yun. Okay na sana eh... pero ito na naman bumalik na naman siya. And he wants me back, at sabi niya mahal niya parin ako. But it's to late, ayuko na sa kanya... ayuko ng bumalik sa manloloko na yun. Pero bakit ganito, bakit sobrang sakit parin?" Ang mahina nitong pag iyak kanina ay naging hagolgol.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nito sa sofa. I hugged her again. Niyakap niya rin ako.

"Bakit may ganong tao Neil? Yung tipong sobrang mahal mo na, tapos sobrang pinagkatiwalaan mo na. Pain lang yung ibabalik sayo at papaniwalain ka sa puro kasinungalingan".

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"I don't know the right words to say para kahit papano gumaan yung loob mo. But now iiyak mo lang muna yan Nerese, ilabas mo lahat ng pain na nararamdaman mo. Pero pagkatapos niyan you have to move on, at wag kang mag-alala dahil tutulongan kita. Tulongan natin yung isat-isa na kalimutan yung mga taong hindi deserving sa pagmamahal natin. They don't deserve our precious tears. Always remember nandito lang kami para sa'yo".

Hindi na siya nagsalita pa at umiyak lang umiyak sa bisig ko, hinagod-hagod ko naman ang likod nito as a sign of my comfort. Ilang minuto ang nakalipas huminto na rin ito sa pag-iyak at siya na mismo ang bumitaw mula sa pagkakayakap naming dalawa. Pinunasan nito ang luha niya at ngumiti ng tipid sakin.

"S-salamat Neil. Salamat dahil nandiyan ka para sakin. Salamat talaga sa comfort mo, kahit papano napagaan mo talaga ang loob ko".

"You're welcome Nere, kaibigan kita at nandito lang ako para sayo".

Tumango ito at tipid na ngumiti "Siya nga pala, pasensiya na sa nangyaring gulo kanina, kapag nakarating sa may-ari ang nangyari paniguradong pati ikaw mapapagalitan. I'm sorry Neil".

"It's okay Nere, ako ng bahala. Wag ka ng mag-alala okay?" Ngumiti ito at tumango, tumayo na rin ito kaya napatayo na rin ako.

"Babalik na ako sa trabaho" Litanya nito.

"Kaya mo na ba? Pwede kang mag half day muna".

"Kaya ko na Neil, tsaka unfair na rin sa mga kasama ko eh"

"Pero maiin-" Pinutol na nito ang dapat ko sanang sasabihin.

"Okay lang ako, salamat talaga sa concern. Sige na balik na ako don" Tumango na lang ako at tumalikod na rin ito, sinundan ko lamang siya ng tingin pero ng akmang bubuksan niya ang pinto napahinto ito at tumingin sakin.

"Salamat talaga, hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo para sakin. Asahan mong babawi ako sa'yo Neil"

Tuluyan na nga itong binuksan ang pinto at lumabas na sa opisina ko. Naiwan na lamang akong mag-isa dito.






"Ba-bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Anong nangyayari sakin?"

Fallin' UnexpectedlyWhere stories live. Discover now