Chapter 4: The deal

1.4K 35 8
                                    

"Yanna, tawag ka ni Prof sa room" Pagtawag saakin ng kaklase ko habang nasa cr ako.

"Susunod na ako." Sabi ko at nag hugas muna ng kamay. Pagkatapos ay umalis na doon at pumunta na sa room.

"Miss Yanna, bring your project" Nakangiti sya habang nilalahad yung kamay nya. Tiningnan ko naman yung kamay nya bago kinuha yung project ko. Napahinga pa ako ng malalim bago ipatomg sa kamay nya. Nagsisisi ako kung bakit ko pa ginawa 'to. Okay lang naman kung hindi na tumaas yung grades ko, pero... Sayang naman. Hindi ko alam na malaking kapalit ang hihingin ni Mr. Dawson. "Thanks to your project, Miss Yanna" Bumalik na ako sa upuan ko at napapikit na lang ng madiin.

Kahit anong takas ko pa sa papel na ibinigay saakin ni Mr. Dawson, talagang mababalik parin ako dahil sa mga tauhan nya. Hindi ko nga alam kung bakit ang dami nyang tauhan pero syempre C.E.O sya, sya din ang owner noong company nya.

"Argg!! Ako talaga dapat ang nakapag papirma kay Mr. Dawson at hindi si Yanna!!" Naiinis at galit na sabi ni Sophia.

"Shh, that's okay Sophi, hayaan mo na" Sabi naman ng alipores nya.

"No! Saakin dapat ang lahat ng makukuha nya galing sa school na ito!" Inis pa na sabi nya. Tumingin naman ako sa direksyon nila. Nakatingin sila saakin ng masama.

Napayuko na lang ako.

Pero tumingin ulit ako sa kanila at nginisihan sila.

"Aba!" Susugudin nya sana ako pero pinigilan sya ng mga alipores nyang mukang tinga.

"Calm down, Sophi!" Saway naman nila. Tumayo ako at tiningnan sya ng mapang asar.

"Kawawa ka naman, ako ang nakuha" Ngumisi ulit ako sa kanya bago umalis sa room.

"Yanna!!!!!" Galit na sigaw nya. Napailing na lang ako at dumiretso na sa likod ng building. May puno doon kaya sa ilalim ako noon umupo. Napaka presko dito. Pumikit ako at pilit na pinapatulog ang sarili. Kaso lang, biglang umiepal sa isip ko yung paper!! Arg! Minulat ko na lang din yung mata ko at pinag isipan na lang ng mabuti 'yon.

Pero what?! Ako, mag papakasal? Sa taong hindi ko mahal?! Nooo! Bakit ba kasi tinanggap ko pa yung alok na papirmahin sya doon? At saka, bakit ako pa ang napili nya para doon?

"Yanna, malalim yata ang iniisip mo?"

Napatingin ako sa lalaking kakarating lang at umupo sa tabi ko.

"Wala Xyver, may kaunting problema lang" Sabi ko at niyakap ang mga tuhod.

"Mag sabi ka saakin, tungkol ba saan?" Tanong nya at humarap pa saakin. Huminga ako ng malalim.

"Sa kasal ko." Seryosong sabi ko. Saglit syang natigilan sa sinabi ko at sa huli ay tumawa ng malakas.

"Ano? Kasal mo? HAHAHA! Wala ka ngang boyfriend!" Sabi nya saakin tsaka ako inakbayan. Tiningnan ko naman sya ng masama. Hindi nya siguro maintindihan. "Alam mo, may lalaki namang nag aantay para sa'yo, nasa tabi tabi lang sya" Sabi nya habang nakatingin sa paligid. Kumunot naman ang noo ko.

"Nag aantay? Tss, kung sino man sya, wala akong pake." Umiiling na sabi ko. Wala akong balak mag boyfriend. Dagdag problema lang sa buhay ko 'yan.

"Aray naman" Narinig kong bulong nya. Kinuha ko na lang yung gamit ko at umalis na doon. Sumunod naman sya sa akin. "Pupunta ka ulit sa coffee shop?" Tanong nya.

"Oo." Paglabas sa university ay sumakay na kami sa jeep. Nag bayad na ako bago nya pa ako ilibre. Pagdating sa coffee shop ay nag palit na muna ako ng uniform. Pumunta na ako sa counter dahil masyado nang maraming um-order. "Yes Ma'am?" Tanong ko.

"Uh, 1 iced coffee and 1 Cappuccino" Nakangiti nyang sabi.

"Copy Ma'am, wait for your order" Nakangiti kong sabi sa kanya. Pinaassist ko na muna iyon sa mga kasama ko. "What's your order Sir?"

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon