Chapter 12: Boring day

830 28 0
                                    

Aaminin ko, medyo boring din kapag wala si Kian. Hindi ko alam kung bakit ko pa sya iniisip. Ano bang pake ko sa kanya? Tss.

"Ma'am Lorein?" Napatingin ako sa pinto na bumukas. Nakita ko naman yung tatlo na lumapit saakin.

"Yes?" I asked.

"Ma'am, wala ka namang gagawin siguro 'di ba? Kain tayo!" Sabi ni Ethan.

"Busy pa ako." Wala ako sa mood ngayon dahil sa hindi ko alam na kadahilanan.

"Mukang malungkot ka ma'am" Lumapit si Harper. "Mukang namimiss mo si boss ah?" Namimiss?

"Hindi no, bakit ko naman sya mamimiss eh, Ayoko ngang nakikita sya"

"Miss mo kaagad ma'am?" Tumawa si Noah.

"Kapag tumibok ang puso, lagot ka na--" Binatukan ni Noah si Ethan.

"Kapag tumitibok ang puso, means buhay, puro ka kaharutan" Sabi ni Noah sa kanya. Tumawa na lang ako at inayos na 'yong gamit ko. Kinuha ko na 'yong bag ko at tumayo na.

"Let's go, kain na tayo sa restau" Pag aaya ko. Tumayo kaagad sila.

"Akala ko ba ma'am busy ka?" Si Ethan. Tumawa na lang ako at nag lakad na. Nasa likod ko lang sila at nakasunod saakin.

"Good evening Mrs. Dawson!" Bati nila saakin. Ngumiti ako sa kanila at nag lakad na ulit.

"Ay" Napahinto ako sa paglalakad nang may maalala. "Restroom lang ako" Paalam ko naman.

"Sige ma'am" Sagot nila. Nag lakad na ako papunta sa kaliwa dahil nandoon ang public cr. Pagkapasok ko ay walang tao kaya pinodlock ko muna. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Sunny.

[Yes ma'am?] Tanong nya.

"Yung files, wag mong iiwan sa office. Hindi pwedeng makita ni Kian 'yon lalo na kapag dumating sya" Paalala ko sa kanya.

[Okay ma'am. So saan ko sya ilalagay?]

"Ibigay mo saakin bukas" Sabi ko at pinatay na yung call. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Sunny sa labas dahil baka marinig nung tatlo yung sinabi ko. Lumabas na ako at bumalik na ulit doon sa tatlo. Nang makita nila ako ay ngumiti sila. Nag lakad na ulit ako palabas at pumunta na sa kotse. Si Noah ang nag drive. Nilabas ko yung folder at tiningnan muna yung mga iba kong gagawin. Bukas, wala naman akong gagawin sa company kaya sa mansion lang ako ni Kian.

Nang makarating sa restaurant ay pinaorder ko na sila. Nang dumating ay kumain na din kami kaagad. Napansin kong tingin sila ng tingin sa paligid kaya napatingin din ako. Nang makita kong nakatingin saakin yung babae ay bigla syang umiwas. Hinayaan ko na lang at kumain na ulit.

"Mauna na kayo ni ma'am, Ethan. May gagawin lang kami ni Noah" Sabi ni Harper. Tumango ako.

"Okay, take care!" Ngumiti ako bago tumalikod sa kanila at sumakay na kaagad sa kotse. Nag drive na si Ethan. "Ethan?"

"Ma'am?"

"Pakideretso sa knife shop" Sabi ko naman. Nakita kong napatingin sya saakin.

"Ano namang gagawin mo doon ma'am?" Kunot noo nyang tanong.

"May bibilhin lang ako" Sagot ko. Dumiretso nga sya doon at pagdating ay pumasok na kaagad ako. Nag hanap ako ng magandang klase ng knife. Nakita ko 'yong balisong kaya kinuha ko kaagad. Ang nito. Napatingin naman ako sa katabi nito na samurai. Kakaiba sya sa binigay saakin ni lolo. Nilapag ko 'yung balisong at kinuha yung samurai.

Tiningnan ko 'yon nang mabuti. Maganda din pero yung balisong parin ang kinuha ko. Mas naaakit ako sa ganda ng balisong na hawak ko. Binuksan ko 'yon nang mabilis gamit ang isang kamay.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon