Chapter 18: Threats

779 22 0
                                    

"Yanna girl!" Sigaw ni Sheena habang tumatakbo papalapit sa akin. Naglakad lang ako habang nakatingin sa unahan.

"Hi Yanna!" Sabi ni Cindy at tumabi din sa akin. Hindi ko sila pinansin at naglakad lang.

"Mygod! Bakit hindi ka namamansin?" Tanong ni Sheena.

"Oo nga, may iniisip ka?" Si Cindy. Tumango naman ako. Nang makarating sa cafeteria ay umupo na ako dala yung pagkain ko dahil tapos nang mag order.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Sheena at umupo na din sa harap ko.

"Wala" Sagot ko na lang at kumain na. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila. Dahil una sa lahat, bawal ipagkalat.

*Ughr! My head hurts because of you! You said na may iniisip ka, then you said, nothing!" Inis na sabi ni Sheena at napataray.

"Wag nyo na nga lang akong pakialamanan, tsk" Kumain lang ako doon. Muntik na akong masamid nang biglang may umakbay at tumabi sa akin.

"Hoy! Ash! Hindi ka na nag papakita ah! Porket may asawa ka na!" Sabi ni Shiro at hinigpitan ang pagkaka akbay sa akin. Inalis ko naman yung kamay nya sa batok ko tsaka sya binatukan.

"Ang sakit huh!" Tinarayan ko naman sya.

"Hi" Bati ni Xyver at umupo na sa tabi ko.

"Kanina ka pa tulala dyan, Ash. Problema?" Si Shiro.

"Gosh! Hindi nya nga sinasabi sa amin eh!" Tumawa ng mahina si Sheena.

"Oh, bakit?" Humarap sa akin si Xyver.

"Si Kian lang" Pagdadahilan ko. Pero, sya naman talaga yung inaalala ko. Teka, ibig kong sabihin is, nagtataka lang ako sa mga kilos nya. Madalas syang wala kapag gabi. At kung nandyan naman ay aalis sya ng 3 AM. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa noon. Dapat natutulog sya dahil ang dami nyang ginawang trabaho, pero hindi. Umaalis pa rin sya sa gabi o madaling araw.

"Ah..." Tango tangong sabi ni Xyver at kumain na lang din. Tumingin ako sa orasan. 4 PM na pala. Tumayo na ako at kinuha na 'yong gamit ko.

"Una na ako" Paalam ko sa kanila. Tumango sila.

"Bye!" Cindy.

"Take care!" Shiro.

"Mwa!" Si Sheena, nag flying kiss pa. Si Xyver, tahimik lang. Umalis na lang ako doon at pumunta na sa parking lot. Nandoon yung kotse kaya ibig sabihin ay mayroong susundo sa akin. Nakita ko si Noah doon kaya naman pumasok na ako sa kotse.

"Good afternoon ma'am" Bati nya. Ngumiti lang ako at tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Nang makarating sa office ni Kian ay pumasok na kaagad ako. Wala sya doon kaya umupo muna ako sa swivel chair ko at nagpahinga doon.

Naalala kong may gagawin pa pala ako kaya binuksan ko yung laptop. After school, work naman. Tss, nakakapagod din kaya. Binuksan ko yung drawer ko at hinanap yung files na binigay ni Mr. Felencio. Kailangan ko pang icheck lahat dahil kailangan na bukas. Hindi ko naman nagawa noong nakaraan dahil naging busy ako. Onti na lang naman 'to dahil pakiramdam ko ay nakialam na naman si Kian dito, tss.

Napahinto ako nang may makitang papel na maliit na nakadikit sa gilid ng drawer ko. Kinuha ko naman 'yon at binasa.

Get ready, Mrs. Dawson. I will kill you. And that's really exciting.

Rs

Sino na naman ba ang nantrip sa drawer ko? Tss. Nilagay ko na lang 'yon sa bag ko at sinimulan na ang trabaho. Medyo marami din akong ginawa kaya napagod na ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon.

"Where's Mr. Dawson?" Tanong ni Madi at umupo sa sofa.

"Hindi ko alam." Sagot ko naman.

"What?" Her head furrowed. "You're his Wife, you should know where he is" She rolled her eyes to me.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon