Chapter 28: Heart beat

725 22 2
                                    

ETHAN'S POV

Papunta ako ngayon sa warehouse dahil mag iinom daw sila. Habang nag ma-maneho ako ng kotse ay bigla ko na namang naalala 'yung nakita ko kahapon. Nakita ko si Hailey at Claudine na nag uusap no'n. Narinig kong pinag-uusapan nila si ma'am Lorein kasama 'yung mga lalaking jowa yata nila.

-Flashback-

Lumabas ako sa kotse ko para pumasok sana sa loob ng mall. Pero kaagad din akong napatigil dahil parang may nakita akong mga panget. Lumingon ako sa gilid ng poste at nakita kong may mga tao nga doon. Lumapit ako ng kaunti para marinig 'yung mga pinag-uusapan nila.

"So, what's the plan?" Tanong ni Hailey.

"Theo, Ikaw muna" Sabi nung lalaki sa isa pang lalaking kasama nila.

"Gago, ba't ako" Kumamot naman sa ulo 'yung lalaki. Tangina, ano kayang pinag uusapan nila?

"Ako na nga!" Sabi ni Claudine na bidabida.

"Go" Hailey.

"First, we need to kidnapped her--" Pinutol nung Theo 'yung sasabihin ni Claudine.

"Shh! Baka may makarinig!" Siniko ni Theo si Claudine.

"Ouch! Wala namang tao!" Tinarayan ni Claudine si Theo. Pero teka, sinong kikidnapin nila?

"Oh, kikidnapin si Lorein, tapos?" Tanong nung isang lalaki. Ano?! Si ma'am Lorein?! Tama ba 'yung narinig ko? Si ma'am Lorein 'yung pinag-uusapan nila? Nakinig pa ako sa pinag-uusapan nila. Kailangan 'tong malaman ni boss.

"Let's takot-takot her muna" Si Hailey.

"Wow, she's so arte-arte" Bulong ko sa sarili ko.

"And? Basta! Let's just talk about it later." Sabi ni Claudine. "Tara na, baka may makakita sa atin dito" Umalis na sila kaya pumunta na din ako sa kotse ko. Shet!

-End-

Hindi tuloy ako mapakali kahapon pa. Hindi ko pa nasasabi kay boss maski doon sa anim, dahil busy pa si boss at hindi pa umuuwi mula kagabi. Hindi ko pa sinabi sa anim dahil mangunguna na naman sila, Gago 'yung mga 'yon, eh.

Pagdating sa warehouse ay bumaba na kaagad ako sa kotse ko at pumasok na sa loob. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na nag tatawanan sila hbang umiinom. Aba! Hindi manlang nanghintay! Kasama pa yata 'yung mga bebe nila! Tsk! Umupo na kaagad ako at nakitagay na din.

"Oh, na-late ka?" Si Montere na tinatanong kung bakit ako na late.

"Anong oras ba dapat?" Tanong ko at tiningnan sila.

"8:45 PM dapat, mag na-9:20 na, oh" Si Carter.

"Club tayo bukas, mukang day off naman natin, eh" Sabi ni Falmco.

"Good idea pare!" Sabi ni Tyler.

"Gusto ko 'yan--" Hinampas ni Aki si Montere.

"No, Hindi pwede." Sagot ni Aki.

"Hehe joke lang" Ngumiti si Montere.

"Tsaka, kahit anong oras, ipapatawag tayo ni boss" Sabi naman ni Haze.

"That's true" Pagsangayon ni Lyn.

"May sasabihin nga pala ako" Uminom ulit ako. Kapag naaalala ko talaga 'yon, nababanas ako at parang gusto Kong maunang sumugod.

"Ano?" Si Carter.

"Tungkol saan?" Si Haze Miller.

"Babae ba 'yan?" Montere.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon