Chapter 15: Valentine's

854 25 0
                                    

Pagkalabas ko sa room ay sinuot ko na kaagad yung earpods ko at nag play ng music doon. Nag lakad na ako palayo. Pupunta pa ako sa office ni Kian dahil kailangan nya raw ako doon. Ilang bwan na rin pala ang lumipas simula noong inalok nya ako sa contract nya, tss. Mag aanim na bwan na ako sa kanya pero hindi pa rin sya tinitigilan ni Madi. Hay buhay.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang humarang si Sophia sa dinadaanan ko at masama ang tingin saakin. Tinanggal ko yung earpods ko at tiningnan sya. Ano na naman ba 'to?

"I-ikaw si Mrs. Dawson?!" Namumuo yung luha nya at matalim na nakatingin saakin.

"Hindi ako." Sagot ko at nilagpasan na sya. Hinila nya naman ako.

"Hindi pa ako tapos!" Hinarap nya ulit ako. Bumuntong hininga naman ako.

"Ano bang gusto mong malaman?" Taas kilay kong tanong.

"Paanong kinasal ka kay Mr. Dawson!?" Sigaw na tanong nya. Buti na lamang at wala nang tao sa floor na ito. Pero... Paano nya nalaman? Hindi kaya, galing sya sa company ni Kian? At doon nya mismo nalaman?

"Hindi yan totoo--"

"Sabihin mo kung paano!" May diin sa mga salita nya. Bakit ba galit na galit 'to?

"Nag pakasal kami, 'yun na 'yon." Barumbado kong sabi. Hindi ko naman pwedeng ilaglag yung sarili ko no!

"What?! For sure may reason 'yon!" Lumuha sya. Namewang naman ako sa harap nya.

"Eh, ano bang pake mo?" Tanong ko.

"May pake ako 'cause I like him! Hindi mo ba alam 'yon? Inagaw mo sya!" Lumapit sya saakin. Grabe! Hindi ko naman alam na may gusto sya doon sa fake husband ko. Kung gusto nya si Kian, isalpak nya sa bibig nya, Tss.

"Inagaw? Hindi naman. Kasalanan ko ba kung ako yung pinakasalan nya?" Pangaasar ko pa. Napatagilid yung muka ko nang bigla nya akong sampalin. Napahawak naman ako doon at tinusok ng dila ang loob ng pisngi.

"Aagawin ko sya sa 'yo, tandaan mo 'yan!" Umalis na sya sa harap ko. Ano?! Kung free lang siguro si Kian baka shinip ko na silang dalawa. Parehas naman silang mataray. Pero oops, kay Madi nga pala sya. Hindi ko alam na gusto pala ni Sophia si Kian. Sayang, may Madi na si Kian. Masakit yung sampal nya at alam kong namumula na yung muka ko pero nagawa ko pa ding tumawa. Crazy Sophia.

Umalis na lang ulit ako doon at pumunta na sa cafeteria. Um-order lang ako ng foods at umupo na at kumain.

"Yanna!" Narinig kong sigaw ni Cindy.

"Hi Ash!" Lumapit kaagad si Shiro at tumabi saakin bago umakbay. "Tagal kitang di nakita ah! Busy ka ba?" He pouted.

"Oo, medyo busy" Ngumiti ako. Ang tagal ko nang hindi nakakabawi sa kanila.

"Ayaw na kitang maging kaibigan" Sabi naman ni Xyver at nag pout din.

"Me too!" Sabi ni Sheena at nag cross ng arms.

"Kaltukan ko kaya kayo? Tss" Kumain na lang ulit ako.

"Hehe joke lang! Gala naman tayo, bawi ka!" Tinulak tulak pa ako ni Xyver.

"Huh? Hindi ako free ngayon, pupuntahan ko pa si Kian" Uminom ako ng tubig at tumingin sa kanila dahil natahimik sila. "Bakit?"

"Nakakaselos na 'yang husband mo ha!" Sabi ni Cindy.

"Parehas kaming busy. Maraming ginagawa sa office, kailangan ko syang tulungan" Tiningnan ko yung oras.

"Kapag may free time ka, mag sabi ka para makapamasyal tayo" Sabi ni Shiro.

"Sige, I have to go" Paalam ko bago umalis. Kinuha ko na yung gamit ko at umalis na doon. Pumunta ako sa waiting shed at nag abang doon ng jeep. Nang makakita ng jeep ay sumakay kaagad ako at nag bayad na. Nang makarating naman doon ay kaagad akong pumasok at pumunta sa office ni Kian. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko kaagad sya na may ginagawa. Mukang na sstress na nga. Umupo ako sa pwesto ko at binuksan kaagad yung laptop ko.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon