Chapter 30: Kidnapped

636 21 1
                                    

Nang nalaman kong nasa bahay si Shiro ay kaagad kaming umuwi ni Kian para puntahan si Shiro sa mansion. Bigla na lang kasing tumawag si Noah sa akin at sinabing nasa mansion si Shiro at lasing na lasing.

Pagdating doon ay kaagad akong pumasok sa loob.

"Hi ma'am, boss!" Bati ni Harper.

"Nasaan si Shiro?" Tanong ko at tumingin sa paligid.

"Nasa guess room s'ya ma'am" Sagot ni Noah sa likod ni Harper.

"Is he okay?" Tanong ni Kian.

"Oo boss, pero mukang borken--" Tinabig ni Harper si Tyler. "Broken! Muka s'yang broken ma'am"

"Pupuntahan ko lang s'ya, Kian. Mag pahinga ka na" Tumalikod na kaagad ako at pumunta sa guess room. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita kong nakahiga si Shiro sa kama, nakatalikod. Halatang umiiyak s'ya dahil sa paggalaw ng balikat n'ya. Lumapit ako sa kan'ya. "Shiro" Pagtawag ko sa kan'ya. Saglit s'yang napahinto tsaka humarap.

"Ash! Sorry, naistorbo ko pa 'yung date n'yo ni Mr. Dawson" Gulat n'yang sabi at umupo, pinupunasan 'yung luha. "Gabi na pala, uwi na ako. Ay, Ash, salamat nga pala doon sa mga body guards mo, ha" Halata pa rin 'yung pag kalasing sa boses n'ya.

"Anong nangyari? Bakit ka uminom ng sobra?" Masungit na tanong ko sa kan'ya habang nakataas 'yung isa kong kilay.

"Wala, deepfreeze ako" Tumawa s'ya nang mahina. Alam kong nililibang n'ya lang 'yung sarili n'ya.

"Depressed ka? Ano ngang nangyari?" Umupo ako sa tabi n'ya. "Kamusta pala 'yung confession mo kay Cindy? Ayos ba?" Natawa ulit s'ya nang mahina.

"Wala" Sabay iling ng ulo n'ya. Kunot noo ko s'yang tiningnan.

"What? Wala?" Tanong ko. Nakatingin lang s'ya sa hangin.

"Hindi ako nag confess" Pag amin n'ya.

"Akala ko ba nag confess ka? Kaya ka nga umalis kanina, 'di ba?" Tanong ko pa.

"Nahuli yata ako, Ash" Nag sisimula na namang lumuha 'yung mata n'ya, pero kaagad n'yang pinunasan noong may pumatak na luha.

"What do mean?" Anong nahuli? Imposible.

"Hah! Wag na nga natin-g pag-usapan" Tumingin s'ya sa orasan.

"Tell the truth to my wife, she will be mad at you if you don't say anything to her." Napatingin kami sa door, nakita namin doon si Kian na nakacross arms.

"Kanina ka pa d'yan?" Tanong ko kay Kian. Umiling s'ya.

"Waahh! Ash, nakakatakot 'yung asawa mo!" Sabi ni Shiro. Sa laki ba naman ng katawan ni Kian, sinong hindi matatakot?

"Sabihin mo na kasi!" Pamimilit ko pa.

"Wala namang nangyari, pumunta lang ako sa mall 'tas gumala" Sabi ni Shiro na nag mumuka pang isip bata ngayon dahil lasing s'ya. "Nakakatawa lang, kasi..." Bigla s'yang ngumiti at natawa ulit. Nababaliw talaga 'to kapag lasing s'ya.

"Kasi?" Tanong ko.

"Kasi nakita ko sila ng boyfriend n'ya, magkasama silang dalawa" Yumuko s'ya habang nakangiti, pero alam kong 'yung ngiting 'yon ay malungkot. Pero teka, Tama ba 'yung narinig ko?

"May boyfriend si Cindy?!" Gulat kong tanong sa kan'ya.

"Gulat ka? Ako din" Huminga s'ya ng malalim bago tumingala. "Nagulat ako na may boyfriend na pala s'ya. May sinabi ba s'ya sa inyo?" Umiling ako. Walang sinabi si Cindy sa 'min na may boyfriend na s'ya. Kaya ba madalas na lang na pumupunta si Cindy sa cafeteria, kasi kasama n'ya 'yung boyfriend n'ya?

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon