Chapter 34: Confession

605 19 3
                                    

Hi Dreamies, wala munang Pov ni Lorein tsaka ni Kian, next chapter pa. Read well!

SHIRO'S POV

Ilang bwan na rin pala simula noong lumayo ako kay Cindy. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. Hindi ko naman talaga inakalang may boyfriend na s'ya. Nakakalimutan ko 'yon minsan dahil nililibang ko 'yung sarili ko sa ibang gawain. Pero madalas ko s'yang naiisip. Masaya kaya s'ya sa karelasyon n'ya?

"Hey twin!" Sigaw ni Sheena habang pababa sa hagdan.

"Bakit?" Tanong ko at kinuha na lang 'yung phone para mag scroll sa fb.

"Hey!" Sigaw n'ya pa nang makalapit.

"Ano nga?" Tanong ko ulit. Hey kasi nang Hey, eh.

"Can you took my dress? Sa boutique ni auntie" Nakangiti n'yang sabi. Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Ayoko nga" Humiga ako sa sofa.

"Dali na!" Pamimilit n'ya pa.

"Busy ako" Pag dadahilan ko.

"Gosh! You're just scrolling there! Kuhain mo na kasi!" Nag pout s'ya.

"Wala ka namang ginagawa, eh, Ikaw na" Sabi ko pa sa kan'ya.

"Shiro." Banggit n'ya sa pangalan ko at parang nag mamakaawa pa.

"Sheena." Bawi ko.

"Please kuya?" Pinag dikit n'ya 'yung palad n'ya. Mas matanda ako sa kan'ya, ako unang nilabas, eh. Umupo ako at tiningnan s'ya.

"Bayad muna" Nilahad ko 'yung palad ko. Huminga s'ya nang malalim tsaka dumukot sa bulsa n'ya. Inabutan n'ya ako ng 1k. Tumayo na ako.

"Okay na ba 'yan?" She asked. Binalik ko 'yung tingin ko sa kan'ya tsaka ngumiti nang malapad.

"Bakit? Dadag-dagan mo pa?" Lumapit kaagad ako sa kan'ya.

"No! I'm just asking 'no!" Tinarayan n'ya ako.

"Tsk!"

"Bye Shiroya! Take care!" Tumayo s'ya tsaka bumeso sa akin.

"Pasalamat ka may bayad" Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Pag mamaldita sa 'kin ng kambal ko.

"Hehe, wala" Tumakbo na ako paakyat para mag bihis. Pagkatapos ay umalis na ako doon. Dumiretso ako sa kotse ko tsaka pinaandar iyon. Pagkarating sa mall ay dumiretso na ako sa boutique ng tita kong maganda.

"Shiro!" Kakarating ko pa lang, mag bubunganga na naman si tita.

"Hi tita, 'yung dress daw po ni Sheena?" Tanong ko kaagad para makauwi na. Hapon na kasi at pauwi na din sina mom, yari na naman ako kapag naabutan akong wala doon.

"Ay nako, sandali lang!" Sigaw pa n'ya. Napapikit naman ako dahil sobrang lakas. Napakamot na lang ako sa ulo ko at hinintay 'yung dress. "Oh, ito na!"

"Tita?" Pag tawag ko sa kan'ya.

"Ano?!" Tiningnan n'ya ako.

"Pwede bang chill ka lang? High blood ka na naman n'yan" Sabi ko sa kan'ya.

"Hay nako, ito kasing mga 'to, kung ano ano ang mga ginagawa, imbis na mag trabaho, nag chichismisan!" Galit na sabi ni tita.

"Chill--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong pingutin ni tita. "A-aray ko tita!" Natawa ako saglit.

"Chill chill mo muka mo ha!" Sabi naman n'ya tsaka ako binitawan. Hinawakan ko 'yung tenga ko. Sakit no'n ha!

"Tita naman" Nag pout ako.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon