Chapter 33: Inlove

656 22 3
                                    

Pagkalabas ko sa room ay dumiretso kaagad ako sa cafeteria. Ilang araw na din simula noong nakalabas ako sa hospital. At hanggang ngayon, naaalala ko pa rin 'yung iba kong nararamdaman, hindi sakit, kun'di kasiyahan tuwing kasama si Kian.

"Ash! Dito ka!" Rinig kong sabi ni Shiro habang nakataas pa ang kamay sa pwesto nila para makita ko. Lumapit kaagad ako sa kanila.

"Hi, how are you?" Tanong ni Sheena.

"Okay lang" Nakangiti kong sagot. Mag tanong kaya ako sa kanilang dalawa? "Uhm, Sheena. Ano bang ibig sabihin kapag masaya ka sa tao? I mean, palagi kang masaya kapag nakikita mo s'ya. And palagi kang nag aalala sa kan'ya?" Tumingin sila sa akin ni Shiro.

"Masiyahin hehe" Sagot ni Shiro. Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"It means you're inlove" Pag didiretso n'ya. Bigla s'yang napatigil. "But, wait, kanino mo nararamdaman 'yan? Kay Kian ba?" Parang mas na-exite s'yang malaman.

"Inlove?" Inlove ako kay Kian? Teka! Hindi! Hindi ko pa nga nalalaman, eh! "Wala na bang iba pang ibig sabihin 'yon?"

"Kapag palagi kang nag-aalala sa kan'ya, ibig sabihin no'n ay ayaw mo s'yang napapahamak, oh 'di ba, inlove ka nga!" Sabi ni Shiro. Gano'n ba talaga 'yon?

"Ano bang sign kapag inlove?" Hindi ko pa kasi alam 'yon. Kahit kailan ay hindi pa ako nag kagusto sa tao.

"Kapag naiinis ka kapag may kausap s'yang ibang girls, or kapag may lumalandi sa kan'ya" Sabi ni Sheena. "Maybe hinaharot pa rin s'ya ni Madi!" Madalas ko na lang nakikita si Madi. Palagi s'yang nasa kabilang building.

"Hindi naman" Sagot ko.

"Kapag kinikilig ka" Si Shiro. Kinikilig ba ako kay Kian? Iyon ba 'yung nararamdaman ko kapag nasa sweet moments kami? Ahhhh!!! Ano ba naman itong iniisip ko!

"When your heart beat so fast kapag kausap o kasama mo s'ya" Sabi pa ni Sheena. Nararamdaman ko 'yon Kapag papalapit si Kian sa akin.

"Kapag feeling mo palagi kang ligtas kapag kasama s'ya" Shiro said. Gano'n ang pakiramdam ko minsan.

"Kapag palagi mo s'yang naaalala" Sheena scratched her head. "Yuh, like that"

"Kapag iniisip na n'yo na kaagad 'yung future n'yo HAHAHA sana all Ash!" Tumawa si Shiro.

"Nagagalit ka kapag may sinasabing masama tungkol sa kan'ya" I looked at Sheena. She's right. Nagalit ako noong may sinabi si Claudine tungkol kay Kian. Doon ko naramdaman 'yung galit.

"Kapag narinig mo kaagad 'yung boses n'ya, napapangiti ka, parang Ewan amputcha" Sumimangot si Shiro.

"And last, when he is in slow motion, you can't see anyone else around you. You only see him" Ngiting sabi ni Sheena. Slow motion... Nangyari iyon 'di ba? Sa tagaytay! Ibig bang sabihin nito... Inlove talaga ako? Ahhhh!

"Salamat, mauna na ako" Tumayo kaagad ako at umalis doon. Nakita ko pa ang pagtataka sa muka nilang dalawa.

"Hoy! hindi ka pa kumakain!" Rinig kong sigaw ni Shiro sa loob ng cafeteria. Pumunta na ako sa parking lot at sumakay na kaagad sa kotse dahil nakita ko kaagad iyon.

"Hi ma'am, may meeting pa po si boss" Sabi ni Noah. Meeting, wala na naman ako.

"Kanina pa ba sila nandoon?" Tanong ko habang nag d-drive na s'ya paalis sa university.

"Kakatawag lang ma'am eh, baka mamaya pa po 'yon" Tumango na lang ako sa sinabi n'ya. Pagkarating sa company ay pumasok kaagad ako sa office ni Kian. Nag pahinga muna ako dahil 5 lessons ang tinake namin kanina. Ang sakit na ng utak ko dahil hangin na ang laman. Wala naman akong gagawin dito, hinihintay ko lang talaga si Kian.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon