Chapter 37: Explanation

652 21 3
                                    

Nang makauwi kami ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko. Naramdaman kong nakasunod sa akin si Kian.

"Hon, please" Hinawakan n'ya ang kamay ko, pero pumiglas ako sa kan'ya. "Hon" Pagtawag n'yang muli sa akin. Muling tumulo ang luha ko.

"T-totoo ba?" Totoo bang sinabi n'ya iyon sa harap ko kanina? Ngayon ko lang naitanong dahil matagal bago naiproseso ng utak ko ang mga sinabi n'ya.

"Yes--"

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Hindi ko maiwasang pagtaasan s'ya ng boses. Para akong mababaliw sa mga nalaman ko. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil din sa ginawa ko kanina.

"Hon, I'm afraid to lose you" Hinawakan n'ya ang kamay ko. "Sorry for hiding it to you, I'm just scared"

"Naiitindihan ko, Kian! Pero ang hindi ko lang maintindihan... P-paanong nangyari 'tong lahat?" Hanggang ngayon ay gulong gulo ako. Tumulo na naman ang lintik na luha ko. Naintindihan ko kung bakit n'ya kailangang pumatay, pero... "Bakit nilihim mo?" Sana ay mas sinabi n'ya nang mas maaga sa akin.

"Because our enemies wants to end your life. Kapag sinabi ko sa'yo, malalaman nila iyon. They will start to make a plan about you" Nakayuko lang s'ya.

"I hate you, Kian. I hate you!" Pinunasan ko ang luha ko at tumalikod sa kan'ya.

Nang masabi na n'ya sa akin lahat ay tsaka lang ako kumalma. Ilang minuto na kaming tahimik. Hindi ako nag sasalita dahil iniisip ko ang mga eksplinasyon na sinabi n'ya.

"Normal lang na pumapatay ang mga katulad mo?" Tanong ko. Marami pa akong gustong malaman, pero tumayo na s'ya.

"Yes hon" Tumingin s'ya sa orasan. "It's 6:00 AM, you need to sleep. Let's just talk about it later in my office" Hinalikan n'ya ang noo ko. Namumugto parehas ang mata namin dahil sa iyak na naganap. Mabuti pa ngang matulog na ako.

———

Pagkagising ko ay nakaramdam kaagad ako ng paglalagkit sa katawan. Hindi na nga pala ako nakaligo kagabi. Umupo muna ako para iunat ang katawan. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi n'ya. Paano na 'to? Ipapaliwag pa naman n'ya sa akin lahat, malalaman ko din iyon mamaya.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Nag madali na ako dahil baka malate pa ako sa ng pasok. Nang matapos na ako ay bumaba na kaagad ako. Doon na lang ako mag b-breakfast sa cafeteria. Pagkababa ko ay nakita ko si Noah, Haze, Jade, Ethan at Raelyn.

"H-hi ma'am" Bati ni Noah. Hindi ko naman dapat sila isama sa sama ng loob ko. Pero nag sinungaling din sila sa akin.

"Hatid na po kita ma'am" Sabi naman ni Ethan.

"Hindi na" Ngumiti ako ng kaunti at tuluyan nang lumabas. Napatingin ako sa mga kotse ni Kian na sunod sunod na nakahelera at halos mapuno na ang sobrang laki n'yang parking lot. Hindi ko alam kung bakit s'ya bili nang bili ng sasakyan, Hindi naman n'ya nagagamit lahat. Napataray ako sa kawalan bago lumabas ng gate.

Biglang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko at tiningnan ang nag message.

From: Xyver

Bakit nag iisa ka?

Nangunot ang noo ko dahil sa text n'ya. Paano naman n'ya nalaman iyon? Tumingin ako sa paligid. Wala namang tao.

To: Xyver

Oo, bakit?

Nag lakad na ulit ako.

"Woohoo! Sakay na!" Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang may humaharurot na sasakyan sa harap ko. Tumingin ako doon nang huminto iyon.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon