Chapter 41: He's back

718 23 1
                                    

Habang nag che-check ako ng folder ay nakaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa table ni Kian, pero wala s'ya doon. Nasa meeting s'ya ngayon. Gusto ko naman sanang tawagan sina Harper, kaso lang ay nasa bakasyon naman sila.

Tumayo na ako sa upuan at balak na umalis para pumunta sa restaurant. Kinuha ko 'yung phone ko at nag text muna kay Kian.

To: Kian

Kakain ako sa labas, dadalhan na lang kita.

Nag lakad na ako palabas sa company. May malapit naman na restaurant dito kaya hindi ko na kailangan pang mag dala ng kotse.

Pag dating ko doon ay kumain kaagad ako. Bumili pa ako ng para kay Kian at umalis na doon. May nakita naman akong ice cream habang pabalik ako sa company kaya naisipan ko munang bumili no'n.

"Good afternoon ma'am!"

"Hi Mrs. Dawson!"

Iyan agad ang bati nila pagkapasok ko sa loob ng company.

"Hello!" Bati ko naman habang kumakain ng ice cream.

Habang nag lalakad ako ay may natanaw ako, Hindi kalayuan sa akin. Nakatitig s'ya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Namumukaan ko s'ya. Napailing ako at nag lakad na lang paakyat.

Pero hindi ko pa rin makalimutan 'yung nakita kong lalaki. Parang namumukaan ko talaga s'ya. Sino nga ba s'ya? Bakit hindi ko maalala?

Huminto ako sa paglalakad at tumingin muli sa lalaki. Nakatingin pa rin s'ya sa akin saka ngumiti at kumaway.

Napapikit ako ng dalawang beses tsaka tumakbo papunta sa kan'ya.

"Kenny!" Sigaw ko at napayakap sa kan'ya.

"Kamusta?" Tanong n'ya nang makalayo ako sa pagkakayakap.

"Ayos lang. Tagal nating 'di nag kita! Namiss kita!" Sabi ko at sinuntok s'ya sa braso. Napahawak naman s'ya doon.

"A-aray! Ngayon na nga lang ulit tayo nag kita, aawayin mo pa ako, tss!" Nang sabihin n'ya iyon ay may nakita akong kakaiba sa muka n'ya. Tama ba itong naiisip ko? Ay hindi! May napapansin talaga ako.

"Gano'n talaga! Hali ka, sama ka sa 'kin sa office" Sabi ko at hinila s'ya.

Si Kenny ang kaibigan ko noong nasa Japan pa kami nakatira. Sobrang close namin, pero umalis na ako sa Japan para bumalik dito sa pilipinas dahil dito naman talaga ako nakatira sabi ni lolo.

"Kailan ka pa pala bumalik?" Tanong ko pagkadating namin sa office.

"Ngayon lang" Napatingin ako sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya.

"Ngayon lang? Eh bakit pumunta ka kaagad dito? Tsaka, pano mo nalaman na nandito ako?" Binigay ko sa kan'ya 'yung isang food na binili ko kanina dahil dalawa naman iyon.

"Hinanap kita, tapos pumunta ako dito. I didn't expect na makikita kita dito" Tumawa s'ya nang mahina.

"At paano mo naman naisipang pumunta dito?" Taas kilay kong tanong sa kan'ya.

"Ooh, I forgot to tell you--"

"Who's that?" Narinig ko ang boses ni Kian sa likod ni Kenny kaya napatingin ako doon.

"Hi Kian! Kakatapos n'yo lang?" Tanong ko. Tumango lang si Kian habang masama ang tingin sa nakatalikod na si Kenny.

"Who's that?" Tanong ulit ni Kian.

"Ay! Oo nga pala, s'ya si Kenny. Kaibigan ko sa Japan" Nakangiti kong sabi. Tumayo naman si Kenny at humarap kay Kian.

"What's up?" Nakangiting tanong ni Kenny na akala mo naman ay kilalang kilala si Kian. Nako! Malabong pansinin s'ya ni Kian, cold kaya ang asawa ko.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon