Chapter 55: Evidence

613 21 0
                                    

Simula noong nangyari ang gabing 'yon, umiwas na ko kay Kian. Palagi pa rin kaming nag kikita ngunit hindi naman ako nag tatagal sa office n'ya. Kapag pinipigilan naman n'ya ako, umaalis pa din ako dahil ayokong mapunta kung saan-saan ang usapan at baka ibalik na naman n'ya ang nakaraan.

Napatingala ako nang lumapit sa akin si Xyver.

"Iniisip mo si Kian?" Tanong n'ya at umupo sa harap ng desk ko. Kaagad akong umiling sa tanong n'ya.

"Hindi ko s'ya iniisip" Tanggi ko. Totoo naman 'di ba? Hindi ko s'ya iniisip.

"Madali kang masaba ngayon, iniisip mo s'ya" Ngumiti s'ya. Nangalumbaba naman ako sa table ko. "Ginawa ko na 'yung folder na pinapagawa sa'yo ni Mr. Leztreiv" Nilapag n'ya 'yung folder sa harap ko.

"Bakit mo ginawa? Bakante naman ang oras ko ngayon" Ngumiti ako bilang pasalamat sa kan'ya.

"Marami kang iniisip, hindi mo kaagad magagawa 'yan nang madalian" Tumingin s'ya sa relo n'ya. "I have to go, Yanna. May meeting pa kami ni Shiro" Tumayo na s'ya.

"Sige, pakikamusta na lang ako sa kanila" Nag wave ako ng hand ko.

"Sige, sunduin kita mamaya" Nang umalis na s'ya ay nag palipas lang ako ng isang oras sa office ko. Tumayo ako at kinuha ko na 'yung bag ko.

Habang nag lalakad ako papunta sa office ni mom ay naramdaman kong may sumusunod sa likod ko. Tumigil ako at lumingon sa likod ko. Wala naman akong napansin dahil lahat ay nag uusap-usap at ang iba naman y nag lalakad paalis at papasok. Hinayaan ko na lang at nag lakad ulit.

Pero hindi talaga ako nilubayan ng pagtataka. Ramdam ko na may sumusunod sa akin. Mabilis akong nag lakad at nag tago kaagad sa posted ng madilim na parte ng company. Kinuha ko ang baril ko na natago sa ilalim ng legs ko at ikinasa iyon. Tiningnan ko kung may cctv camera sa parteng ito. Nakita kong maraming camera at hagip ako ng mga camera na iyon.

Kinuha ko ang phone ko at nag text kay Theo.

To: Theo

Pumunta ka sa office ni mom, alisin n'yo ang pagkatutok ng camera sa akin dito sa 4th floor.

Utos ko iyon at feeling ko naman ay umaksyon kaagad sila. Sumilip ako at nakitang may tatlong lalaki na mga naka black at nag uusap-usap at lumilingon-lingon sa paligid. Sigurado akong sila ang sumusunod sa akin. Pinakinggan ko ang pinag-uusapan nila.

"Bro, nawala 'yung babae"

"Ang tanga mo! Saan naman 'yon pupunta?!"

"Tangina, mayayari tayo nito kay Ms. Whaine!"

"Dapat kasi binantayan mo! Tanga tanga!"

"Pasensiya na, hanapin na lang ulit natin, baka hindi pa nakakalayo 'yon" Sandali... Bakit parang kilala ko ang lalaking 'to? Namumukaan ko s'ya. Isa ba s'ya sa classmates ni Shiro noong college pa lang kami? Oo! Tama, s'ya 'yon.

"Sige na, doon ka! Tanga tanga!" Umalis 'yung dalawang lalaki at naiwan 'yung isa.

Kinuha n'ya 'yung phone n'ya. Hahatakin ko na sana s'ya para patayin, pero bigla s'yang nag salita sa kausap n'ya sa phone.

"Noah, pakisabi kay boss Kian na nakumpirma ko na na may binabalak talaga ang grupo ni Ms. Whaine kay Ma'am Lorein" Sabi n'ya sa kausap n'ya. Sandali, nasa grupo s'ya ni Kian? "Oo, tsaka... Nawala din si Ma'am Lorein, naramdaman n'ya siguro na may nakasunod sa kan'ya. Mabuti na din 'yon, para hindi s'ya makuha ng mga kalaban" Ibinaba n'ya ang phone n'ya tsaka umalis.

Pero... Sino si Whaine? Lumabas ako sa poste at sinundan ng tingin si Jace. May lumapit na babae sa kan'ya. Isa din iyon sa mga kaklase ni Shiro dati. Si Blaire.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon