Chapter 31: Saved her

591 24 0
                                    

Nagising ako sa dahil sa mga tawanan na naririnig ko sa paligid. Tiningnan ko 'yung paligid at nakitang puro lalaki ang nandoon, kaunti lamang ang mga babae. Nasaan ako? Ngayon ko lang naramdaman na nakatali 'yung paa at kamay ko. Hindi ko maigalaw iyung katawan ko dahil masakit.

"Hi Lorein! Gising ka na!" Masayang sabi no'ng babae. S'ya 'yung kausap ko kanina sa van. Napapikit ulit ako dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung amoy ng panyo kanina.

"Oh, may inaasahan ka bang darating?" Tumawa si Theo. May nakalagay kasing pangalan n'ya sa gilid ng jacket n'ya. Lahat sila ay may pangalan sa jacket nila. 'Yung babae lang kanina ang wala."Hindi ka na ililigtas ni Dawson!" Nag sitawanan ang lahat. Wala naman akong Ini-expect na darating. Ano bang mga sinasabi ng mga baliw na 'to?

"Omygod Theo, that's funny but real!" Si Alexa? Tinanaw ko s'ya at nakitang s'ya nga iyon.

"Yung box-- oh, gising na pala s'ya" Sabi nung lalaking kakarating lang. Si Andrew.

"K-kiddnaper kayo! Anong gagawin n'yo sa akin?!" Gusto ko sanang subuksan na alisin 'yung lubid sa kamay ko, pero nanghihina pa ako dahil sa epekto ng amoy ng panyo kanina.

"Wala kaming gagawin sa'yo, pero si Young Lady? Hindi lang yata sampal" Tumawa si Alexa.

"Ikaw Alexa. Sabi mo, masama sina Kian? Pero ikaw pala 'yung masama! Ang sama mo! Masama kayo--" Natigilan ako nang bigla n'yang putulin 'yung sinasabi ko.

"Shut up!" Sigaw ni Claudine sabay sampal sa muka ko. Napatagilid iyung muka ko. Ang sakit. Alam kong namumula na kaagad 'yung pisngi ko dahil sa sampal n'ya.

"Hey! Stop!" Saway ni Alexa.

"You want slap too?" Tanong ni Claudine. Inayos ko 'yung muka ko at napahinga ng malalim.

"Tatawagan ko si Dawson, tiningnan natin kung talaga nga bang mahal ka no'n" Sabi ni Theo. Tinawagan n'ya nga si Kian. Sinagot naman kaagad ni Kian 'yung call. "Hindi mo ba ililigtas 'yung asawa mo, Dawson?"

"No. I just used her. Stop bothering me."

Inaasahan ko naman na talaga 'yun eh.

"Aw, so sad Lorein. Your husband don't love you anymore" Sabi ni Claudine.

"That's funny! HAHAHAH!"

"Nand'yan na si Young Lady, tara na" Sabi ni Theo. Lumabas na kaagad sila at maya maya lang ay may pumasok na babae. Deretso ang tingin n'ya sa akin at parang may galit sa muka n'ya.

"S-sino ka?" Kinakabahan kong tanong. May hawak s'yang baril at patuloy na nag lalakad palapit sa akin.

"Ashleigh. The Heiress of Red Snakes Group." Walang emosyon n'yang sagot. Pagkalapit n'ya ay tiningnan n'ya lang ako ng mabuti.

"Alam mo ba kung gaano kalaki ang kasalanan ng asawa mo sa pamilya ko?" Mataray na tanong n'ya sa akin. Anong sinasabi n'ya?

"Kasalanan?" Tanong ko. Tumango s'ya.

"Alam mo bang dahil sa kan'ya kung bakit namatay 'yung kapatid ko? Nakipag-isa s'ya kay Madi, sila ang may kasalanan kung bakit nawala 'yung kapatid ko! Kasalanan nila!" Malakas n'yang sigaw at maya maya lang ay may luhang tumulo mula sa mata n'ya. Hindi ko maintindihan. Anong nakipag isa? Kasalanan ni Kian kung bakit nawawala 'yung kapatid ni Ashleigh? At ang malala pa ay nakipag sabwatan kay Kian? "Kaya bilang kapalit, Ikaw ang papatayin ko" Matalim n'ya akong tiningnan.

"Sandali, mabait si Kian, kahit kailan, hindi n'ya magagawa 'yon" Umiling pa ako. Hindi talaga. Hindi n'ya magagawa 'yon. May kung ano-ano pa s'yang sinabi sa akin. Hindi ko nga alam kung paniwalaan ko ba s'ya.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon