Chapter 42: Divorce paper

778 25 0
                                    

MADI'S POV

"Hindi ko lang alam kung ano nang pinaplano ng dalawang Dawsons" Blake said while reading on his book.

No!

"Bakit ba kasi bumalik pa dito si Kent? Dagdag sakit sa ulo" Raver Hyde.

"Blazeshin is one of the best planner on their group, gano'n din si Kian. Paano kung may mangyaring hindi maganda?" Tenisha Lim.

I shook my head.

"No! Hindi pwede! We need to fight them!" Inis kong sabi.

"What's the plan?" Laura Tolentino asked to me.

Huminga ako ng malalim.

"I want to use my plan"

"What plan?" Tumingin sa akin si Blake. I just evil smiled at them.

HARPER'S POV

Pagdating namin sa office ni boss ay nakita naming wala na doon si ma'am. Napalingon kami sa paligid.

"Wala si ma'am? Saan s'ya pumunta?" Tanong ni Haze. Putcha! Bakit parang kinakabahan ako? Anong nangyayari?

"Baka nasa loob lang ng private room" Sabi ko naman at umupo muna sa sofa. Lumapit si Jade doon at kumatok.

"Ma'am?" Nakailang katok na s'ya pero walang ng bubukas. "Wala eh"

"Baka tulog" Sabi naman ni Tyler.

"Correct!" Sabi pa ni Noah.

Nag basa na lang muna ako ng dyaryo. Nakalagay na naman dito na maraming namamatay malapit sa Dawson University.

Sinisisi na naman nila ang Dawson's! Talagang gumagawa ng paraan ang grupo ni Ma'am Madi para lang mapabagsak kami.

At alam ko naman na may pasikretong bakbakan din ang Redsnake at ang grupo ni Ma'am Madi.

"Putanginaaa!!!" Sigaw ni Ethan kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Ano na naman ba ugok?" Tanong ni Noah.

"H-hoy! Mag madali kayo! Nakidnap so Ma'am Lorein!!" Tumayo kaagad si Ethan.

"Ano!?" Sabay-sabay na tanong namin at ang madaling kumilos. Kinuha ko ang baril ko at ipinasa naman ang baril ni Haze sa kan'ya.

"Dalian n'yo!" Sigaw ko. Putcha naman! Talagang balak nilang patayin si ma'am Lorein ha!? May dapat pa nga silang malaman!

"Sino ang kumidnap?" Tanong ni Jade habang nag mamadali kaming pumunta sa parking lot.

"Si Andrew tsaka si Theo ng Redsnake!" Sigaw n'ya. Hingal na hingal kami nang makarating sa parking lot. Nakita naming may papaalis na van.

"Hoy!! Huminto kayo!!" Sigaw ko tsaka pinaputukan ang gulong ng van, pero hindi natamaan.

"Sakay sa kotse!" Sigaw naman ni Noah.

"Sino driver?" Tanong ni Tyler.

"Ethan, Ikaw na!" Utos ni Haze. Kaagad kaming sumakay doon.

"Cinontact n'yo na ba si boss?" Tanong ni Jade. Hingal na hingal pa rin kami.

"Hindi pa" Kinuha ko 'yung phone ko at sinubukang tawagan si boss. Ilang beses nang nag ring pero walang sumasagot.

To: Bossing

Boss, si ma'am! Nakiddnap!

Tinawagan ko ulit si boss, pero hindi n'ya sinagot iyon.

"Walang sumasagot" Sabi ko naman at sinubukang tawagan din ang number ni boss Kent. Hindi din sinagot!

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon