Chapter 2: Not agree

1.8K 45 2
                                    

"Yanna!" Sigaw ni Cindy. Napalingon naman ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ko at nag lakad na. Tumakbo pa sya ng mabilis para mahabol ako.

"May kumausap saakin kanina, 1 week syang mawawala dito sa manila kaya nag hahanap sya ng pwedeng mag bantay sa shop nya. Kuhain mo na! 500 kada araw!" Sabi nya habang niyuyugyog ang katawan ko.

"500 kada araw?" Tanong ko. Tumango sya. "Sige, kukuhain ko" Sabi ko sa kanya.

"Ayun! Ay, nakausap mo na ba si Mr. Dawson?" Seryosong tanong nya. Umiling naman ako. Paano ko makakausap 'yon?

"Busy daw" Ni muka nga nya ay hindi ko pa nakikita. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi saakin ni Mr. Magnanakaw.

"I'm Mr.Dawson"

Hah! Nababaliw siguro sya.

"Hay nako, timing-an mo kasi! Kaya ka palagi nahuhuli" Sabi nya saakin. "Sheena!" Pagtawag nya kay Sheena. Lumapit naman sya saamin.

"Lunch pa lang, uuwi na kayo?" Tanong ni Sheena.

"Sa cafeteria ako." Nag lakad na ako at hindi na sila hinintay pa. Um-order na ako at umupo na kaagad sa pwesto ko tsaka kumain. Umupo naman sila sa harap ko dala ang pagkain nila.

"Kamusta yung pag pasok mo sa Dawson Company?" Tanong ni Sheena habang may nginunguya.

"Mahirap makapasok, kailangan ng id at code. Alam nyo ba yung code doon?" Tanong ko naman at kumain na ulit.

"Code? Shuckss! Kailangan nga pala no'n doon kapag papasok! OMG! Hindi ko alam yung code, tsaka matagal kaya bago makakuha non!" Ngumuso si Cindy at mukang may iniisip.

"Eh bakit hindi ka na lang kumuha ng id? Total nandoon naman ang code, para naman nakakapasok ka" Sabi naman ni Sheena.

"Alam nyo naman pa lang may id at code na kailangan, bakit hindi nyo kaagad sinabi saakin? Sana hindi ko na lang tinanggap yung alok" Umiiling na sabi ko.

"Pero uto-uto ka 'di ba?, Keri mo na yan, tinanggap mo, tsaka... Dagdag grades din yan" Sabi ni Cindy. Tama sya, dagdag grades naman kaya bakit kailangan ko pang hindi ituloy 'to? Tsk, Wala man akong katungkulan dito para harapin ang may mataas na posisyon, pero kaya ko namang makipag usap ng masinsinan doon.

"You know, girl. Masyado ka nang stress dyan sa ginagawa mo, try mo din mag relax minsan" Nginitian naman ako ni Sheena. Paano pa ako mag rerelax, eh palagi na lang nadadagdagan yung problema ko. Naipaling na lang ako sa sarili ko at inubos na lang ang pagkain.

"Bakit kasi ang hirap kausapin nyang si Mr. Dawson?" Tanong ni Cindy.

"Omygod girl, you know naman na mataas yung position nya there 'di ba? Tsaka he's a C.E.O kaya. Hindi sya basta bastang nakakaharap" Natatawang sabi ni Sheena.

"Twin!" Sabi ni Shiro nang makalapit sa pwesto namin.

"Hi twin, oooh! Xyver! You're here din pala, come here!" Pag aaya ni Sheena kay Xyver. Umupo naman yung dalawa.

"Hi Yanna" Bati ni Xyver at ngumiti saakin.

"Omygod! May next class pa pala ako, mauna na ako, guys!" Sabi ni Sheena.

"Ako din pala, babye!" Tumayo na rin si Cindy. Tiningnan ko yung relo ko. Hindi pa naman 1:00 ah? Nakita kong kinakagat ni Xyver yung labi nya at parang may gusto sabihin.

"May sasabihin ka?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya saakin.

"Ah... Ano kasi Yanna..." He scratched his head. Minsan talaga parang Ewan sila kausap. Matagal na kami g mag kakakilala pero parang nahihiya parin saakin 'tong si Xyver.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon