Chapter 35: Her first kiss

674 17 1
                                    

Habang nag che-check ako ng files sa laptop ko ay napansin kong nakatingin sa akin si Kian. Nang tumingin ako sa kan'ya ay umiwas s'ya ng tingin.

"May problema?" Tanong ko sa kan'ya. Umiling naman s'ya.

"Nothing, continue your work" Ngumiti s'ya at bumalik na din sa pag t-trabaho. Corny naman n'ya. "Hon, are you going home after that?" Tanong n'ya habang may tinatype sa laptop n'ya.

"Hindi, pupunta pa ako kina Shiro" Sabi ko naman sa kan'ya.

"Is that important?" Curious na tanong n'ya.

"Hindi naman" Umiling ako.

"Do you want to come with me to the Restaurant meeting?" Humarap s'ya sa akin. May meeting pala s'ya ngayon. Omy! Binanggit nga pala sa meeting 'yon kahapon, pero hindi ko matandaan kung sino ang ka-meeting n'ya dahil lutang 'yung isip ko kahapon. Tungkol pa naman 'yon sa launching.

-Flashback-

Nauna na si Kian sa meeting room dahil kailangan n'ya pang kausapin si Sunny doon.

Kinuha ko na 'yung gamit ko at 'yung folder na nakalimutan ni Kian. Lumabas na ako at sumakay na sa elevator paatas sa floor kung nasaan ang meeting room. Paglabas sa elevator ay nag lakad na ako paalis doon. Habang nag lalakad ay may napansin akong nakatingin sa akin sa gilid ko.

"Hi Mrs. Dawson!" Napatingin ako sa tumawag sa akin kaya nawala ang atensyon ko sa babaeng nakatingin sa akin.

"Oh, hi. Marami na bang tao sa loob?" Tanong ko naman.

"Onti pa lang po Mrs. Dawson" Sagot naman n'ya. Tumango naman ako at muling napatingin sa babaeng nakita ko kanina. Wala na s'ya doon.

"Thanks, mauna na ako sa loob, sunod ka ha" Sabi ko sa kan'ya at pumasok na sa loob ng meeting room. Umupo ako sa tabi ni Kian.

"Bakit ang tagal mo?" He asked.

"Kinausap ko pa si Sunny" Sabi ko naman at ngumiti. Nang dumating na ang mga hinihintay namin ay nag salita na si Kian.

"Now, we are going to topic the Launching. I know, all of you are waiting for this fucking launching, so let's talk about it." Panimula ni Kian. Launching, tapos hindi na naman matutuloy, tss. Bakit kasi pinaatras pa n'ya nang ganoon katagal? Siguro may inayos sa sabon na 'yon. Pero naka pack na kaya at ready na I-launch, ano kayang problema ni Kian at inatrass nya pa noon?

Habang nag sasalita s'ya ay napatingin ako sa employees na nasa harap namin ngayon. Lahat sila ay nakikinig, pero may isa pa akong napansin. Nandoon 'yung babaeng nakita ko kanina. Naka long sleeve shirt and palda s'ya. Nakita n'yang nakatingin ako sa kan'ya kaya naman umiwas s'ya ng tingin.

Kumamot s'ya sa batok n'ya kaya may napansin ako sa pulsuhan n'ya. Snake tattoo... Tumingin ako kay Kian. Alam n'ya 'yung sa snake na tattoo 'di ba? Pinag iingat n'ya ako doon. Hinatak ko si Kian sa shirt n'ya.

"That's why--" Napatingin s'ya sa akin. "Excuse us for a minute." Sabi ni Kian. "Why, hon? Have a problem?" Hinawakan n'ya 'yung muka ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa s'ya inistorbo sa pag sasalita n'ya para lang sabihin 'to. Pag sinabi ko naman 'to ngayon, baka kung anong gawin n'ya. Ang sabi n'ya kasi, masama ang mga may tattoo na gano'n sa pulsuhan.

"Kian..." Tumingin ulit ako sa babae pero nakatungo s'ya at hindi nakikita ang muka.

"Why?"

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon