Chapter 8: In danger (2)

1.1K 35 1
                                    

Lumabas na ako sa room dahil naaasar lang ako kay Sophia. Pumunta ako sa cafeteria dahil gutom na ako. Sinilip ko muna kung nandoon sina Shiro. Wala naman sila kaya tumuloy na ako at um-order na ng food. Nang makuha ay umupo na ako at kumain na. Binilisan ko lang dahil baka dumating pa sila.

"Hi Yanna!!" Napatigil ako at napasapo sa noo ko nang marinig ang boses ni Sheena.

"Nice nandito sya!" Sabi naman ni Shiro. Umupo sila sa harap ko kaya tumungo ako ng kaunti.

"Hi! Kanina ka pa dito?" Tanong ni Cindy saakin.

"Oo" Sabi ko at tumayo na dahil tapos nang kumain.

"Wait! Aalis ka na naman!" Sabi ni Sheena. "Let's talk muna about doon sa boys" Nakangiting sabi ni Sheena.

"Sinong boys? Wala naman ah, una na ako!" Sabi ko at tatakbo na sana nang bigla akong hawakan ni Xyver.

"Dito ka lang" Pag pigil nya saakin at pinaupo ako. Kainis! Hindi na ako makakaalis dito!

"Yanna, saan ba nabili yung ring mo? I searched the ring like that kasi pero wala akong makita" Sabi ni Sheena habang nag i-scroll sa phone nya at mukang hinahanap ang ring na suot ko.

"Hindi mo mahanap?" Tanong ko at umupo na ulit dahil hinihila ako ni Xyver.

"Yes, ang hirap hanapin. Saan mo ba 'yan nabili? I want to buy din kasi like that ring" Sabi naman ni Sheena. Tumingin ako sa ring ko. Hindi ko naman alam kung saan 'to kinuha ni Kian.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Tumingin sila saakin.

"Huh?" Tanong ni Cindy.

"Hindi kaya... Iba ang nag bigay sa'yo nyan!?" Gulat na sabi ni Shiro at nag takip ng bibig. Umiling kaagad ako.

"H-hindi no!" Pag de-deny ko pa at umiwas ng tingin.

"Eh paanong hindi mo alam yung shop?" Tanong naman ni Xyver. Napakamot ako sa ulo ko.

"Nakalimutan ko" Hindi ko na alam kung ano pa ang idadahilan ko sa kanila!

"Totoo?" Tanong ni Shiro at nangaasar ang tingin.

"Wife"

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang marinig yung boses ni Kian. Bakit sya nandito?! Akala ko ba sina Harper ang susundo saakin?!

"Sino yung tinatawag nung poging lalaki?" Tanong ni Sheena.

"Ewan?" Sagot ni Cindy. Tumingin silang dalawa kay Shiro.

"Oh, alangan namang ako? Wife nga daw!" Sabi ni Shiro. Nilingon nila yung lalaki.

"Wife." Pag tawag nya pa. Naramdaman kong lumapit sya. Nako naman! Bakit ngayon pa, Kian?! Andami nang nakatingin saamin!

"Omygod! Mr. Dawson?!" Gulat na tanong ni Sheena at mukang hindi makapaniwala.

"Gagi, si Mr. Dawson nga!" Sabi naman ni Cindy.

"Sinong asawa mo?" Tanong ni Shiro kay Kian. Yumuko ako at itinago ang muka. Ahhhh!! Alam na nila!

"Lorein, we need to go." Lumapit sya sa tabi ko. Kian naman!!

"S-si Yanna?" Tanong ni Cindy.

"Yeah, She's Mrs. Dawson" Sabi pa ni Kian. Aaahhh!! Kinuha ko na yung gamit ko at mabilis na tumayo at saka hinatak si Kian palayo doon. Nang nasa parking lot na kami ay binitawan ko na sya at masama syang tiningnan.

"Bakit ka pumunta dito?! Sana si Harper na lang ang inutusan mo" Sabi ko. "Alam na nang mga kaibigan ko!" I sigh.

"It's my University." Sagot naman nya.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon