Chapter 17: Samurai girl

861 21 2
                                    

Kakatapos ko lang mag check ng files kaya naman lumabas na muna ako sa office ni Kian. Wala naman sya doon sa loob dahil may meeting sila. Hindi ko alam kung bakit hindi nya ako sinama. Hindi naman. Siguro masyadong kailangan kaya wala ako doon.

Pagbaba ko ay pumunta na kaagad ako sa restaurant. Papasok na sana ako sa loob, kaso lang ay biglang may tumawag saakin.

"Lorein!"

Napalingon ako doon at nakitang tumatakbo sya papalapit saakin.

"Alexa?" Nakangiti kong tanong. Lumapit sya saakin habang nakangiti.

"Yes" She smiled again. "Anong gagawin mo dito?"

"Wala naman... Tatambay lang" Tumingin ako sa suot nya. Mukang pagod at pawis na pawis sya. "Para kang sumabak sa gyera" Pagbibiro ko at tumawa.

"H-halata ba?" She asked. Napakunot yung noo ko. Tinatanong nya talaga 'yon?

"Galing ka sa labanan?" Pumasok na ako at umupo na sa tapat ng table.

"What? No! Hindi" Pinunasan nya yung noo nya. Hindi ko na lang pinansin iyon at tumango tango na lang. Um-order na ako ng pagkain at hinintay na lang 'yon. "Oh, fuck! Mauna na ako" Nag madali syang umalis at lumabas sa restaurant. Sinundan ko sya ng tingin. Bakit sya nag mamadali?

"Ma'am Lorein!" Narinig kong sigaw ni Noah. Tumingin ako sa kanila na tumatakbo palapit sa akin. Ngumiti ako.

"Hi" Bati ko. "Anong gusto nyo? O-order na ako ng foods" Tanong ko naman sa kanila.

"Hindi na ma'am, chineck ka lang namin. Nawala ka kasi sa office" Kumamot sa ulo si Harper.

"Nasaan si Kian?" Tanong ko at tinabi na 'yung menu.

"Nasa office po ma'am" Sagot ni Ethan. Tumango na lang ako at kumain na dahil dumating na 'yung pagkain. Pagkatapos ay bumabalik na kami sa company.

"Ethan, anong nangyari sa meeting? May dinisscuss ba si Kian?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan yung files.

"Wala pong meeting ang lahat kanina. Kaming Lima lang po" Sagot nya. Tumingin ako sa kanila.

"Anong pinag usapan nyo? Bakit hindi ako sinama ni Kian?" Tinaasan no sila ng kilay. Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Kasi ma'am..." Kumamot sa ilong si Noah.

"Kasi, tungkol lang naman po 'yon sa launching ma'am! Tama! Sa launching--" Napatigil si Harper dahil hinampas sya ni Ethan. "Aray!"

"Ano? Tungkol sa launching? Hindi ba't dapat ay nandoon ako? Dapat sa board room sya nag discuss. Tsaka, bakit kayo lang nina Raelyn?" Binuksan ko na yung door ng office.

"What are you talking about, wife?" Tanong ni Kian pagpasok ko. Nilapag ko yung files sa desk ko.

"Nag meeting daw kayo kanina, tapos kayong Lima lang. Bakit Hindi mo ako sinama? Tungkol pala sa launching yung pinag uusapan nyo, tss" Umupo ako at binuksan na yung laptop para tapusin yung trabaho ko.

"Who told that to you?" He coldly asked.

"H-hindi kasi boss, ano kasi--" Napatigil ulit si Harper nang marinig naming nag kasa ng baril si Kian. Napatingin naman ako kay Kian.

"You told that to her?"

*Bang!*

Tumalon si Harper. "Wahh! Boss! Chill! Sorry boss! Hindi naman kasalanan ng kagwapuhan ko, 'di ba--"

*Bang!*

"Wahh! Boss naman!" Mabilis na tumakbo paalis si Harper habang tawa naman ng tawa si Ethan at Noah.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon