Chapter 14: Cindy's crush

933 26 4
                                    

SHIRO'S POV

"Yow pre!" Bati ko sa mga kaklase ko.

"Oy Shiro! Laro tayo mamaya!" Sigaw ni Jace. Tumingin ako sa kanya.

"Basketball ba?" Tanong ko.

"Oo, mamayang lunch. Isasama ko tropa ko" Sabi nya habang nakalagay sa bimpong nakasabit sa balikat. Tumango na lang ako.

"Shiro, may copy ka ba ng example ni Wein?" Tanong ni Kurt.

"Sandali lang" Umupo muna ako at tsaka kinuha yung copy sa example kahapon. Tangina kasing mga 'to. 'Di nag aaral ng matino. Buti pa ako. "Oh, ito" Inabot ko na 'yon sa kanya.

"President!" Sigaw ng kaklase ko.

"Whyket?" Tanong ko.

"Whyket? Ano 'yun?" Takang tanong nya tsaka lumapit.

"Why + bakit = Whyket. Teka, ano bang sasabihin mo?" Naiistress yung utak ko eh.

"Iisa lang naman 'yun" Umiling iling sya. "Eh kasi, kaibigan mo si Ashianna Lorein 'di ba?" Tanong nya.

"Oo" Sagot ko.

"Ipakilala mo naman ako president!" Pinagdikit nya yung palad nya.

"Hala gago, seryoso ka?" Napaangat yung labi ko. Putangina, ipakilala ko daw sya kay Ash.

"Oo, gwapo naman ako ah? Matalino tapos... Tapos ano... Magaling sa gawaing bahay" Sagot nya na parang hindi sigurado sa buhay.

"Pre..." Kunyari akong nag punas ng luha. "Ayaw nya sa bansot, pre. Sorry pre" Tinapik ko na lang yung braso nya.

"Sadboy na ako, ang sakit pre" Umalis na sya. Tangina HAHAHAHAH!

"President, mukang matutunaw ka ah?" Tanong ng kaibigan ko. Kumunot yung noo ko.

"Tangina, pinag sasabi mo dyan" Hinampas ko sya ng cartolina sa ulo nya.

"Bobo, ayon oh" May tinuro sya kaya tumingin ako doon. Nakita ko si Cindy na nakatitig sa 'kin. "Hay nako, mag titigan na nga lang kayo dyan!" Umalis na sya.

"Shiro, pwede bang pakituruan ako sa part na 'to? Nahihirapan kasi ako" Sabi ni Blaire.

"Sige, dito ka" Tinuro ko yung kabilang bangko kaya umupo sya doon. Itinuro ko na muna 'yon sa kanya. "Gets?"

"Oo, salamat" Ngumiti sya.

"Welcome, kayo pa ba!" Tumawa ako. Tumingin ako kay Cindy. Pagkatingin ko sa kanya ay nakita kong umiwas sya ng tingin. Tuwing tumitingin ako sa kanya, palagi syang umiiwas. Ayaw nya bang makita yung muka ko?

Dumating na si Prof kaya naman nakinig na lang ako. Napapansin kong sumusulyap si Cindy kaya lumingon ulit ako sa kanya. Nagulat naman sya at kinuha yung notebook tsaka nag basa.

"Class dismissed" Sabi ni Prof at lumabas na. Hays, makakapag laro na din. Tumayo ako at lumapit kay Cindy na nag babasa pa rin.

"Baliktad yung libro mo" Sabi ko at natawa.

"Oo nga no? Hehe" Binaliktad nya 'yon.

"Hindi ka pupunta sa cafeteria?" Tanong ko naman sa kanya. Boring kaya kapag nag stay dito. "Sama ka sa 'kin! Tara!" Hinatak ko na sya mula sa upuan nya. Pagkababa sa building ay pumunta kaagad kami sa cafeteria.

"Nagugutom ako" Bulong nya.

"Anong gusto mo? Ako na oorder, umupo ka na lang doon" Tinuro ko yung pwesto namin.

"Adobo lang" Ngumiti sya at umupo na doon. Nag order na ako at hinintay na lang 'yon. Nang makuha ay pumunta na ako sa pwesto namin.

"Kain na" Binigay ko sa kanya yung order nya at kumain na din. "Cindy, tingin ka ng tingin saakin kanina. May dumi ba sa muka ko?" Tanong ko.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon