Chapter 11: Without him

961 26 1
                                    

"Yanna!" Sigaw ni Sheena. Hindi ko sya pinansin at nag madali nang maglakad. Nako naman! Bakit ngayon pa? Tss.

"Hinto!" Sigaw naman ni Shiro at tumakbo papunta sa unahan ko. Hinarang nya naman ako.

"Uh, bakit?" Tanong ko at hindi na tumingin sa kanila.

"Mag usap muna tayo!" Sabi ni Sheena at hinatak hatak pa 'yong uniform ko.

"May gagawin pa kasi ako, eh" Pagdadahilan ko. "Sige na, bye!" Tumakbo na ako pero hinarang ulit ako ng kambal na 'to!

"Hindi pwede" Umiling si Shiro tsaka lumapit saakin at inakbayan ako. "Mag usap muna tayo! Umiiwas ka na saamin, eh! Porket b may asawa ka--" Tinakpan ko kaagad yung bunganga nya dahil ang lakas ng boses nya.

"Shh!" Saway ko sa kanya at tumingin sa paligid. Muka namang walang nakarinig kaya inalis ko na yung pagkakatakip sa bunganga nya.

"Nag toothbrush ka ba?" Tanong ko at pinunasan yung kamay ko.

"Oo, mas mabango pa 'to sa damit mo!" Sabi naman nya.

"Mamahalin yung uniform nyan, twin. Wala kang panama" Tumawa si Sheena.

"Che!" Sabi naman ni Shiro kay Sheena.

"Pero Yanna, sabihin mo na kasi saamin kung paano ka kinasal bigla!" Pagdadabog ni Shiro. Nag lakad ako papunta sa cafeteria. Sumunod naman sila.

"Yes, Yanna. Hindi ka manlang nag invite!" Sabi naman ni Sheena. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong nila.

"Private lang kasi" I awkwardly smiled.

"Sabihin mo na!" Pamimilit pa nila. Sa huli ay nainis na ako kaya naman napahampas ako sa mesa. Natahimik naman sila.

"Okay fine!" Inis na sabi ko bago ikinuwento sa kanila.

"So... Omygod! Hindi mo talaga mahal si Mr. Dawson?!" Gulat na tanong ni Sheena.

"Hindi, at hinding hindi mangyayari 'yon" Sabi ko.

"Grabe ka na Ash, libre mo na kami! Kahit ihaw ihaw lang!" Sabi ni Shiro.

"Next time"

"Nakakasama mo pala yung ex ni Mr. Dawson? What happened naman? Inaaway ka ba nya?" Si Sheena. Minsan.

"Hindi, mabait si Madi. Hinihintay ko na lang na magkaayos sila, at kapag nangyari 'yon. Pwede na nya akong idivorce" Natutuwa Kong Sabi at ngumiti sa kanila.

"Mayaman ka na! Woohoo! Marami ka nang pera, Yanna. Penge naman dyan oh!" Nilahad ni Shiro yung kamay nya. Tss.

"But, bakit mo ba tinanggap yung offer nung abnormal nating teacher? You know naman na he's bolero" Sabi pa ni Sheena. Simple lang.

"Para sa grades ko and para sa pag-aaral ko. Ang hirap kaya maging working student. Kinausap ko si Mr. Dawson kasi ayokong bumaba yung grades ko. Alam nyo namang mahal na mahal ko yung average ko para makapasa ako sa H.E.U" Takang taka pa rin sila kung bakit ko ginawa yung mga 'yon. Hindi ko naman alam na aabot pala ako sa gantong sitwasyon.

"Pero yung kay Mr. Dawson? Sure ka ba na wala kang gusto sa kanya? Baka kasi may mag luksa HAHAHA!" Sabi ni Shiro.

"Wala akong gusto sa lalaking 'yon." Totoo naman. Wala akong gusto kay Kian. Hindi ko pa nga sya masyadong kilala. Napaka misterious nya minsan. "Basta, wag nyong sasabihin 'to kahit kanino. Kahit sa dalawa pa!" Paalala ko sa kanila.

"Bakit naman?" Tanong pa ni Sheena.

"Kayo lang yung pinagsabihan ko. Secret lang kasi namin 'yon ni Kian tapos alam nyo nang dalawa, kaya wag kayong maingay" Kinuha ko na 'yung gamit ko at tumayo na.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon