Pagdilat ng kanyang mga mata, kulay luntian mahalimuyak na mga bulaklak ang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Napabalikwas siya ng maalala ang nangyari. Mag isa lang siya sa silid, walang ibang tao. Napatingin siya sa kanyang mga kamay, mayamaya pa ay napangiti siya habang patuloy sap ag agos sa kanyang pisngi ang kanyang mga luha.
"Gising na po pala kayo?"
Napatingin siya sa nagsalita, hindi nga namalayan ni Miranda na may nagbukas ng pinto. Hindi niya maalis ang kanyang paningin sa kaharap na batang babae habang masaya nitong bitbit ang punpon ng mga bulaklak at si Zaiden Alfiro naman bitbit ang basket na may laman na mga prutas.
"Heto po."
Iniabot ni Oceane ang isang prutas na may kulay pula na laman, para itong dalandan ngunit mag kaiba lamang ito sa kulay.
"S-salamat."
Ngumiti naman ang dalaga sa kanya saka ibinaling nito ang tingin kay Zaiden ALfiro.
"Mga bata, salamat sa pagdadala nyo sa akin dito." Sabi ni Miranda
"Hindi naman po kami ang nagdala sa inyo dito"
Kumunot ang noo ni Miranda sa sinabi ng batang Alfiro.
"Si Dad po ang tumulong sa amin na madala kayo dito, nataranta po kasi si Oceane kanina nun mawalan po kayo ng malay." Paliwanag naman ni Zaiden
"G-ganun ba?"
Napalingon silang tatlo sa pintuan ng biglang may magbukas, iniluwa nito ang mag Amang Alfiro, si Valkoor at Justin. May bitbit pa na bulaklak ang binatang Alfiro.
"Kamusta ang iyong pakiramdam Miranda?"
Hindi sumagot si Miranda. Nakatingin lang siya sa lalaking kaharap. Kahit sabihin pa na ito ang tumulong sa kanya hindi pa rin siya magpapasalamat, may iba siyang nararamdaman sa pagiging mabait nito.
Napansin naman ni Oceane na tahimik lang si Miranda, hindi man lang sinagot ang tanong ni Valkoor.
"Hindi man lang po ba kayo magpapasalamat sa kanya?" tanong ng dalaga.
Napatingin siya kay Oceane. Huminga siya ng malalim at hindi sinagot ang tanong ng dalag.
"Hindi na kailangan hija." Sabi naman ni Valkoor. "Ang aking pagtulong ay walang hinihingi na kapalit."
"Pero po..." sabi naman ni Oceane
"Walang kapalit?! Kung hindi ikaw ang nagsalita baka maniwala pa ako." Sabi naman ni Miranda
Nagsmirked naman si Valkoor. "May nais ka bang sabihin Miranda?"
"Alam ko na alam mo kung bakit ako ganito, kaya wag mo na bilugin pa ang ulo ko, dahil hinding hindi ako mag papauto sayo." Gigil na sabi ni Miranda
Napansin ni Oceane na nagpipigil sag alit si Miranda, kitang kita niya iyon sa higpit ng paghawak ni Miranda sa kumot na nakabalot sa babang bahagi ng katawan nito.
"Mabuti pa ay umalis na tayo Justin, Zaiden.." anyaya ni Valkoor
"Magpapaiwan ako dito Dad." Sabi ni Zaiden
"Kung iyan ang iyong nais." Simpleng sabi ni Valkoor.
Naglakad ang mag ama papalapit sa pintuan. Si Justin ang nagbukas ng pintuan, nakatingin lang naman sina Zaiden at Oceane sa dalawang palabras ng pintuan.
Bago tuluyang lumabas si Valkoor, lumingon pa ito kay Miranda.
"Hindi lahat ng lihim ay mananatiling lihim."
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The Prophecy
FantasyEretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwanag ang itim na orb na halos parang nabulag na ang iba..... Ang lahat ay magbabalik sa simula, kung...