Binangungot na naman siya. Hindi niya alam kung bakit siya nananaginip ng ganun, parang totoong nangyari. Natatakot siya. Bumangon siya sa pagkakahiga saka naupo sa kama. Basang basa siya ng pawis.
"Are you having a nightmare?!"
Napalingon siya sa nagsalita. Nakaupo sa sanga ng puno sa tapat ng kanyang bintana si Castor.
Imbes na sumagot ay isinara niya ang bintana. Galit pa siya kay Castor.
-----
Kinabukasan, isang katok ang nagpagising sa kanya. Agad siyang bumangon saka binuksan ang pintuan ng silid.
"What?" inis niyang sabi
"Uhm.. Hrmmmn."
"O-ceane? May lakad ba tayo today?"
Napatingin siya sa calendar sa likod ng kanyang pintuan. Napatingin ulit siya sa babae, namumula ang mukha nito.
Napatingin si Oceane sa lalaking kaharap, naka topless ito, kitang kita niya ang makinis na balat ni Zaiden, and with her surprise flat ang tummy nito. Napalunok siya.
Oh my God.. Ang aga aga naman nito..
Nagulat pa siya ng hilahin siya ni Zaiden papasok sa loob ng silid. Pinaupo siya nito sa kama.
"May lakad ba tayo? Tanghali na ba ako?"
Nakatayo si Zaiden sa harapan niya. Napayuko siya. Alam niyang mahahalata ni Zaiden na nagba blush siya.
"Uhm yayayain sana kita na mamasyal sa normal world." sabi niya habang nakayuko
"Really?" masayang sabi ni Zaiden. "Hintayin mo lang ako sa room, mag aayos lang ako.."
Tumayo si Oceane at mabilis na lumabas ng silid ni Zaiden. Agad siyang pumasok sa silid niya. Pakiramdam niya kanina ay di siya makahinga.
Makalipas ang halos 15 minutes isang katok ang nagpagulat sa kanya. Napalingon siya sa pinto, malamang ay si Zaiden yon.
Oh my.. Bakit ganito ang nararamdaman ko..
Lumapit siya sa pintuan. Huminga muna siya ng malalim.
"Are we going?!" tanong niyo
Naamoy pa niya ang masculine scent ng binata. Amoy fresh dahil bagong ligo.
He makes me feel uneasy
------
Pagtawid sa portal, namangha si Zaiden sa mga nakita niya. Parang ang lapit lang niya sa langit. May nakikita siyang matataas na building.
"Wow!" sabi pa nito
Napangiti si Oceane. Mukhang maganda ang napuntahan nila pagkatapos niyang magwish sa portal.
Hinila niya si Zaiden sa may gilid ng building. Asa pinakatuktok sila ng building, isa iyon sa pinakamataas sa city. Tumingin pa silang dalawa sa ibabana halos di na makita ang mga naglalakad na tao.
"Did you like the view?" tanong niya
Ngumiti lang si Zaiden saka siya niyakap.
Gulat na gulat ang binata nun sumakay sila ng elevator. Napansin din nito na may pinindot siya sa gilid ng elevator.
"Para saan yan?"
"Ito ang magdadala sa atin sa groundfloor.."
"Really?!"
Gusto niyang matawa sa itsura ng lalaki. Halatang bago lang ito sa lugar dahil patingin tingin ito sa paligid.
Paglabas nila ng building, sumakay sila ng bus. Nakatingin sa kanila ang mga pasahero, marahil sa itsura ni Zaiden. Mukha itong sikat na modelo o artista.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The Prophecy
FantasyEretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwanag ang itim na orb na halos parang nabulag na ang iba..... Ang lahat ay magbabalik sa simula, kung...
