It All Started Here (Again)

3.4K 69 38
                                    

Nakatingala si Oceane sa mataas na gate sa harapan niya. Sukbit niya ang kanyang back pack na kulay pink. Habang hawak ng kanyang kanang kamay ang tablet niya. May headset siya sa tenga na konektado sa hawak niyang tablet.

Ilang sandali pa, bumukas na ang malaking gate. Habang unti unting bumukas ang gate, unti unti rin bumubuka ang kanyang bibig.

"WOW!" hindi niya napagilan ang sarili

Isang malaking building ang unang makikita pagpasok sa gate, may mataas itong pintuan at may malaking orasan sa itaas. Mukha itong cathedral sa unang tingin.

Nagsimula ng pumasok ang mga estudyanteng kasama niyang naghihintay kanina. Dahan dahan siyang naglalakad at lumilingon sa paligid. Grabe ang lawak ng Academy. May malaking open field sa magkabilang tabi ng entrance hall.

'Ibang klase! Ang astig!'

Hindi mapaigilan ni Oceane ang pagkamangha niya sa loob ng entrance hall. Ang lawak ng loob nito. Sa loob nito ay may mga malalaking larawan na gumagalaw.

'Sila ang mga great wizards..'

'Lahat yan ay nag aral dito sa Academy.'

'Sana magkaroon din ako ng ganyan balang araw.'

'Lahat ng meron larawan ay ang mga wizards na namatay na. Gusto mo bang mamatay agad?'

Napangiti siya sa mga naririnig na kwentuhan sa mga kasabay na estudyante sa hall. Ilang sandali pa lumabas na sila sa entrance hall. Nanlaki ang mata niya ng makita ang apat na building sa harapan niya. Malayo ang pagitan ng mga building sa bawat isa.

"Welcome back students! Welcome new comers! The class starts in 10 minutes. Find your Section and line up properly while entering your room. "

Mula sa kung saan ay narinig nila ang boses na iyon. Nagsimula ng maghiwahiwalay ang mga estudyante. Napakamot siya sa ulo.

'Oh no, saan ba ang section ko?'

"Can I see your hand?"

Napalingon siya sa nagsalita. Isang gwapong lalaki ang katabi niya. Kasing edad niya ito, seryoso ang lalaki habang direktang nakatingin sa kanyang mga mata.

Hindi ngumingiti ang lalaki, kinuha nito ang kanyang kamay.

"We're in the same Section."

Binitiwan nito ang kanyang kamay at nag umpisang maglakad. Muli nitong ipinasok ang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. Mabilis siyang naglakad para maabutan ang lalaki.

Hindi siya nagsasalita, palihim siyang sumusulyap sa lalaki. Napansin niyang namumutla ito, pero mapula naman ang labi.

'Grabe ang pula ng labi niya. Para bang nang- aakit. Siguro ang sarap niyang halikan.'

Bahagya pa siyang nagulat ng lumingon ang lalaki sa kanya. Tumigil ito sa paglalakad, ganoon din siya.

"I'm Castor."

Pagkasabi nito ay tinalikuran na siya at pumasok sa loob ng silid.

Wala pa ang Prof kaya naman maingay pa sa loob ng klase. Lumingon lingon siya sa paligid. Napako ang tingin niya sa lalaking kasabay niya kanina. Nakaupo itong mag isa sa may bintana. Halos walang nagtatangkang lumapit dito. May isang lalaki pa na mabilis na kinuha ang upuan sa tabi ng binata saka mabilis na umalis. Inilipat lang nito ang upuan sa di kalayuan sa lalaki.

'Anong problema nila? Bakit nilalayuan nila ang lalaking yon?'

Isang grupo ng mga lalaki ang nagtutulakan habang naglalakad sa loob ng room. Isang malakas na pwersa ang nagtulak sa isang lalaki, kaya naman na-out of balance ito at natumba. Sakto naman iyon sa pwesto ni Oceane.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon