Ilang araw na ang lumipas mula ng magkagulo sa Retreat. Bumalik na sa dati ang nabaling braso ni Oceane.
Naglalakad sila sa hallway para sa agahan.
"Yep! Kaya ko na nga gawin ito..." sabi ni Oceane sabay suntok sa tiyan ni Zaiden.
"Ugh!"
Napahawak sa tiyan si Zaiden. Malakas ang suntok ni Oceane sa kanya.
"Yeah! Naniniwala na ako!" sabi niya
Hinimas himas niya ang nasaktan niyang tiyan.
"Uuwi ka ba sa mundo ninyo today?" tanong ni Zaiden
Umiling lang si Oceane. Saka bahagyang ngumiti.
"Bakit?"
"Wala naman akong uuwian doon." simpleng sabi ni Oceane
Napatingin lang si Zaiden sa dalaga. Kahit palagi itong nakangiti, parang may dinadamdam ang dalaga. Hindi niya lang alam kung ano.
"Mas okay pala yon.." sabi na lang niya
Napalingon si Oceane sa binata.
"Samahan mo na lang ako."
"Huh?! Saan?!" Tanong ni Oceane
"Secret!" nakangiting sabi ni Zaiden
Pagkatapos ng agahan, sabay silang namasyal sa kagubatan. Habang sabay silang naglalakad papasok sa kagubatan, hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng kaba sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso sa tuwing magtatama ang kanilang paningin.
"Uy Zaiden... tulala ka na naman!" sabi ni Oceane sabay hampas sa braso nito
"Ha? Ah eh..." sabi naman ni Zaiden sabay iwas ng tingin sa dalaga.
"Iiwas ka na naman ng tingin..." nakangiting sabi ni Oceane. "Pag ganyan ka palagi sa akin..."
Napalingon si Zaiden kay Oceane.
"Iisipin ko na... may gusto ka na sa akin." dagdag ni Oceane
"Ang totoo..." sabi ni Zaiden
"Wow! Ang ganda ng puno.. Tara lapitan natin." sabi ni Oceane
Agad niyang hinawakan ang kamay ng binata at hinila, sabay silang tumakbo papalapit sa malaking puno.
Seryoso naman na nakatayo sa sanga ng mataas na puno sa di kalayuan si Castor. Mula paggising ng dalaga ay nakasunod na siya dito.
'Masama ito. He's fallin' deep..'
Habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang naglalakad sa puno ng Anikita, isang senaryo na naman ang biglang pumasok sa kanyang isip.
Napahawak siya sa kanyang ulo ng makaramdam siya ng sakit mula roon. Dahil sa nangyari, nawalan siya ng balanse at muntik na siyang mahulog sa puno.
Agad siyang napahawak sa sanga nito, ngunit marupok ang sanga na kanyang nahawakan kaya naman nahulog siya muli. Mabuti na lang sa pangalawang pagkakataon ay nakahawak siya sa isa pang sanga. Agad siyang bumalanse para makaupo sa sanga at makasandal sa katawan ng puno.
Humihingal siyang sumadal doon. Pinagpawisan rin siya. Kahit pa sabihin na half vampire siya, kung ano ang pakiramdam ng normal na tao ay kaya rin niyang maramdaman. Iyon nga lang ay kalahati ng isang daang porsyento nito ang kaya lang ng kanyang mga senses. Mas malakas pa rin ang dugo ng pagiging bampira niya.
'Nangyari na naman... mga senaryo na hindi ko alam kung saan ko nakuha at kung bakit ko nakikita ang mga iyon.'
Nakaramdam siya na parang hindi lang siya ang nagmamasid sa dalawa. Lumingon lingon siya sa paligid. Ilang kilometro ang layo, isang nakasuot ng cloak ang nakatayo malapit sa bangin ang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The Prophecy
FantasyEretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pilar et inuska. Timera Aveska..... Lumiwanag ang itim na orb na halos parang nabulag na ang iba..... Ang lahat ay magbabalik sa simula, kung...
