Secret Revealed

798 25 16
                                        

Ilang araw ng nag iimbestiga si Castor sa kay Oceane ngunit wala pa rin siyang makitang sinyales na ito nga ang anak nina Nazar at Miranda. Nagsisimula na rin siyang mawalan ng pasensiya.

"What?" tanong ni Oceane

Napansin kasi ng dalaga na nakatitig sa kanya ang lalaki. Walang kurap at parang malalim ang iniisip. Nakaupo siya sa kama niya habang abala sa pagbabasa ng lumang libro na iyon na nakita niya sa library at isa pa, kinakabahan siya kay Dhara. Paano nitong nalaman na may binabasa siyang libro na kakaiba ang lengwahe.

"That arrogant man.. he's correct." Sabi ni Castor

Kumunot ang noo ng dalaga.

"You're really gorgeous.. only blind can't noticed you." Dagdag pa ni Castor

Pinamulahan siya ng mukha. Umiwas siya ng tingin sa lalaki, sabay ngiti.

"Wag mo na ako bolahin.. alam kong may itatanong ka." Sabi na lang ni Oceane

Narinig niyang nagsmirked si Castor. Naramdaman na lang niya ang malamig na kamay nito sa kabilang bahagi ng kanyang mukha. Dahan dahan nitong inianggat ang mukha niya.

Nakaramdam siya ng kaba, seryoso si Castor. Nakatitig ito sa mga mata niya, walang kurap,diretso.

"You're eyes..."

"Huh?"

"Parang..."

Nagflashback sa isip niya si Nazar. Ang mga mata nitong kahit hindi ito magsalita ay nangungusap na.

"What's wrong with my eyes?" maang na tanong ng dalaga

Para naman na naalimpungatan si Castor at bumalik ang presensiya niya sa present. Napangiti siya.

"You are really beautiful but your eyes... your eyes are the best."

"T-thank you.." napansin niyang pinamulahan ng mukha ang babae dahil sa sinabi niya.

Inalis na niya ang kamay niya sa mukha ng dalaga.Tumayo siya at lumapit sa bintana.

"You should rest now, good night!" sabi ni Castor

"G-good night." Sabi naman ng dalaga
--------

Hindi mapakali si Calin ng gabing iyon. Kahit maliit lamang ang silid niya ay nagawa niyang tumakbo at magpaikot ikot dito.

Inamoy pa niya ang lahat ng gamit na makikita roon. Ito ang unang pagkakataon na makikihalubilo siya sa mga tao. Ilang oras na lang ay sisikat na ang araw. Magsisimula na rin ang agahan sa dining hall at pagkatapos noon ay mag sisimula na ang klase.

Iba ang saya na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

---------

Naglakad siya sa hallway para sa agahan. Palingon lingon siya sa paligid, panay rin ang titg niya sa mga estudyanteng naglalakad sa unahan niya. Kahit pa nakatago ang kanyang buntot, hindi niya mapigilan ang pag galaw nito. Ganun siya pag na eexcite siya sa isang bagay.Kumakawag ang buntot niya. Napahawak siya sa kanyang likuran para pigilan ang paggalaw nito.

'Tumigil ka na... tumigil ka na!' sabi niya sa isip niya

NApahinto siya ng may maamoy siya. Napalingon siya sa paligid.

'Bampira.. may bampira dito sa Academy!'

Habang tumatagal ay papalapit ng papalapit ang amoy na iyon. Mabilis siyang tumakbo at nagtago sa likod ng malaking pillars.

---------

Pinilit niyang wag lumingon at di pansinin ang amoy na iyon. Mula iyon sa likod ng malaking pillars di kalayuan sa kanya. Pamilyar sa kanya ang masangsang na amoy na iyon.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon