Guardian Monster

629 28 5
                                    

Habang kagat kagat ni Castor ang isang piraso ng damo, malaya namang iginagalaw ito ng hangin. Nakaupo siya sa pinakamataas na puno malapit sa Serenity Falls.

Naka bend ang isa niyang tuhod habang relax na nakaunat naman ang kabila. Malakas ang hangin sa itaas ngunit di niya iyon ininda.

Pag nasa ganoon siyang pagkakataon, palaging sumasagi sa isip niya ang nakaraan, kung paano siya naging kalahating bampira.

Bagaman ipinagpapasalamat niya ang pagkabuhay niya, hindi pa rin niya matanggap ang kung ano na siya pagkatapos noon.

Isang kakaibang amoy ang sumagi sa kanyang ilong. Masangsang at mabaho, hindi niya maipaliwanag.

Unti unti niyang hinawakan ang kanyang ilong dahil sa pakiramdam na nangangati ito. At hindi nga nagtagal ay bumahin na siya at suminghot.

Samantala ikinuwento naman ni Nazar ang buong pangyayari kay Miranda. Tahimik lang na nakikinig ito.

"Sumpain ni Merlin ang iyong Ama Nazar... Sobrang napopoot ako sa kanya. Masayang pamilya na sana tayo ngayon kung hindi dahil sa kanya." galit na sabi ni Miranda

Huminga ng malalim si Nazar. Kahit siya ay galit rin sa kanyang ama.

"Kahit ako ay ganyan din ang nararadaman..."

"Nazar, natatakot ako para sa anak natin.. Oras na malaman ng iyong Ama ang tungkol sa kanya...."

"Hindi mangyayari ang iniisip mo Miranda. Walang nakakaalam ng pagbubuntis mo..."

"Si Valkoor..."

"Anong si Valkoor, Miranda?"

"May duda ako na alam niya na nagkaroon tayo ng anak."

Natigilan ang dalawa. Napaiisip naman si Nazar. Mayamaya ay naramdaman na niya ang aura ni Castor papasok sa loob ng kweba.

"Nazar... Kailangan umalis si Miranda, may kakaiba akong nararamdaman na papalapit sa kinaroroonan natin.."

Napatayo si Nazar pagkatapos ay napatingin kay Miranda.

"Mula ba sa Dark Wizards?!"

Umiling lang si Castor.

"Aalis na ako bago pa nila tayo makitang magkasama."

Agad na nilapitan ni Miranda ang batang bampira. Nagkatinginan naman ang dalawa, sina Miranda at Castor.

"Mag iingat ka Miranda. Babalitaan kita.." sabi ni Nazar

"Salamat Nazar."

Pagkasabi nun ay mabilis na itong naglakad papalabas sa kweba. Kasunod naman nito si Castor.

Pagkaalis nina Miranda at Castor, maingat na umakyat sa maliit na biyak na bato sa bandang itaas ng kweba si Nazar. Mabilis muna siyang lumulob sa tubig para mawala ng sandali ang kanyang amoy. Kung ano o sino man ang papalapit sa kanya hindi kaagad siya mapapansin nito.

Isang batang babae ang pumasok sa kweba. Halos kasing edad ito ni Castor. Mukhang namumutla ito. Mayamaya pa ay napaluhod ito sa lupa saka bumagsak, mabuti na lamang at agad na bumaba sa pinagtataguan niya si Nazar at agad na nasalo ang batang babae.

Hindi mapakali si Zaiden habang palakad lakad sa harapan ng Centro Medico sa bayan.

Matapos kasi niyang dalahin sa clinic si Oceane matapos ang nangyari ay bigla itong nawala habang kausap niya ang head nurse na si Nurse Ceia.

"Bakit Zaiden? May nangyari ba?"

Paikot ikot sa kanya ang isang flower fairy. Iyon ay si Altheia isang flower fairy.

"Si Oceane kasi bigla nawala, nag aalala ako.." sabi naman ni Zaiden

"Oceane?" maang na tanong ni Altheia

"Bigla kasi siyang nawalan ng malay.. lumabas lang ako sandal dito sa silid wala na siya. " paliwanag niya

"Hayaan mo na siya, baka takot siya sa mga gamot kaya tumakas.." sabi naman ni Altheia

"You think so?" sabi ni Zaiden na parang napaisip

-----

Hindi maalis ni Nazar ang tingin niya sa batang babae na mahimbing na natutulog sa kanyang higaan. Binuhat niya ito at dinala sa kanyang pansamantalang tahanan.

Nakaupo siya sa tabi nito, may kakaiba siyang naramdaman ng mapansin niya ang maamong mukha nito.

'Kamukha siya ni Miranda...'

Bahagya niyang inilapit ang kanyang kamay sa mukha ng batang babae, ngunit nag alangan din siya kaya naisipan na lang niya na lumabas.

------

Isang lalaki ang nakatayo di kalayuan sa kweba. Sa tingin niya ay malalim ang iniisip nito. Isang aura ang nararamdaman niya sa paligid ngunit di niya masabi kung kanino iyon. Kanina ay may isang batang bampira siyang nakita mula sa puno. At sigurado siyang naamoy siya nito at nakita. Ngunit may kakaiba sa batang bampira, hindi puro ang dugo nito.

Napansin niyang kumilos ang lalaki, parang may hinahanap at nakatingin ito sa kinaroroonan niya. Dahil Malaki ang kanyang katawan, hindi siya maaring mag kubli sa isang puno lang. Dahandahan at maingat siyang humakbang paurong para hindi siya mamalayan ng lalaking iyon. Base sa aura nito ay malakas ito at hindi basta basta matatalo.

-----

Kumunot ang noo ni Castor  habang nakatitig sa isang malaki at kulay puti na lobo. Nakatago ito sa likod ng isang malaking puno. Napalingon siya sa di kalayuan dahil mukhang abala ito sa pagtingin doon. 

Maingat siyang naglakad para lapitan ang lobo. Agad niyang sinunggaban ang lobo at sa gulat nito ay bigla itong nagwala. Nagalit ito sa kanya at wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa likod nito habang mabilis itong tumatakbo. Ilang beses siya nitong inihahagis ngunit mabilis siyang nakakalapit dito at muling susunggaban ang likod nito. Ilang mga bato at puno na rin ang nabiyak sa lakas ng pwersa ng pagkakahampas niya sa mga iyon. Mabuti na lang at bampira siya, imposibleng mamatay siya sa ganoon lang.

-------

Pinamulahan siya ng mukha habang nakatitig sa lalaking nasa ibabaw niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig lang sa kanya.

"Sino ka?" tanong ni Castor

Hindi nagsalita ang babae. Imbes hinawakan nito ang kanyang dalawang braso at buong lakas na inihagis siya palayo. Agad naman itong bumangon at nagtago sa likod ng puno.

'Nakakainis bigla bigla na lang ako nagpalit anyo, kita na niya ang lahat sa akin..' gigil na sabi ng isip

Narinig niyang nag smirk ang lalaki.

"Sa akala mo ba, titigilan kita? Magpapatayan tayo ditto hanggat di mo sinasabi ang pangalan mo. Sino ka?"

Bahagyang siyang sumilip ngunit di niya makita ang lalaki. Lumingon lingon siya sa paligid. Tinakpan ng kanyang buntot ang maselan na bahagi ng kanyang katawan.

"Hindi kita uurungan bampira. Wag kang magtago! Harapin mo ako!"

"Makikipag harap ako sayo... sabihin mo kung sino ka."

"Bakit ba interesado kang malaman kung sino ako? Hindi ka naman malakas para labanan ako." Panunukso niya

Nagsmirked si Castor. Nakaupo siya sa isang sanga ng puno 1 kilometro ang layo mula sa babaeng lobo.

Naghihintay naman ng sagot ang babae, ngunit wala siyang maramdaman na aura sa paligid. Huminga siya ng malalim.

"Ako ang Wolf Guardian..."

"Ano?"

Nakatayo sa harapan niya ang batang bampira habang kunot ang noo nito.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 4: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon